Chapter 8

161 9 3
                                    

A/N: Dedicated to sabinalang. Thank you po sa stars. Hahaha xD




Kim




"Let's break up."




Tatlong salita. Tatlong salita na naging dahilan para gumuho ang mundo ko. Tatlong salita na sumira sa mga pangarap ko. Tatlong salita na naging dahilan para mawalan ng saysay ang buhay ko.





Shit. Nakakabakla man aminin pero naiiyak na naman ako.



Nagmahal lang naman ako, anong mali dun?




***
Cyd



At di nga ako nagkamali, dito ko nga sya natagpuan.




Umiiyak na naman pero mabuti na lang at hindi na sya umiinom.




Flashback:

"Kim." Tawag ko sa kanya na halatang tinamaan na ng alak.




"Uy Dit! Andito ka pala. Tara't magcelebrate!"



"Kim..."




I-celebrate natin ang 1st year death anniversary ng puso ko. Cheers!”




Tama na yan. Uwi na tayo.”




“Ayoko muna umuwi, dito muna ako.”




Nag-aalala na sila sayo. Baka mapano ka.”




“Andito ka naman eh. Di mo naman ako pababayaan diba? Di tulad nya.”




Oo Kim, di kita iiwan...”

End of flashback.




Simula nun, pinangako ko sa sarili kong ako ang magiging happy pill nya at hinding hindi ko sya pababayaan.




“Kim...” Tawag ko sa kanya sabay upo sa tabi nya.





“Oh Cyd, ikaw pala. Ano ginagawa mo dito?” Pinunasan nya naman agad ang luha nya.





“Hinanap kita. Nag aalala kami sayo.”





“Grabe, di pa naman ako magpapakamatay. Wag kayong mag-alala.” Sabi nya na medyo natatawa pa.





“Anong hindi? Kung makaemote ka dati, parang katapusan na ng mundo. Para ngang magkocommit ka ng suicide anytime eh.” Di ko na napigilan ang inis sa boses ko, eh sa nakakainis naman kasi talaga.






“Ganun na ba talaga ako kalala nun?”






“Oo. Mabuti nga ngayon at di ka umiinom. Anong nakain mo? Hahaha.”






“Wala naman. May narealize lang ako.”





“Ano?” Nakucurious kong tanong sa kanya dahil sa seryoso nyang tono.




“Na sumobra na pala ako. Yung mga paglalasing ko nun gabi gabi? Ginawa ko lang naman yun kasi baka maawa sya at balikan ako. Siguro iniisip ng iba na sobrang desperada ko. Wala eh, mahal ko. Sa sobrang pagmamahal ko, lalo ko palang sinisira ang sira ko nang buhay.” Napatahimik naman ako nun. Di ko sya masisisi, nagiging desperado talaga kahit sino pag ang mahal na nila ang pinag uusapan.






“Cyd...” Tawag nya sakin pagkatapos ng mahabang katahimikan.






“Hmn?”






“Nakapagdesisyon na ako. Magmomove on na ako kay Mela. Alam kong mahirap, pero kakayanin. Di mo naman ako pababayaan diba?”






“Oo naman Kim. Tutulungan kita.”








A/N: Sorry for the long wait. Medyo busy lang talaga ako these days. Next week pa dapat ang update kasi hanggang bukas pa exam ko kaso nangati kamay ko kaya ta-dah! Hahaha xD


PS. Idededicate ko ang next chapter sa unang makocomment. No char. Hahaha


PSS. Thank you sa mga sumusuporta pa rin sa story na 'to kahit walang definite na plot, nakadepende kasi ang update ko sa kung anong pumasok sa utak ko kaya ganito ang resulta, sabog. Para kàsi akong naka-high lagi. Hahaha😂😂😂
Pero hindi ako nakadrugs ah? Baka biglang may sumulpot na pulis sa bahay at arestuhin ako. Hahaha😂😂😂

One More ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon