Xeine's Point Of View.
First day of classes ngayon. It's already 7:48 am nung nagising ako at 8 am ang pasok ko. Sabi nila mas okay na daw na pumasok ako ng late ngayon para hindi ako dumugin.
Tumingin ako sa relo ko at nakitang 8:15 am na. Pag-angat ng tingin ko ay ang pagbungad naman ni Manong Leo na inutusan ni daddy na magbantay sa'kin.
"Tara na po, Kuya Leo." sabi ko at naunang lumabas at pumunta sa kotse.
"Ma'am Xeine." bungad niya pagka-upo sa driver's seat.
"Kuya Leo naman. Xeine nalang po. Masyado mo naman po akong pinapatanda haha! Bakit po?"
"S-Sorry. Ah wala. "
"Okay lang po 'yun. Sige po, tara na po." He started the engine of the car.
Sumandal ako sa passenger seat at huminga ng malalim. This is the day. Habang papalapit kami ng papalapit sa School na papasukan ko ay hindi mawala yung kaba na nararamdaman ko ngayon.
"Kinakabahan ka 'no?" napatingin ako kay kuya Leo dahil sa tanong na 'yon.
"Yes po. You can't blame me, Kuya Leo." napatango lang siya sa sinabi ko.
Matagal na katahimikan ang bumalot samin sa loob ng kotse. Tumingin ako sa bintana at iniisip yung mga posibleng mangyari mamaya pagpasok ko.
Suddenly, narinig ko nanamang nagsalita si Kuya Leo. "Huwag kang magalala, Iha. Maganda ang school na 'yun. Mukha namang magugustuhan mo."
Napakunot ang noo ko. It seems like may alam si Kuya Leo about sa school na papasukan ko.
"Nakapunta kana ba sa School na 'yun, Kuya Leo?" I asked out of curiosity.
Nakita ko ang pagtango niya.
"Sabihin na nating nakapunta na ako at nakapag-stay doon. Pero, Xeine Iha? Magiingat ka."
Agad kumunot ang noo ko sa sinabi na 'yun ni Kuya Leo. Lalong nadagdagan ang kaba na nararamdaman ko.
"Bakit naman po?"
Umiling siya. "Wala lang. First time mo kasing pumasok sa isang paaralan, hindi ba?"
Tumango nalang ako at pumikit. I know, may ibang dahilan si Kuya Leo. I can feel it. Pero ano naman kaya 'yon? At ano bang klaseng eskwelahan ang papasukan ko?
Sa sobrang excited ko pumasok ay hindi man lang ako nakapag-research about sa school na 'yon.
----
"Xeine, Iha."
Naalimpungatan ako dahil sa boses na 'yon. Agad kong nakita si Kuya Leo na nakangiti pero makikita mo ang pagaalala sa mga mata niya.
Why?
Isang tanong ngayon sa isip ko. Inayos ko ang buhok ko at umupo ng maayos.
"Andito na po ba tayo?" Tumingin ako sa paligid.
Napahinto ako sa pagtingin sa paligid. Napako ang tingin ko ng makita ko ang pangalan ng Eskwelahan. "FITGOFI School?"
Weird.
"Sige na iha. Pumasok kana. Late kana din. Magiingat ka."
Inayos ko ang bag ko at kinuha ang schedule paper ko at ang map ng buong school.
"Text ko nalang po kayo mamaya, Kuya Leo. Ingat po. Babye." Lumabas ako at sinara ang pinto ng sasakyan.
Huminga ako ng malalim atsaka muling tumingin sa pangalan ng school.