I. Dear Diary

16 0 0
                                    

Dear Diary,

Di ko alam kung saan sisimulan. Di ako marunong mag-joke, laging waley. Di rin naman ako marunong gumawa ng kung anu-anong bagay na interesado yung iba, yung tipong di nakikiuso.

Hi Diary, bagong pahina na naman ang isusulat ko. Diary, kanina yung start na ng preparation namin para sa foundation day ng pinakamamahal naming High School. Panahon na naman ng puyatan. Diary, naguguluhan na ako. Mamaya ko na ikukwento Diary kung bakit ako naguguluhan aayusin ko muna yung bag kong naalikabukan. Naiinis pa rin kasi ako kanina kay Vincent, yung kaklase kong mayabang, siga, bida-bida at higit sa lahat arogante. Diary, nilagyan niya ng mga ginupit na papel yung bag ko. Nakakainis diba? Tinali nya pa sa upuan ko. Di ko ba alam kung bakit ba siya ganun at hinding-hindi na nagbago. Simula first year ganun na e.

Anyways, Diary ko pala to hindi nya. Nakakapagod yung araw ngayon Diary. Ang daming nangyaring kahit parepareho lang kada taon 'yon nakakapagod pa rin. Lumevel up na ako Diary diba? President na ako ng buong 4th year level sa school. Ngayon lang ako nagyabang at syempre diary ko to e. Tinulungan naman po ako kanina nila Ace at Diana sa pag-aayos para sa foundation day.

Waaaaah ! Diary hanggang ngayon naguguluhan ako. May nangyari kasi kanina nung uwian. Diary, may nag-confess sa akin. Oo Diary, di ako panget ! Pero ewan ko ba bakit ganun, nakakagulat pero mukhang na pressure ako kanina. Si Jenevive ng 3-2, Diary. Yung isa sa Maganda, Matalino at Mabait na babae, siya rin yung President ng buong 3rd year level sa school. Diary, tama naman na humindi ako sa kanya kasi wala naman akong gusto sa kanya. Pero naguguluhan pa rin talaga ako Diary!

Um-OO ako...

kay Vincent ! Hindi, mali ka ng iniisip ! Hindi ko siya gusto! Pinagtripan nya na naman ako. Um-oo ako kasi ayokong magsabi ng hindi kay Jenivive. Ayokong masaktan siya, pero mukhang ganun pa rin talaga. Pero naiinis ako sa pinaggagagawa sa akin ni Vincent. After nun' umiyak si Jeninive, ganun ba talaga yun? Crush nya lang naman ako? Nakakainis kasi pag-alis ni Jenevive, tawa lang ng tawa 'tong mokong na to. Sino bang nakasakit kay Jenevive Diary? Di ba siya? O ako? Ako ba?

Diary, Di ko na alam yung gagawin ko. Di ko na alam kung ano ng nangyayari! Haaaay! Matutulog na lang nga ako!

- James :)

Graduation status: 42 days to go

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 06, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Diary Ng ConfusedWhere stories live. Discover now