Chapter 1: first day of this school

5 2 0
                                    

*school*

Ngayong araw na'to mag isa lang akong maglakad papunta sa room, nalilito ako kung saang way ako pupunta madami pa kasing pasikot sikot na daan. Si kuya kasi hindi ako dinaanan sa hotel ko, yan tuloy mag-isa lang akong nag lalakad. Sila jane at sab naman nakalimutan kong itext kagabi na daanan ako sa hotel pagpapasok na sila pero nakalimutan ko na pala sa sobrang antok. Bakit kasi naisipan kong umuwi na lang sa hotel ko eh.

"Wendy!" Teka meron palang nakakakilala sakin dito?

Sabay tiningnan ko kung saang direkyon nagmula yung boses na yun.

"BESTIES!!"Ay sorry napalakas pala nung pagsigaw ko.

Nilapitan nila ako at kinurot ni jane yung pwet ko. Loko talaga tong babae na to.

"Uy bes, bakit hindi mo ko tinext na nasa hotel ka pala hindi sana nagparty tayong tatlo dun?!"
"Oo nga bakit hindi mo kami sinabihan wend? Wah! Siguro may kalaplapan ka kagabi noh?!"

"O.a amp! Mga abnormal na'to! Wala akong kahalikan kagabi! Atska nakalimutan ko lang kayo i-text kasi antok na antok na talaga ako."

"Sige wendy alam ko naman na hindi kami importante sa buhay mo kahit na kami lang yung bff mo na nag titiis sa mga kalokohang ginagawa mo! Sige lang sanay na kami!" Loko talaga to si sab ang drama niya talaga sa buhay!

"HAHAHA..... Alam niyo mga bes kayo lang yung abnormal na laging nandyan para damayan ako. Kasi isa kayo sa mga nagpapasaya ng araw ko. Kaya importante na kayo sa buhay ko simula dati.5years na nga tayo mag kakaibigan hindi niyo parin talaga ako kilala. Kaya walang iwanan ah? Kahit na mag kaboyfriend ang isa sa atin supportahan na lang natin. Mahal na mahal ko kayo." Nahawa na ata ako sa kadramahan ni sab. Hehe..

"Ang sweet naman ng baklang to, charot. I love you ganda, eww!" Maka eww piling maganda....hahaha. Charot maganda naman talaga siya jane. Pati ako!

"Alam mo wendy at jane, simula nung nakilala ko kayo alam ko na hindi ako mabibigo kasi sa inyo ko nakita ang tunay na kaibigan na kailangan ko. Kaya ilabyu more." Sweet naman ni sab. Omoh! Naiiyak na ata ako? Hehe

"Hahaha... Tara na nga punta na tayo sa mga klase naten. Baka mautot pa ko sa mga sinasabi niyo,joke lang. Hehehe..." Oo nga, mauutot na ko. Hehe

"Lul! Biro ba yan wend? Hahaha!" Wag kang nag bibiro jane. Uy.

"Lah. Bakit?"

"Wala, wala lang!" Ahh sge nice nice. Hehe

Habang nag lalakad kami tuloy parin kami sa pag kukwento. Ganyan talaga kapag baliw ang mga kausap mo!

"Girls!" Gulat na gulat na sinabi ni jane.

"O baket jane?" Hanggang si jane naka seryoso na ang mukha kami naman ni sab hindi pa naka move on sa kakatawa.

"Omygush! Bes! Sino yung mag kambal nung hindi naka glasses?!" Nag ba-blush si gaga. Hahaha...

"Ahh...si clinton yan. Baket? You mean na may gusto ka kay clinton?!" Hahaha sira talaga tong si sab, inuunahan si jane mag salita.

"Ahh...omoh! Ang gwapo niya bess." Shocks! Hahaha.... Inlove na bestfriend ko!

Pero teka gwapo nga siya noh? Ito talagang si sab kilala lahat ng mga nag aaral dito, kasi nga dito siya nag 2nd year of high. Kaya impossible na kilala niya nga.

Hollistic HighWhere stories live. Discover now