Chapter 21

2.2K 169 78
                                    

Maganda ang huni ng araw para sa isang Teamo Abillienarez. Hindi napigilan ng init ng panahon ang galawang natatanging kanya lamang. "Markadong Teamo" ika nga nila.

Bakit nga ba hindi? Ikaw ba naman ang maka-bangga-an ang isang sikat na sexy model ng isang kilalang clothing brand, 'di ba?

Habang mahimlay na nakahilata sa harap ng TV, "tamang landi" din ang galawan ni Teamo sa kausap sa handphone.

"If having dinner is like having sex, could I have dinner with you? How does tonight sound?" Maekspertong imbitasyong pakawala ni Teamo sa babaeng kausap sa telepono.

Hindi alam ni Teamo kung bakit, alam niyang may bahid ng ka-walang-hiya-an pero laging kinakagat ng mga kababaihan. Was it because he's that charming or good-looking? Whichever the case, he just doesn't give a dam---

Hindi naituloy ni Teamo ang magandang daloy ng isip nang makuha ng flash report ang kanyang atensyon. Naumid ang kanyang dila at 'di malaman ang mga nais.

"Hey! Babe! Just need to do something. Call you later, Sweetheart." Sabay pindot ng end call.

Nilakasan ni Teamo ang volume ng TV at umalinga-ngaw ang boses ng magandang Newscaster.

"Ayon sa mga nasa karatig na lugar ay bigla na lamang silang nabulahaw ng sunod-sunod na putok ng baril at matining na sigawan ng mga tao sa loob ng Alavander's..."

"Alavander's...", pilit na hinahanap ni Tea kung bakit bigla na lamang ang kabang naramdaman.

Wala pang isang segundo ay mabilis niyang kinuha ang susi ng sasakyan nang maalala na roon magkikita ang kanyang "bobong" kapatid at pamangkin kasama si Xy.

Nagmadali siya upang mapuntahan ang lugar. Sinubukan niyang tawagan ang kapatid ngunit hindi nito nasagot ang tawag.

-----------------------

"Sa ngayon ay hindi pa rin malaman kung ano ang lagay ng mga tao sa loob. Kung hostage ba ito o ambush ay wala pang makapagsabi", tuloy-tuloy na pahayag ng babaeng newscaster matapos ay ipinakita ang kaganapan sa labas ng Alavander's.

Naakit na ang interest ni August ng balita ngunit mas naakit pa siya ng mapagsino ang isang lalake na nahagip ng camera.

"Hang-on, Boo." Masuyong paalam niya sa katipang si September bago binulyawan ang kapatid sa kusina.

"BRO! YOU GOTTA SEE THIS. RUN!"

Lumapit naman si David gaya ng utos ng kapatid.

"That's..." hindi naituloy ni David ang sasabihin dahil sumingit ang malanding kapatid na nakalingkis kay September.

"Lionel. Exactly 30 minutes after trial."

"Look, he is talking to someone over the phone." Pagbibigay-alam ni S sa napansin.

Sumunod ng tingin ang magkapatid. Matapos may kausapin sa cellphone ay tahimik na umalis si Lionel.

May sasabihin pa sana si David ngunit ipinagpaliban niya ito ng makitang pinasok na ng SWAT team ang area.

Makapigil hininga ang eksena. Inaasahan nila ang putukan ngunit walang ganoon na nangyari. Sa halip, sunod-sunod ang labasan ng mga taong nai-kulong sa loob ng kainan.

Sumunod ang mabilisang responde ng paramedics.

Mahaba pa rin ang daloy ng taong nagsisipag-unahang makalabas nang mapatayo si August. Gulat ang dalawang magkapatid nang makita Si Xy at Quei na may buhat na bata mula sa loob ng kainan. Nagmamadali ang mga ito na humihingi ng saklolo para sa batang tangan.

Hindi nag-aksaya ng panahon si David. Humangos siya upang kunin ang cellphone at tinawag si T.

Si August ay nagpaalam kay S tsaka humalik sa noo nito bago sinundan si David.

"Any luck?", untag ni August

Umiling si David. Muli itong duwayal.

Matapos ang ilang beses na pagsubok...

"Judge!" Halos mapasigaw si David nang biglang sumagot ng tawag si Xy.

Nag-usap ang dalawa. Matapos ang ilang palitan ng salita ay nagmamadaling umalis si David at August kasama si S.

-----------------

"Come on, Quei. Answer the damn ph--"
Hindi nautuloy ni Teamo ang nagbabadyang pagsabi ng 'di magandang salita dahil biglang may nag-receive ng call sa recipient line.

"Quei! Where are you?! How are you? Si Xy?"

"We're okay. Talisq, however, is not. Kanina pa siya nanginginig lang. We're on our way to the hospital. " sagot ni Quei.

"Which?"

Sinabi ni Quei ang lugar kung saan dadalhin si Talisq at pinaharurot naman ni Tea ang sasakyang minamaneho.

Ilang minuto ang lumipas at nakarating si Tea sa hospital. Agad siyang dumiretso sa ER ng nasabing ospital. Hinahanap niya sila Quei ngunit ibang pamilyar na mukha ang nasalubong.

Hindi niya alam bakit biglang nanlamig ang pakiramdam niya nang makita ang babaeng minsang nakatipanan.

Halata rin naman ang gulat sa mukha ng nakasalubong niya dahil nanlaki ang mata nito at tila ba nanigas sa kinatatayuan.

Dahan-dahan siyang lumapit sa babae bago nakahanap ng salitang pambungad.

Saglit na nakalimutan ni Tea ang pakay at di napigilang kumustahin ito.

"Kumusta ka na... Say?" Halos pabulong at medyo paputol putol na pangungumusta niya.

-----------------------------

Author's pa-kyeme: Aha! After 10 years may update ako.

Pasensya na maikli muna. Unti-untiin po natin ang pagbabalik.

Bago ang lahat, may nag-aabang pa ba sa amin? O gaya niya hindi niyo na rin kami nahintay? Charot!

Amissssyowwwol!

Kumusta ang napaka- ikling chapter na, to? Insights naman, mga laloves.

Lovelove :)

A DIFFERENT CUP OF 'T'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon