Love Will Conquer All

12 1 1
                                    

Title: Love Will Conquer All

May isang magandang babae na nangangalang Rosselle.

Nakabanggaan niya ang gwapong lalaki sa simbahan, at saktong pinsan ng kaibigan niya.

Ang pangalan na iyon ay si Laurence. Naging magkaibigan sila.

Pagtuntong ng second year high school nila ay nagkaaminan sila. Sabi ni Laurence na: "Selle, pwede ba kitang ligawan?"

Sabi naman ni Rosselle: "hindi pa ako handa, Rence. Kung mahal mo talaga ako ay kailangan mo akong hintayin."
Pumayag si Laurence.

Ginawa ni Laurence ang lahat upang maipasaya si Rosselle. Mas naging sweet sila sa isa't isa.

Pagtuntong nila ng gr. 12 ay nagkita sila ni Laurence sa lake.

Nasurpresa si Rosselle sa mga ginawa ni Laurence sakaniya.

May isang styro heart shape and mga petals ng mga rosas na naka kalat.
May mga lobo na hugis puso at naka sulat na "Will You Be My Girl?"

Dahil sa sobrang saya at puno ng pagmamahal niya kay Laurence ay sinagot niya. Ang saya nila.
Pagka-graduate nila ay lagi silang nagdedate. Magbobonding.

Pero nagkahiwalay sila ng landas.
Si Rosselle ay naga-aral sa Baguio habang si Laurence ay sa Manila.
Malimit narin ang pag-uusap nila.

Si Rosselle ay busy sa pag-aaral niya at laging inaalala si Laurence kung naka kain na siya, kamusta na siya, nakakatulog na ba siya...

Sapagkat si Laurence ay busy rin sa pag aaral ngunit may kaclose siyang babae, kaibigan ni Rosselle.

Walang special feelings ang dalawa dahil andun ang kaibigan niya upang bantayan si Laurence.

Dalawang taong nakalipas.... ganun parin. Mas malimit na silang nag uusap. Nagpapadala nalang sila ng sulat sa isa't isa.

Pagdating ng Biyernes ng Marso ay may party. Umatend si Laurence dahil kailangan rin siya duon.

Naging masaya naman ang lahat ngunit may hindi inaasahang hindi imbitadong bisita. 

Ang ex ni Laurence.

Nagusap sila. Sabi nung babae, mahal pa daw niya si Laurence ngunit si Laurence ay mahal niya talaga si Rosselle ni hindi niya maimagine ang buhay niya ng wala siya.

Sinabi ni Laurence sakaniya kung gaano siya kasaya sa girlfriend niya ngayon, ngunit hinalikan siya nung ex. Tinulak niya yung ex niya kaya napahiwalay sila.

Ngunit pumunta yung kaibigan ni Rosselle sa party ng nakita niyang may kahalikan si Laurence. Kaya nagalit siya.

Habang si Rosselle ay pabiyahe na sa Manila. Susorpresahin niya sana si Laurence at ang kaibigan niya.

Pagdating niya duon ay pumunta siya sa condo ng kaibigan niya. Nasurpresa naman ang kaibigan niya at niyakap siya.
Kinwento ni Rosselle ang lahat ng nangyare sa kaniya sa Baguio.

Nagkwento rin yung kaibigan niya. Nakwento rin niya yung may nahalikan si Laurence. Umiyak ng umiyak si Rosselle.

Sapagkat si Laurence ay pumunta sa condo ng kaibigan ni Rosselle para i explain ang lahat. Ngunit kakatok sana siya ng may narinig siyang umiiyak at kaboses ni Rosselle.

Sabi ni Rosselle: "nagkahiwalay lang kami ng landas ay agad siyang nanglandi? Bakit? Hindi paba ako sapat?"
At humagulgol ulit.

Binuksan ni Laurence ang pinto at bumungad sakaniya si Rosselle na umiiyak.

Rosselle: " ano ginagawa mo dito?"
Laurence: "pakinggan mo ako.. nagmamakaawa ako!"
Rosselle: "wala kana dapat i explain. Ayaw ko ng makinig sa nga kasinungalingan mo! Umalis kana!"
Laurence: "Mahal kita! Please Selle wag mong gawin to!"
Rosselle: "hindi ko na alam Rence. Umalis kana!"

Pero bago iyon ay tinanggal niya ang singsing na simbolo ng pag mamahalan nila at tinapon sakaniya.

Rosselle: "umalis kana dahil hindi na kita kailangan pa!"

Umalis na si Laurence at sinugod ang ex niya. Gusto niyang patayin ang ex niya dahil sa nangyare.

Ex: "naparito ka?"
Laurence: "diba sabi mo mahal mo ako?"
Ex: "oh? Wag mong sabihing babalikan mo ako?"
Laurence: "wag kang assumera! Kung mahal mo ako ay pakawalan mo na ako at magmakaawa ka kay Rosselle na balikan ako!"
Ex: "sorry sa ginawa ko... gagawin ko ang lahat para sainyo."

Umalis na si Laurence sa apartment ng ex niya.

Isang araw ng nakalipas ay pumunta yung ex ni Laurence sa hotel kung saan si Rosselle.

Rosselle: "ano ginagawa mo dito?" Matigas at malamig na sabi niya.
Ex: "andito ako para i explain ang lahat."

Kinwento niya ang lahat at napaiyak nanaman si Rosselle...

Sabi nung ex ni Laurence ay balikan na niya siya. Ngunit hindi alam ni Rosselle dahil sa Wednesday ang flight niya papuntang US.

Umalis na yung ex ni Laurence at dumeretso sa condo ni Laurence.

Akala ni Laurence ay sasabihin ng ex niya na napatawad na siya ni Rosselle ngunit hindi pala.

Nalaman niyang papuntang US si Rosselle kaya nagpatulong siya sa mga kaibigan niya at sa kaibigan ni Rosselle.

Pagdating ng Wednesday ay naka ready na si Rosselle at handa ng umalis ngunit pinigilan siya ng kaibigan niya.

Sabi niya ay nasa hospital si Laurence kaya napa sama siya sakaniya.

Andun na sila sa ospital ngunit nilampasan lang yun ng kaibigan niya. Tinanong niya kung bakit sila lumampas ng may nagtakip ng mata niya.

Pagkababa nila ng sasakyan ay naglakad sila ng tumigil rin. Di niya rin maramdaman ang kamay na nakahawak sakaniya. Kaya tinanggal na niya ang blindfold.

At nagulat siya sa nakita niya... malaking puso at maraming stufftoys na naka kalat. May mga rose petals na naka kalat rin at mga fireflies na umiilaw at mga floating lights... at nakita niya rin ang mga pictures nalang dalawa. Yung mga stolen o hindi..

Laurence: "sorry sa lahat ng ginawa kong kagaguhan. Sana mapatawad mo ako. Tinatanong ulit kita, at huli na ito... can you be my girl, for the rest of my life?"

Hindi naka sagot si Rosselle dahil sa gulat at kilig na nararamdaman niya. Napaiyak rin siya..

Lumuhod si Laurence sa tapat niya at binuksan ang kaheta ng singsing. Lumantad sakaniya ang gusto niyang singsing kaso mahal.

Isa siyang gold na singsing at ruby ang pendat na hugis puso. Maliit lang siya ngunit agaw pansin..

Rosselle: "hindi mo kailangan sabihin yan ulit, dahil sayo talaga ako at ikaw ay akin... YES!"

Tumayo si Laurence at niyakap si Rosselle at isiniil ng halik.
******************************
Sabi nga nila, kung mahal mo talaga ang isang tao gagawin at gagawin mo ang lahat basta maging masaya lang siya.

Katulad ni Rosselle at Laurence, naghiwalay nga sila. Nalayo ng landas ngunit hindi nawala ang pagmamahalan nila.

Sana may tao pang ganiyan sa mundo.

Love Will Conquer All (One Shot)Where stories live. Discover now