A\N
Tatlong Sarey dahil sa matagal na update...Pero ito na...ito na...ito na haaaaaaaa.... Dubido bido, bido bido.
Sa mga magaganda diyan. Stay beautiful... Gorgeous... And HUMBLE.-----------------------------
"Plan.? Yah, let's think a better plan."
Aniya Sabay hawak sa bibig na parang nag iisip."Ok Ganito. I need to know your background or everything about you. And vice versa you need to know mine too."
"Ahh ganun... O Tapos?" Sabay bagsak ko ng balikat at tinitigan siya na Parang inaantuk. Nakakatamad naman to.
"Don't do that, hindi ko ginagawa ang ganyang reaksyon." Syempre Seryosong sabi nito. Kaloka. e ako nga lagi Kong ginagawa to.
"Oo na, Seryoso nito. O tapos."
"I said don't do that. Umayos ka."
"Hay naku pikon mo. O tapos." Inulit ko na naman ulit. Sarap pikonin nito.
"Urrghhh stop it. You look like a zombie." Napa ayos ako bigla.
"Maka zombie ka ha. Hoy, mukha mo to."
"Whatever, just don't do it again."
"Oo na, So ano na nga ang planong sinasabi mo."
"Give me an information about your self." Ahhh tungkol sakin, o sige.
"Mahilig ako sa pagkain, mahilig akong kumain, hindi ako nagsasawang kumain, hindi ako mabubuhay ng isang araw na walang pagkain, mawala na ang lahat hindi lang pagkain. Ano pa ba? Basta may connection sa pagkain okey nayun." Napa face palm ito bigla. Problema nito. Tatanong tanong tapos kapag sinagot, gaganyan ganyan siya.
"Information about your self. Your name, age, your friends, your family, your place, kung saan ka nag aaral, o nag pa part time o ano man ang ginagawa mo sa buhay mo ngayun."
Ahhh yun pala.... O sige sige, take two, action."Ako Si Ramuna Gagambala, 17 yrs. Old, nakatira sa di kalayuang apartment rito. Ako nalang na mumuhay mag isa, wala na kasi yung mga magulang ko. Nag tatrabaho ako Pag gabe sa seven eleven. Mula 7 pm hanggang 4 am. MWF lang yung schedule ko diyan. Tapos scholar ako sa Red hood University. may mga kaibigan ako na sina, Danny, keah, sheen, Claire. Mga loka loka ang mga yun kaya, wag kanang mahiya kapag kasama mo sila. Uhmmm...Ano pa ba? Wala na siguro."
"So malapit lang pala ang tirahan mo rito. Kailangan nating puntahan yun at don ko nalang sasabihin ang tungkol sakin."
"Okeyyyyyy...." Sagot ko at umalis na kami. Salamat naman at makakakain nako.
[ RAMUNA'S APARTMENT ]
"Whaaa na miss ko toh." Sabay bagsak ko sa kama. Naku, Naku nakakamiss ang Amoy ng bahay ko.
"Wait. Is this your house? Parang bahay naman to ng isang hayop."
Sabay maarti nitong kinuha ang bra na nakakalat sa sahig. Halata sa mukha na nandidiri ito. Tsk. Ang Arte Parang hindi lalaki."Maka hayop ka naman, paki alam mo ba, e sa tinatamad akong maglinis." Sigaw ko rito at bumangon, dumeritso ako sa kusina at binuksan ang ref. Salamat naman at buhay pa ang ice cream ko rito. Kumuha ako ng kutsara at isusubo na sana ng pigilan nito ang kamay ko.
"Inalagaan ko ang katawan ko ng maraming taon kaya hindi ko hahayaan na isang katulad mo lang ang sissira nito." Matigas na sabi nito.
"Oo na, ngayun lang pwede, gutom na gutom na ko oh, hindi kaba na aawa, Please....."
"Hindi." At kinuha sakin ang ice cream at walang pag dadalawang isip na tinapon ito sa basurahan.
"No. No...No.... My baby.... Whaaaa!! My ice cream. IKAW! LETCHE KANG TUKO KA, BAKIT MO TINAPON!"
"Wag kang Oa, ice cream lang yun. Kung gusto mong kumain, mag hintay ka." Sabay bukas nito ng ref. Ang arte... Tinakpan pa talaga ang ilong.
"Pwe. ang baho ng ref mo, at tsaka wala ka bang mga gulay at prutas man lang diyan."
"Bakit ba. Eh hindi nga ko kumakain ng mga yun."
"Pwes, sanayin mo na sarili mo dahil Simula sa araw na toh, GULAY AT PRUTAS nalang ang ka kainin mo. Bawal na ang iba."
"Ano?! Ayoko ko nga."
"Bawal kang mag reklamo dahil katawan ko yan, so please wag mong abusuhin. Btw kailangan nating pumunta sa bahay ko ngayun na. Nandon lahat ng kailangan ko. At tsaka kailangan Kong ituro sayo lahat ng rules sa loob ng kwarto ko at sa buong bahay. Hindi dapat malaman ni dad at ng mga kapatid ko ang tungkul sa pangyayaring to. bukas umabsent ka, dahil tutulungan mo Kong maglinis at mag ayos sa basurahang bahay nato. And one more thing, don't you dare na ipagsabi ito sa pamilya o sa mga kaibigan ko. We have the same school kaya Patay ka sakin kapag may kumalat na tsismis tungkol rito."
Tsk. Ang haba naman ng habilin nito, akala mo naman mamamatay na. Che palibhasa, magdudusa ako ngayun dahil sa gulay at prutas nayun.