"Manong dito nalang po."
Sambit ko at bumaba na sa motor, nagbayad Muna ito at tuluyan na ngang kaming naglakad papalapit sa malaking gate."Uy kaw ha, Rechhhhh kidddddddd ka pala ha." Sabay kurot ko sa kanya sa tagiliran. Pambihira wala manlang kiliti.
"Tsk. Umayos ka nga, kanina kapa. sabihin mo na nga lang sa guard na kaibigan mo ko para naman makapasok na tayo."
"Demanding ang peg, oo na palibhasa bahay mo to."
"Good Afternoon sir, sino po yang kasama mo?" Harang samin ng guard.
"Kaibigan ko daw siya."
"Sigurado po kayo?" Abat nagduda pa. Tadyakan kita gusto mo.
"Oo nga."
"Sige po sir pasok na po kayo."
Syempre pumasok na kami, laki talaga ng bahay nito, sarap nakawan."Hey stupid. Where do you think your going. This way is my room. " Sabay hila nito sakin sa kaliwa,
"Bitawan mo na nga ko. Makahila, ano ako aso!." Sigaw ko, hilahin ka ba naman kasi sa kwelyo ng nakatalikod.
"Tsk." Sabi na lang nito bago kami pumasok sa kwarto niya.
"Umupo ka lang don at wag gagalaw ng kahit ano." Abat naman, kanina kapa ah, Boss ka? Boss ka?
"Go." Tsk. Lintik talaga ang tuko nato.
"Oo na serrrrrrr, uopo na."
Hindi na ito sumagot pa at dali dali pumunta sa dressing room.
Ano kaya gagawin Niya don? Masundan nga.... Silip..... Silip....."Hey come here."
Ay letcheng tipaklong!! Lintik kala ko nahuli na."Urghm, Ako?" Sabay turo ko sa sarili.
"Malamang, may ibang tao paba rito."
"Tsk. Bakit ?!"
"Here."
Sabay bigay nito sakin ng envelope."Ano to.?"
"Birth certificate ko yan, basahin mo mamaya para naman may alam Karin tungkol sakin. And please lahat ng gamit dito ingatan mo and this, My phone. Inilagay ko na diyan yung number ko, tawagan mo ko in case of emergency. O may gusto kang itanong, and this." Kumonot ang noo ko ng inilabas nito ang isang photo album. At inilabas ang ibang litrato.
"Teka, si danger to diba, itong isang pogi kapatid mo rin bato?"
"Yes , they are both my siblings, this is Danger Fross Henderson, ang pinakamatanda saming tatlo, next one is Drevin kyle Henderson, pero nasa England siya ngayun dahil sa negosyo, and this, is my dad, kapag may itinanong siya sayo, wag mo lang siyang pansinin, ganun din kapag may itanong ang danger nayan. Basta deadmahin mo lang sila, and about the arrange marriage, kahit anong mangyari, wag na wag kang pumayag na mag pakasal, suwayin mo lang sila hanggat kaya mo. And last, I'm begging, please take care of my body."
"Syempre!! Hinding hindi ako papayag no. Plastic ang kate nayun. Kaya hinding hindi talaga ako papayag. At tsaka wag kang mag alala. Aalagaan ko to Ok. pero tanong lang, eh yung mama mo?"
"She's dead, so please don't mention her again. Btw tomorrow morning, Hihintayin kita sa park, kailangan mag jogging ng katawan ko. Exactly 4:00 AM, humanda ka kapag na late ka." Makapagbanta ha, as if naman isa salvage mo ko.
"Oo na palibhasa katawan mo to."
"Ok, I think I'm done, Let's go."
"Saan ? Gabing gabi na ha."
"Syempre ihahatid mo ko, may makakita pa sakin diyan at mapag kamalang pa kong magnanakaw."
"Ganun, Bilisan mo na nga lang, gusto ko nang matulog."
"Wait, ito pala. Badgetan mo yan ng isang linggo."
"Teka, bakit mo ko binigyan ng pera?" Nagtatakang tanong ko.
"Use your mind, syempre pang gastos mo sa school."
"Ah oo nga, thank you ha. Pero kapag naubos ba to agad bibigyan mo ko ulit."
"Hindi. Kaya magtiis ka kapag naubos yan ng hindi pa natatapos ang lingong ito."
"Tsk. Kuripot."
"May sinasabi ka."
"Ha, wala...wala. Tara na nga hatid na kita."
[Next day]
Ano ba to, tagal nanam ng mokong nayun, kala ko ba 4 am, kainis nag effort pa Kong gumising ng umaga. tapos, ganito lang! Pambihira! siya naman pala ang huli.
4:25.....
4:37......
4:46......
4:59......
LINTIK NA! UUWI NAKO!
"Patay sakin ang unggoy nayun!, isang oras?! Sana itinulog ko nalang isang oras nayun kesa naman naghintay ako sa wala!."
Kainis!! Kainis!! Kaini-
Teka? Si Claire yun ah, bat kausap nito ang boyfriend ni keah?Mas lalo pa Kong lumapit at pilit na itinago ang sarili sa isang puno.
Oo na tsismosa na kung tsismosa. Iba ang kutob ko rito eh."Babe namiss kita." Aniya ng lalaki sabay hawak nito sa beywang ni Claire.
OH MY!! Wag nilang sabihing......
"Teka nga, wag dito, baka may maka kita satin." Aniya ni Claire sabay hampas nito sa dibdib ng lalaki.
"Wait, how about your friend? should I break to her now?."
"Uhmmm I don't think so, Not now, I want keah to be deeply inlove with you."
Bakit? Bakit ang kaibigan ko pa.?
Anong Ibig sabihin nito?"Hindi pa ba? come on babe, so that we can freely enjoy with each other."
Aniya ng lalaki, Sabay halik nito Kay Claire sa labi."Hay, nandito ka lang pala, mabuti namang hindi mo naisipàng umuwi." Napalingon ako ng magsalita ang unggoy.
"What? Why your face like that? Are you upset just because I'm late. Come on I'm sorry."
Tsk. Sana nga yan nalang yung rason, Pero hindi eh, Mas malala pa don.
"Hindi. Tara Jogging na tayo." At nauna nakong umalis.