🌸CHAPTER 18🌸

664 22 0
                                    

Chapter 18

Nagising si Goddess nang maramdaman niyang may humahawak sa kaniyang pisngi. Napadilat siya at napangiti nang masilayan ang binatang si Evo pala ang kaniyang kaharap.

"Pinapanood mo ba akong matulog?" Nahihiya niyang tanong. Ngumiti lang ito sa kaniya. Tila nag-init naman ang kaniyang mukha.

Baka mamaya tumutulo pa ang laway ko. Hala! Nakakahiya.

Natataranta siyang napahawak sa mukha -partikular sa kaniya pisngi.

"Ang cute mo," wika ni Chef Evo sa kaniya. Tumayo ito saka binuksan ang bintana sa kwarto. May bahagyang sinag ng araw ang tumama sa kaniyang mukha kaya napapikit siya.

"A-ano nga palang ginagawa mo rito sa loob ng kwarto namin? Nasa'n sila Clover." Napaupo sa kama ang dalaga. Ilang sandali pa ay magkatabi na sila ni Evo.

"Nagsimba yata. Ano'ng plano mo ngayong araw?" tanong nito kay Goddess na inaayos ang gulo-gulong buhok.

"Huh? Plano?"

"Yes." Humiga ito sa higaan na kinagulat niya. Dali-daling tumayo ang dalaga. "O, bakit?"

"W-wala naman. Ahm.. ano bang plano?" Nag-iwas ng tingin si Goddess sa binata dahil naiilang siya sa mga titig nito.

"Hmm.. gusto sana kitang ayain mag-dinner mamaya," anito na malapad ang ngiti. "Pwede ba?" Muli itong naupo at nagpa-cute pa.

"P-pwede naman. Wala naman kasi akong lakad. Wala nga akong maalala, di ba?" biglang may kung anong kumurot sa kaniyang dibdib dahil sa kaniyang sinabi.

Tumayo si Evo saka marahan na hinila ang dalaga upang magkalapit silang dalawa. "Huwag mo muna isipin kung talaga wala. Baka sumakit lang ang ulo mo," mababakas sa mukha nito ang pag-aalala.

Hinawakan nito ang pisngi niya.

"Ano ba talaga ako? Sino ba talaga ako? Gusto ko malaman kung b-bakit ako pinatapon ng Ama ko r-rito." Namumuo na ang mga luha sa mga mata ni Goddess.

"Shh.. malalaman mo rin 'yan sa tamang panahon." Hinalikan nito ang noo ni Goddess. Kahit paano naman ay nakaramdam ng kapanatagan ng loob ang dalaga.

Basta nasa tabi kita, pakiramdam ko.. safe ako.

Napapikit na lang siya pagkaraan ng ilang minuto.

-*-*-

"Wow! Ang ganda naman dito, Chef!" Bulalas ni Goddess habang nakatanaw sa mga rides sa loob ng amusement park. Sa Star City kasi siya dinala ng binata.

"Ano gusto mo'ng sakyan?" tanong nito. Nakahawak ito sa kanang kamay ng dalaga habang sling bag naman nito sa kaliwa.

"Lahat! Pero ngayon, gusto kong subukan 'yung VIKING! Mukhang ang saya diyan!" Parang bata itong tumakbo habang hila-hila si Chef.

Nakipila ang dalawa at sumakay nga roon.

-*-*-

Halos bumaligtad ang sikmura ni Evo dahil sa sobrang hilo. Pakiramdam niya ay naiwan ang kaluluwa niya ro'n sa rides na hugis malaking bangka.

PUNISHMENT OF GODDESS (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon