🌸CHAPTER 4🌸

1K 26 3
                                    

Dedicated to @NyxsDream , @nightly001 and @Hopelessloner.

Enjoy reading guys.

*-*

Chapter 4

Mystica

"Miss Vee, kagabi pa po kayo hindi kumakain. Baka po magkasakit kayo." Narinig na turan ng tumatayong taga-pangalaga ni Vee sa kanya. Nilingon lamang ito ng dalaga at nanatiling nakahiga. "Wala po akong gana. Salamat na lang." Aniya. Ibinalik nya ang kanyang tingin sa kawalan. Paminsan-minsan din siyang napipikit.

Ilang araw na ang lumipas buhat nang ipatapon sa mundo ng mga normal si Goddess. Matalik silang magkaibigan mula noong mga bata pa lamang sila. Magkaibigan kasi ang mga ina nila at ganon din sila. Halos magkapatid na ang turingan nila mula noong mga bata pa lang sila. Na nagkatotoo nang pakasalan ng Hari ang mama Martha nya. Oo, step sister sila ni Goddess. Pero akala nya magiging maayos ang lahat. Pero nagkamali sya.

Nagbago kasi ang kaibigan nya mula nang mamatay ang ina nito at pakasalanan ng Papa nya ang kanyang ina. Naging rebelde ito sa hindi nila malamang dahilan.

"Magagalit po ang mama ninyo kung hindi po kayo kakain kahit na kaunti." Napapikit na lamang sya ng mariin at saka nagsalita. "Paki-iwan na lang po dyan." Nang maramdaman niya na sumunod ito sa ini-utos nya at narinig ang pagsara ng pintuan ay tumayo sya sa kanyang higaan. Lumapit sya sa kanyang malaking tokador at binuksan iyon. Sa may bandang ilalim ng damitan ay may isang kahon syang kinuha.

Kanya itong dinala sa kama. Binuksan nya ito at mga larawan pala ang laman noon. Muli sya nakaramdam ng lungkot ng makita ang mukha ng kaibigan. "Dess.. I miss you.. Magawa muna sana ang misyon mo para makabalik ka na rito. At sana pagbalik mo, maayos ka na. Maayos na tayo." Kasabay noon ang paglandas ng kanyang mga luha sa pisngi.

*-*

Prime Restaurant

"Chef Evo, bakit nakasuot ng apron yang si Goddess?" Tanong ni Aston. Tinapunan naman sya ng tingin ng kanyang boss at pinagpatuloy ay paghihiwa.

"Hoy Goddess! Marunong ka ba magluto? O maghiwa? Baka pagbabalat na lang ba naman di mo pa kaya huh?" Animo boss na kumikilatis sa kanyang empleyado. Si Goddess naman ay tahimik lang na nakayuko. "Aston lubayan mo. Ang aga-aga pa si Goddess ang trip mo!" Bulyaw ni Liam sa kanya.

"Aba't! Sinisigawan mo ba ako huh?"

"Toto--"

"Manahimik na kayo. Goddess pakihugasan na lang muna itong mga gulay." Utos ni Chef Evo sa dalaga na kaagad namang sumunod.

Samantala habang abala sila sa kusina, ang magkaibigan na Clover at Cassia naman ay nasa labas kung saan nag-aasikaso ng mga guests. Nang mailapag na nila ang mga orders ay pasimpleng nagsenyasan ang mga ito at mabilis na nagpunta sa isang parte ng restaurant at nag-usap.

"Buti pumayag si Chef na sa atin na lang muna mag-stay si Goddess. Mas panatag ako pagkasama natin sya." Si Clover habang hawak ang tray. Tumango naman si Cassia. "Tama ka. Kahit ako nag-aalala."

Magsasalita pa sana sila ngunit bigla silang tinawag ni Kurt. Napalingon naman ang dalawang dalaga at lumapit sa lalaki. Ini-abot nito ang order at kanila namang dinala sa costumers.

*-*

Kinagabihan, naisipang umakyat ni Goddess sa may rooftop ng restaurant para magpahangin. Naka-apron pa rin sya dahil hindi pa naman tapos ang trabaho sa baba. May kakaiba kasi syang nararamdaman. May kung anong masakit sa bandang likuran nya.

"Goddess anong ginagawa mo rito?" Halos mapatalon pa sya nang marinig ang boses ni Evo. Nilingon nya ito napayuko na lang sya. "Pasensya na C-chef. N-nagpahangin lang ako sandali. Bababa na ako." Naglakad na sya papalapit sa pintuan patunga sa ibaba pero nagsalita ang binata.

PUNISHMENT OF GODDESS (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon