Relationship Advice ni Menard

38 2 0
                                    

Si Menard ay isa sa mga magigiting at tunay kong kaibigan sa KOA. Halos apat na taon na rin kaming magkaibigan ni Menard at alam na alam ko na ang paguugali niya. Ang Bawat kilos at pagimik niya ay halos madali kong maintinidhan. Maayos rin ang takbo ng kanilang relasyon ni Lyxel. Madalas kasi naming makita palagi ang dalawa na puro "Away bati" ang ginagawa pero gayun pa man ay may halong pagmamahal ang itinatamo ng dalawa. Napapaisip rin ako sa relasyon namin ni Anna dahil si Anna ay kahit marami siyang kaalaman sa pagalaga ng relasyon, may pagkaisip bata at hindi pa ganun ka matured. Isang taon lamang ang tanda ko kay Anna. Palagi ko lamang iniintindi siya sapagkat may mga pagkakataon rin sa amin na hindi kami nagkikita dahilan sa pagaaral, pamilya at sa iba pang kaabalahan sa buhay.
Malaki ang pagkakaiba ng relasyon namin ni Anna sa relasyon nina Menard. Nasa higher level na kasi ang relasyon ng dalawa ni Lxyel.
Naisipan kong magtanong kay Menard about sa paghandle ng relasyon dahil alam ko siya lang ang expert pag dating sa mga relationship status.

Sa totoo lang ay kahit marami akong nalalaman about sa mga status ng iba't ibang relasyon, iba parin yung kung paano ka maghandle nito.
Sa palagay ko ang relationship status namin ni Anna ay paumpisa pa lamang or naguumpisa pa ang spark ng relasyon namin.

Advice ni Menard:

Alex, Ito tatandaan mo. Oo alam namin na mahal niyo ang isa't isa at palagi nandyan kayo para sa isa't isa pero ito tatandaan mo hindi sa lahat ng oras magiging masaya kayo. Hindi sa lahat ng oras nandyan siya para sa'yo at hindi sa lahat ng oras ay palagi mo syang kausap. Hindi lang sa'yo umiikot ang mundo niya kundi sa ibang tao na nakakasama niya. May mga pagkakataon na magkakaroon kayo ng pagsubok na tanging kayo lang makakagawa ng paraan para lampasan ang problema na iyon.
Pero huwag ka agad magisip negative. Tandaan mo. Hangga't may tiwala kayo sa isa't isa, hangga't mahap nyo ang isa't isa. Siguradong hindi mababago ang inyong pagmamahalan dahil alam ko naman na si Anna at ikaw alex ay may pagpapahalaga sa isa't isa. At syempre kahit sa sobrang busy nyo na isa't isa kahit ilang minuto o segundo basta makausap mo lang siya ay malaking bagay na para sa inyo. Kasi ang mahalaga naman dito ay yung oras nyong dalawa para sa isa't isa.

Nakakahanga talaga si Menard sa kanya sa advice bagama't paulit ulit akong humihingi ng advice sa kanya ay patuloy parin siyang sumusuporta sa amin ni Anna.
Napagisip isip ko rin ang mga bagay na maaring mangyari sa amin kapag wala akong alam sa mga katulad ni Menard.

"Menard Ikaw na! Idol na talaga kita!" tugon ko sa kanya.

Napagtanto ko ang sukat ng pagmamahal ko kay Anna. Na alam kong hindi masusukat ito dahil hindi mo alam at hindi masusukat ang pagmamahal ng isang tao sayo.

Mr. DramaticWhere stories live. Discover now