1: Detentioned

125 3 0
                                    

(Picture ni Jin, Jimin at Taehyung sa taas habang nag Lalalalalalalalala OK sila. Lol ↑ )

Stella's POV

"Good morning to me!" Oo kasi firstday ng school ngayon. Bumangon ako at iniunat ko ang katawan ko. Naghilamos,at nagtoothbrush. Bumaba ako at dumiretso sa kusina. Nakita ko si Yaya Gummy na naghahanda ng almusal. "Good morning yaya!" Sambit ko. "Good morning Stella! Yan, kumain ka na. Di pa kasi gising kuya mo eh. Hayaan mo na yun." Sambit niya habang naglalagay ng almusal sa mesa. Nilamon ko este kumain na ako ng almusal. Habang kumakain ako ng bacon, bumaba si kuya. Ni di man lang naghilamos. Diretso kain agad. "Yaya? Asan si Mama?" Tanong ko kay Yaya Gummy. "Umalis siya. Pumunta siya ng Tagaytay. About business." Sagot niya.

5:45 na. Kelangan ng maligo. Umakyat ako papunta sa kwarto at naligo. After 10 mins, tapos na ako. Yung buhaghag kong buhok di ko na inayos. Nagsuot na ako ng nerdy glasses. Kinuha ko na ang bag ko. Bumaba ako para pumunta na sa school. Lalakarin ko nalang para makapag-exercise ako. Lumabas na ako at pinagbinuksan ni mamang guard yung gate. Sa paglalakad ko,may sumasabay na kotse saken. Alam na alam ko kung kanino kotse yun, kay Kuya Zen.

"Oh Stella. Bat di ka na sumabay saken? Ang layo layo ng school."

"Yoko. Para naman makapagexercise ako."

"Sige. Bahala ka."

"Sandali sandali! Jinojoke lang kita. Sabay na ako."

Pumasok ako sa kotse si Kuya naman yung nagdadrive. 2 mins, nasa school na kami. Aakmang tatanggalin ko na yung seatbelt ko, saktong pagkatanggal ko, tinulak ako palabas ng kotse ni Kuya. ARRGGHH!!! BAD BAD MO! Nasaktan yung pwet ko huhu!!! Bumaba si kuya at hindi man ako tinulungan

"Ang clumsy mo. Tumayo ka nga jan!"

"Eh tinulak mo ko! Tanga! Kung di mo ko tinulak, di sana mangyayari to!"

"Tsk."

Tumayo ako at pinagpag ko yung maiksi kong palda. Kinuha ko sa loob ng kotse yung bag ko at pumasok na ako sa school. Si kuya ni di man ako hinintay. Tumakbo papalapit sakin si Nash.

"Napano ka? Nakita kitang nadapa."

"Ah. Tinulak kasi ako ni Kuya kaya eto nangyari. Nakakainis."

"Hayaan mo na yun. Sabay ka na saken."

"Sure."

Habang naglalakad kami sa hallway, yung mga fangirl ni Nash, nagbubulungan.

"Ewww. Ang landi ng nerd."

"Tsk. Feelingera. Feeling niya ang ganda niya."

"Nadidiri ako. Ill vomit. Yuck."

"Manahimik kayo. At una sa lahat, di siya malandi. Wala kayong karapatan na tawagan niyo siya ng ganun"

"S-sige. S-sorry po."

"Alis na kayo! Bumalik na kayo sa mga classroom niyo!"

Tumakbo naman sila palayo. Ang bossy kasi ni Nash. Siya na. Siya na ang Knight in Shining Armor. Labyu Nash!

"Eee palagi mo naman akong nililigtas. Salamat ah."

"Ha? Eh w-wala yun hihi!"

"Ang cute kyut mo!!!" (Pinisil ko yung mukha niya)

"Bitawan mo yung mukha ko! Pasok na tayo baka madetention na naman tayo."

"Hihi."

Pumasok na ako sa classroom. Section 1 kaming dalawa ni Nash. Kaming lang dalawa ang pinakamaingay. Yung mga matatalino naman, ang tahimik. Yung iba nagbabasa ng libro. Umupo kaming dalawa ni Nash sa Column A, Row 4. Sa bandang gilid kaming dalawa. Buti wala pa yung English Teacher namin.

The 7 Badboys are with Me   Where stories live. Discover now