Prologue

776 24 11
                                    

Raine POV

This is it. Today is the day I will say "I do" to the person I love from the moment I first laid my eyes on her. I never believed in love at first sight or true love noon. I never believed in meeting "the one" , heck I didn't even believe in "the one" before. I was never a hopeless romantic type of person and I never thought that my "the one" will be a "she". But when she came along everything changed, she turned my world up side down, nothing was the same anymore and I changed. I changed to be a better version of me. Nung iniwan ko siya gumuho ang mundo ko dahil akala ko dun na matatapos ang love story namin. I am lucky enough that fate gave me another chance to be happy, to be complete again because the person I will marry today is the person that completes my whole being.

Naputol ang pag iisip ko nang may kumatok. I'm here sa designated dressing room ko and I'm staring at my self sa whole body mirror dito. Tapos na ako ayusan ng make up artist ko at dahil wedding day ko ito, I can brag na he did a freaking job well done.

"Come in" sabi ko ng mahinahon sa taong kumatok. Tinitigan ko parin sarili ko sa salamin. Hindi parin ako makapaniwala na ikakasal na ako today. I am excited and nervous at the same time.

Nakita ko sa salamin si Mom and Papa, papalapit sa akin. I smiled at them at nakangiti rin sila sa akin.

"Ang ganda ganda mo anak" sabi ni Papa parang naluluha luha na siya.

Kaya I turned around and hug him, he did the same to me. Ramdam ko ang saya at lungkot niya today.

"You know you will always be my little princess, anak. Pag sinaktan ka niya you know where to find me. I am very proud of you my princess and I love you so much." siryosong sabi ni papa habang nakatingin sa akin at yakap yakap parin ako. Ako naman ay nakatingala sa kanya dahil mas matangkad parin siya sa akin kahit naka heels na ako.

"I love you too Papa" I feel like I'm a little girl again. Simula nung namatay si kuya ngayon ko lang narinig na sinabi sa akin ni papa na proud siya sa akin, kaya sobrang natuwa naman ako.

"Tama na yan at baka mag iyakan pa kayong mag ama diyan" sabi naman ni mama habang nakangiti sa aming mag ama. Pagkasabi nun ni mama ay binitawan narin ako ni papa. Si mama naman ay hinawakan ang dalawa kong kamay at parang naiiyak narin siya.

Haysh ano ba ito baka masira ang make up ko hindi pa nga nag sisimula ang ceremony, ang drama lang namin today hehe. Ganito talaga siguro pag ikakasal ka.

"Anak, sorry ah sa mga nagawa ko noon sa inyo. Akala ko tama yung ginagawa ko noon. Ang gusto ko lang naman ay ang maging masaya ka pero nakita ko na siya pala ang kasiyahan mo. I love you anak at like your father I am very proud of you." siryosong sabi ni mama habang nakatingin siya sa aking mga mata.

"Ma wala na yun, naiintindihan ko naman ang ginawa mo. Masayang masaya naman po ako sa kanya at mahal na mahal ko po siya. I love you too mama and thank you for finally accepting us." pagkasabi ko nito ay niyakap ko na si mama.

"Oh tama na yan at baka magkaiyakan pa kayong mag ina diyan." Si papa naman ang nagsalita. Pagkasabi nun ni papa ay binitawan na ako ni mama sa kakayakap at nagkatinginan kaming tatlo tapos ay nagtawanan at niyakap nila akong dalawa.

Kahit na ano pa ang pinag daanan namin mahal na mahal ko parin sila at hinding hindi na mag babago yun. After namin mag drama ay sakto naman dumating ang wedding coordinator namin at sinabing ready na ang lahat ako na lang daw ang iniintay.

Woooow! This is it! Today Rhia and I will start OUR journey in life together.

Wala ng makakapigil pa sa amin dalawa!

Temptation of the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon