+Chapter 3: Meeting the Peculiar Guy and the Lonely Kid+

53 3 0
                                    

+Chapter 3: Meeting a Peculiar Guy+

[Author's Note: Dedicated po ito sayo kasi, ikaw palang ang unang ibang reader ko ^____^ Salamat! Mua mua mua! xx]

Uggghh...Hangover...It sucks you know!

Pero andito ako ngayon sa labas.. Parang I wanna go out and have some fun..

And what I mean by fun is...

DANGEROUSLY FUN!

So, I ran towards my customized black and violet big bike aat pinaandar iyon..

Nag-iisip ako kung ano bang magandang gawin at kung saan magandang pumunta..

LIGHT BULB....

Hindi nalang pala DANGEROUSLY FUN, ORDINARY FUN nalang pala... Nakaramdam kasi ako ng konting pagod ehh ^_^

Atleast naman mag-gagabi na, trip kong pumunta sa mga plaza, something like that.. Street foods.. Yung mga ganun?

Nakaka-miss..Si Ate Stella kasi dati, dinadala ako dun pag nagtatampo ako sa kanya.. Hehe, tactics ko lang yun!

Ngayon, kahit magtampo o magalit pa ko, wala na.. Hindi siya darating..

Muntikan na naman akong umiyak..

Buti nalang napigilan ko.. Ang sakit parin pero I need to move on para matuloy ang mga plano namin..

Nagsurf ako sa net about this place kung nasaan ako ngayon and the nearest plaza here is 5 meters away lang.. And it is called, "FREEDOM PARK"..

Nakita ko yung picture ng plaza.. Malinis, maraming matatangkad na puno..Maaliwalas kaya naman, DOON AKO PUPUNTA!!

After a few minutes of driving, narating ko rin siya..

Gabi na kaya madaming mga ilaw dito.. I like here..

At sakto, I spotted a vendor.. Nagtitinda siya ng kwek-kwek, fishball, squid ball, hotdogs, at sago't gulaman..

Sarap!!! Makabili na nga..

Lumapit na ako at...

Bigla ba naman akong inunahan nung lalaking mejo matangkad na parang ewan! =___=

"Kuya Jo, pabili ah?", sabi nung lalaki..

Kukuha na sana ako ng stick at basong plastic kaso inunahan na naman niya ako..

Parang nananadya 'to ah?!

"Nananadya ka ba? Kanina ka pa humaharang sa lahat ng kukuhanan o dadaanan ko! Ano bang problema mo?!", sigaw ko sa kanya..

"Ah? Hehe, sensya na, miss.. Ginugutom eh.. Sabi nga nila, magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gutom!", huh?! Meron bang ganong expression?! sa tingin ko, wala!!!!!

"Tss..Maka-alis na nga lang..", sabi ko at inirapan ko yung lalaki na maka-ngiti eh, abot tenga... Nakakakain lang, ang saya saya na! tss..

"Teka, miss... Pasensya ka na sa pamangkin ko, sige bumili ka na.. Di na siya haharang..", naawa naman ako dun sa vendor kaya bumili parin ako..

Pagkatapos nun, umalis na ako.. Nakakainis kasi eh!

Umupo ako sa isa sa mga benches dun sa plaza.. tinitignan ko yung paligid habang kumakain..

Maya-maya, may lumapit saking bata..

"Ate, penge po akong pagkaen..", at nagpaawa pa siya sa akin..

Di naman siya ganun kadungis.. Magsisimula palang.. kaya naawa ako..

"Halika, bata.. Dun tayo sa may cotton candy-han.. Ililibre kita!", masaya kong sabi..

At binili ko siya ng dalawang pirasong cotton candy.. Limampiso lang naman ehh..

"Anong pangalan mo? Atsaka bakit ka parang namamalimos dito?", tanong ko dun sa bata..

"Ako po si Stephanie.. Wala na po kasi akong magulang.. Palaboy-laboy lang ako dito.. Naghahanap ng mag-aampon sakin na mabait.. Dito na ko lumaki.. Yung talaga pong nagpalaki sakin, iniwan ako kasi daw palamunin daw ako..", at bigla siyang nalungkot..

"Eh, ilang taon ka na?", tanong ko ulit..

"9 po..", at ni-represent pa niya yun sa kamay niya..

"Ahh.. Gutom ka pa ba? Eto oh, bente, bili ka ng kahit na anong gusto mo.. Tapos balik ka dito, kwentuhan mo pa 'ko..", sabi ko..

At masaya siyang pumunta sa katapat naming vendor..at bumili...

"Mabait ka naman pala?", hala? sino yun?

Pagtingin ko, yung lalaki pala kanina..

"What are you doing here?", sabi ko..

"Tss.. Wag ka ngang mag-English! Nasa Pilipinas ka! Tsk tsk tsk..", sabi niya na parang nainis yung mukha habang kumakain..

"Ano bang pakielam mo? Tsaka stalker ka ba? Bakit mo ko nasundan? Ang layo ko na nga dun sa tindahan ng tito mo ah?!", sabi ko kasi nakakainis..

"Well, sabihin na nating gusto lang kita makausap..", sabi niya tapos biglang ngumiti ng pagkalapad-lapad.. Pero in fairness, may kagwapuhang itinatago tong si kuya..

"Tungkol saan aber?", sabi ko ulit..

"Alam mo, kilala ko yung batang yun.. Ulila na siya, lagi rin niya sinasabing gusto niyang magpa-ampon sa isang pamilyang mabait kahit hindi na mayaman..", naging seryoso ang mukha niya..

"Yun lang naman...^____^v", bakla ba to or something?? tss.. mood-swings ang peg!

Napaka-peculiar na tao! Ang strange niya!!!! Baliw ata yun ehh... >.<

Umalis din siya after nun..Bumalik naman si Stephanie..

Ay wait, pareho pala kami ng name noh?! Nice~~

"Hi, Ate.. Andito na po ako! ^_____^", ang cute siguro ng batang to pag naayusan..

"Gusto mo bang magkaroon talaga ng pamilya?", tanong ko..

"Opo, opo, opo!!!!", masigla niyang sagot..

I think that peculiar wants me to do something kaya siya nagpunta kanina rito.. At may gagawin nga ako!

"Well, pwede ka na bang maging isang Williams ngayon? Apelyido ko yun.. At gusto kitang maging kapatid! Ayos lang ba yun?", tanong ko then I smiled at Stephanie..

"Talaga po? OPO!", at napayakap siya sa akin.. natuwa naman ako..

"Tara, iuuwi na kita.. By the way, ako si Ate Frost mo simula ngayon.. :)", at binuhat ko siya papuntang bigbike ko..

Nadaanan ko pa si Kuyang Peculiar.. Napa-ngiti siya noong nakita niya kaming dalawa ni Steph..

Nag-nod nalang ako dun sa guy na yun..

At pinaandar na ang aking bigbike papunta dun sa aming mansion..

Ang una kong gagawin, hindi ako magpapahuli na kasama ko si Stephanie, aayusan ko muna siya.. Saka ko siya ipapakilala sa mga kasama ko..

May silbi pala ung peculiar guy kanina doon?

Pero medyo magaan ang loob ko sa kanya dahil kay Stephanie..

[Author's Note (ulit): Yan nalang po muna! Madaming gawain ehh ~~~ Tnx for reading!]

by TrueYakuza

Turned into a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon