Chapter 1 : Daily Routine

31 6 7
                                    


4th year highschool ako noong atakihin ulet si Papa ng sakit niya .  At dahil sa pangyayari na iyon ay naubos ang naipon naming pera na nakalaan para sa pag-aaral ko sa kolehiyo. Pero ayos lang dahil nanatiling buhay si papa. 

Naubos ang puhunan nila mama at papa . Kaya napilitan akong magtrabaho para sa pamilya. Dahil sa disisais anyos pa lamang ako noon. Napilitan akong magtrabaho sa palengke. Halos lahat ng trabaho ay pinasok ko na. Naghakot ng mga paninda gamit ang kariton , nagbenta ng gulay , nagbenta ng prutas .

Hanggang sa napasok ako sa isang Slaughter House . Disisyete anyos ako noong panahong iyon. Kumikita na ako ng pera para sa pangangailangan ng pamilya. Hanggang sa nakapagtabi narin ako ng pera para sa pagtitinda ni Mama sa isang pampublikong eskwelan.

Magtrabo , matulog , gumising , magpunta sa tindahan , mamili ng paninda , kumanta sa videokehan sa isang mall bago bumalik sa tindahan . Then repeat . Ganyan lang ang naging takbo ng buhay ko . 



The Story of UsWhere stories live. Discover now