Makalipas ang Tatlong Buwan, hindi na gaano nakakapag-usap ang magkakaibigan kahit na si Ced at Roma ay di na nakakapagsabay pumasok at puro away na lang ang alam nilang gawin kung maguusap man.
Romarette's POV
Naiinip na ako kasi ang tagal ni Ced dumating dito sa bahay, kasi ihahatid niya ako sa bahay nila June kasi may aayusin kami at tutulungan ko siya sa gagawin niya.
Bestfriend ko kasi si June at kaklase ko siya kaya tinutulungan ko siya.
"Tumatawag si Gago~ Tumatawag si Gago~"🎼When you see it? tumatawag na si Ced.
"Hello?! NASAN KA NA? DALIAN MO NAMAN?! PAG AKO NAINIS AKO NA LANG MAG-ISA PUPUNTA KELA HUNYO! KAINIS ANG TAGAL!"
"Roma, sorry na po nandito na ako sa gate oh? labas ka na, di na ako makakapasok kasi nagmamadali ka na."
Sabi ni Ced
"EH NANDYAN KA NA PALA TAS DI KA PA PUMASOK?! OH ETO NA."
*Call ended*
"Mommy? Alis na po ako nandyan na si Ced sa labas, nagmamadali na ako."
"oh sige anak ingat kayo."
pahinahon na pagkakasabi ni Mommy habang nagbe-bake.
"Yaya? pakilinis po yung kwarto ko please? di ko na po nalinis kasi nagmamadali ako pasensya na po, yung mga papel po na nakakalat pakipatong na lang po sa lamesa salamat po ya."
pagpapahabol ko bago lumabas ng bahay.
"oh sige po mam, ingat po kayo ni Sir Ced."
"Kuya! ay! yung kotse ko pakidala po sa car wash yung susi nasa kwarto po, yung dalawa na kotse kuya ha? salamat po,paki lang po."
pagkakasabi ko paglabas ng gate
"sige pooo madam!"
Ngumiti na sakin si Ced pagkasakay ko sa tabi niya.
"Well, I'm sorry sa inasal ko kanina."
"Okay lang yun Roma, naiintindihan kita at chaka kasalanan ko naman talaga yun."
pangiting sambit sakin ni Ced.
"Anong date ngayon Rome ko?"
Nagtanong ng parang tanga yung pagkakatanong si Ced
"Edi September 8? bakit? wala na bang kalendaryo na nilagay sa kwarto mo si Tita?"
Sarkastikong tanong ko sakanya
"Ay lah?! meron naman, may nakalimutan ka na pala. okay lang puro ka si Hunyo , June...puro na lang siya!"
Pasigaw na sabi sakin ni Ced
"Aba'y gago ka pala e? dinadamay mo si June dito! tinatanong nga kita kung anong meron tas ganyan?! bahala ka nga dyan magse-cellphone na lang ako!"
"Ano kasi ngayon, monthsary natin sorry na Roma, nainis lang ako kanina."
"Nandito na tayo, okay bye na, wag na tayong magsabay mamaya pag umuwi ingat ka na lang bes."
Pataray kong pagkakasabi kay Ced
Ced POV
Bes na lang ang tawag sakin?! hays! ano bang nangyayare sakanya! naiinis na ako kasi nag-iiba na ugali niya, sobrang inis na ako pero mahal ko.
Tawagan ko nga si June, via videocall.
buti naman at sinagot niya agad.
*In Call*
"Hi Ced, bat ka napatawag? ("huh? si Ced tinawagan ka? tingin?"-Romarette)"
Sabi ni June
"Ah wala lang, Roma? sorry?"
"Hoy Ate ikaw ang gustong makausap neto at hindi ako."
Pabirong sabi ni June kay Roma
"Hey my baby, my darling? oh baket? hmm?"
Pataray na pagkakasabi ni Roma
hays, naiinis ako.
"Sorry na please."
"Okay! basta wag mo na akong sunduin later ah? bye! love you! tinawagan ko na si Kuya dadalin niya yung kotse ko dito.."
Sabi ni Roma ng nakangiti na
buti naman!
"Ano ba ginagawa niyo ni June?"
"Hindi ba obvious? mukha ba kaming nagluluto?! joke lang, bye na muna."
pagmamadali ni Roma
*call ended*
Hindi kaya, nagiging cold na sakin si Roma? wag naman sana.
Or sadyang busy lang siya...
BINABASA MO ANG
Imaginations
Teen Fictionnaglalaman ito ng kwento ko..? i mean... imaginations ko! hahaha..! ito ung una kong pag-gawa ng kwento..! hahaha sana maging successful ito hahaha..!