Chapter 22 (Demonic Side)

0 0 0
                                    

Shae POV

"Hello dai, malapit na kami nila Claire dyan sa bahay mo. Wag mong ituloy yang mga gagawin mo hype ka loveyou."

*call ended


Ano ba kasing katarantaduhan ang nigawa na naman ni Ced, sya na nga yung pinili tas lalandi pa.


"Eh kasi nga katwiran niya siguro mas sweet si June at Roma dahil lagi silang magkasama."
Sabi ni Claire



"oo tomo! at chaka laging sabay na pumasok ng school lagi si June at Roma."
Sabi ni Claire



Maya-maya ay nasa bahay na kami ni Roma.



"Mga anak, nasa kwarto si Roma. Paki hatid na rin itong pagkain niya oh, ayaw niyang kumain, lahat na ng frame nya ata sa kwarto basag na, di lang namin pinapakelaman."
Sabi ni Tita



"oh sige po tita kami na po ang bahala kay Roma."



Habang paakyat kami ng hagdan rinig ko na ang pagwawala ni Roma feeling ko andaming basag na sa kwarto niya.





"Roma, Shae is here open the door please baby."
Sabi ni Erika



thank god naman at binuksan niya ng walang halong pagpapabebe.

since kasama namin si June, etong si June nagmala-concern na torpe.


"parang kang tanga Roma, bat mo binasag yung mga frame mo oh? sayang, tas ayan nagkasugat ka pa."
Sambit ni June habang tinakpan ng panyo ang kamay ni Roma



"Okay lang naman kasi kung sinabi niya lahat agad di ba? para hindi ako nahihirapan mag-isip kung paano ko siya hindi masasaktan kung makikipag-break man ako."
Umiiyak na sambit ni Roma



"alam mo dai, wag ka ng magwala kasi sa totoo lang dapat binibreak mo sya ngayon kaysa nagwawala ka dyan di ba? kawawa na naman yung yaya mo dahil yung kwarto mo naglilimahid sa gulo oh, kumain ka na daw muna sabi ni Tita."
sabi ni Shae



"Samahan niyo ko pumunta kela Tita."
Sabi ni Roma




o ano walang ligo-ligo?! HAHAHAH charot, halata naman na nakaligo na siya.


pumunta na si Roma dun sa closet nyang Malaki HAHAHAH yung dun siya nagbibihis, nakalimutan ko yung tawag dun at maya maya e umalis na kami.




June POV


Edi sana kung kami ngayon di siya ganito, pero okay lang yun ikocomfort ko na lang siya at alam kong kailangan niya ako ngayon.

Mahal ko pa rin talaga si Roma, kaso nga lang sila nga ni Ced kaya wala akong balak magparamdam kay Roma.


"Kingina, nanggigigil ako!"
Sigaw ni Roma habang nasa tapat na kami ng bahay nila Ced


Ng kumatok si Roma, pinagbuksan naman nung nanay ni Ced.


"Tita."
Walang lakas na sambit ni Roma


"Alam ko ang buong pangyayari anak,mag-usap muna kayo nasa kwarto siya."
Sabi nung Nanay ni Ced



"June? Pwede bang samahan mo ko sa taas?"
Tanong sa akin ni Roma




"O sige samahan mo na siya June baka anong mangyari sa taas e."
Pabirong sabi ni Claire



"Mga Shit, green naman ng utak niyo."
Sabi ni Roma


Umakyat ng mabilis si Roma, ako naman sinusundan ko lang siya.


Pagka bukas ng pintuan ng kwarto ni Ced, tumingin sa paligid si Roma at ramdam ko na may sisirain sya na kung ano, kasi puro picture din nila ni Ced yung mga frame na nakadisplay.



"Roma? Sorry talaga, di ko meant yun unang araw pa lang naging kami ni Andrea nun pero nagdadalawang isip ako kasi baka masaktan kita, at ramdam ko na rin yung panlalamig mo sakin kaya ko nagawa yon. sorry roma, sana mapatawad mo ako."
Paluhang sinasambit ni Ced at habang nakaluhod siya kay Roma



Naglakad malapit si Roma sa gilid ng kwarto ni Ced, kung san dun nakadisplay ang mga litrato nila.


"Punyeta naman oh! sa totoo lang di ako nasaktan! pero kung matuwid kang tao, di mo ko gagaguhin ng ganyan!"
Galit na sabi ni Roma at pinagbababato nya na ang mga frame at pinagpupupunit ang mga litrato nila ni Ced



"Matutuwa pa sana ako kung sinabi mo agad sakin na gagaguhin mo ko, para di na ako nahirapan mag isip kung pano kita ibebreak ng hindi ka masasaktan! well, di ka na masasaktan ngayon kasi meron ka ng Andrea ha-ha-ha-ha-ha."
sabi ni Roma



umiiyak si Ced at hinawakan ang kamay ni Roma na nagmamakaawa.



"Just please? fvcking hand?! bitawan mo ako, aalis na kami."
Pataray na sambit ni Roma



"Mag-usap tayo bukas please?"
Sabi ni Ced



Lumabas na lamang ng pintuan kami ni Roma, dahil baka sakin pa maibuhos ang galit niya kay Ced.



"Tita, alis na po kami, pasensya na po tita."
Pagpapaalam ni Roma sa nanay ni Ced

ImaginationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon