Kabanata 1

14 0 0
                                    

2 years earlier...

"Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local time is 12:30 PM. For your safety and comfort, please remain seated with your seatbelt fastened..."

Finally... After 14 hours na biyahe mula LA hanggang Manila. Nitong mga nakaraang araw ay pagod na pagod ako. I just want to rest after this. I'm tired but I would never quit my job. It's what I've always wanted. And it is helping me to move on from something... Buti nalang at wala akong schedule ng flight sa mga susunod pang araw. It's Zia's birthday on Saturday at alam kong madaling araw na ito matatapos. I'm the most important person on those kinds of parties. Not only because I'm her best friend, but because I am the only one who doesn't get drunk or tipsy. Why? Because I don't drink! That has been the scenario since highschool!

Matapos kong batiin ang mga bumababang pasahero ay bumaba na rin kami. I received another call from Eliana. Ilang buwan na siyang tawag nang tawag sa akin. I've been avoiding her for a year... Simula nung nakaraang buwan ay nangungulit siya, dahil siguro hindi na rin siya masyadong busy sa career niya. It's damn hard. She's my closest cousin pero talking to her means talking to...

Umupo muna ako sa lobby ng mga crew ng aming airline para magpahinga muna bago umuwi. That flight was hell.

I sighed. "Hello?"

"Oh my God! Finally!" Sigaw niya sa kabilang linya. Inilayo ko ang tenga ko sa phone. "Ares, come here, she answered!" Napapikit ako nang marinig ko ang pangalan ng tinawag niya.

"Eli... sorry. I was just busy. Marami akong flights, sunod sunod 'yon kaya hindi kita nasasagot." Palusot ko.

"Sus! Huwag mo nga akong lokohin... You were on vacation in Sydney just last month." Sabi niya. I can hear excitement in her voice. "Alam ko naman kung ano ang dahilan kung bakit ka umiiwas, eh!"

"I'm okay, Eli. Hindi ko na iniisip yon. Kung ano man iyong sinasabi mong alam mo." I said coldly. I've never been like this when talking to her. Ako madalas ang mangulit sa kanya noon.

"Bakit pati ako iniiwasan mo? Come on, Kels. Hindi naman namin siya kasama ngayon. It's just me and Ares. Hayden and Sarah aren't with us." sagot niya. "Grabe ka, natiis mo ako nang ganun katagal..."

"I'm really really sorry. I'll make it up to you." I bit my lip. I'll make up to you when I'm okay. Kapag hindi na ako nalulungkot tuwing makakakita ako ng bagay na makakapagpaalala sa kanya.

"Hey, Kels! We miss you!" Ang malakas na boses ni Ares ang narinig ko sa background. Narinig ko rin ang pagpalo siguro ni Eli sa balikat nito. Bahagya akong natawa.
"Anyway... Dahil sinagot mo na ang tawag ko, I'm pretty sure you can come with me? Tara? Shopping? Like the old times..." sabi ni Eli. Pumikit ako nang mariin.

"M-may flight ako bukas... Hindi ako pwedeng mapagod." Sagot ko. I bit my lip and closed my eyes. I hate lying. Pero hindi pa rin ako makakapayag. Pagod pa rin ako ngayon at hindi ko kayang umalis.

"Liar! I have your schedule... at sabi ng mommy mo..." I can hear her smile. "You're vacant for the next week.. Hmmm... May itinerary na nga ako, eh."

Nalaglag ang panga ko. Si mommy! Ipapahamak pa ako, eh!

"Kels..." Halos mapatalon ako sa boses ng aming First officer. Tumawa ito sa reaction ko.

The Star and the HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon