Kabanata 5

1 0 0
                                    

We spent the night watching movies, ngunit nakatulog ako. Dahil sa puyat at pagod. When I woke up, I was already in Eli's bed.

"I swear, it's a love bite, babe!" Nagising ako sa lakas ng boses ni Eliana na may kausap sa phone. Tumatawa-tawa ito na parang tuwang tuwang bata. Kinusot ko ang mata ko. "Wait, babe, she's awake. I'll call you later."

"Good morning." I said.

"Good morning." She said, smirking. "Kamusta ang gabi?"

Nagtaas ako sa kanya ng kilay. Magkakasama naman kami kagabi?

Nang araw na iyon ay sumama lamang ako kay Eliana while she ran some errands. Ares was busy.

"Kayo na ba ulit?" Tanong ni Eli habang nasa sasakyan. Nakafocus lamang ang tingin niya sa daan habang kinakausap ako.

"Nino?" Wala sa sariling tanong ko.

Humagalpak siya sa tawa. "Ilan na ba ang naging ex mo? Diba isa lang?"

Namula ang pisngi ko. Naalala ko nanaman. I don't really understand what happened. When I left Hunter almost a year ago, I became an international flight attendant. Hindi ako nagpakita sa kanila, and we didn't talk until last Saturday. Tapos... Ang bilis ng pangyayari.

"Hindi..." Sagot ko.

"Pero nag usap kayo?" This time, lumingon siya at nagtaas ng kilay.

"O-oo..." Sagot ko.

"Good..." Lumingon siya ulit sa daanan. "You know some of his shows almost got postponed because he was always drunk when you left him."

Lumunok ako.

"Iniisip niya kasi hindi daw siya kagaya nung pangarap mong lalaki." Dugtong niya. "He went to your house... Nagulat nga ako eh."

"H-ha? Hindi ko alam..."

"Yup. Sabi wala ka daw sa bahay niyo. He went there everyday for three weeks. Lagi kang wala daw."

"Oo... Lagi akong wala."

"Your mom told me nakatira ka sa isang condo malapit sa airport at hiniling mong wag sabihin kahit kanino." Nagpatuloy lang siya sa pagda-drive. "Pati ba naman ako, iiwasan mo? Grabe..."

"Sorry..." I bit my lip. "Kasi alam kong magkaibigan kayo. He's friends with Ares, too. I'm sorry..."

"Hiniling ko sa mommy mo na wag sabihin sayo na nagpupunta dun si Hunter. I understand your side... Alam kong nahihirapan ka. I knew you were having a hard time dealing with his fans. Hindi ka sanay sa mga taong galit sayo because all your life, we loved you." Sabi niya. "So maybe it was your time to think... Hinayaan kita."

Hindi ko maiwasan ang paghikbi. Agad kong tinakpan ng palad ko ang aking mukha.

"Shhh... I'm sorry." She said. I felt the car stopped. Hindi ko mapigilan ang paghikbi ko.

"I-I'm sorry, Eliana..." She hugged me. "H-hindi ko maintindihan... I-I still love him. I miss him. I miss hugging him. Pero ayoko... I don't want to ruin him again. You know what happened..." Humihikbing sabi ko.

Hinintay niyang humupa ang iyak ko bago kami umalis. I bit my lip. Now that I admitted that I still love him, pakiramdam ko ay gumaan nang kaonti ang loob ko.

It feels so weird! Halos isang taon na kaming nagkahiwalay at nung isang araw lang kami muling nagkita but I'm already so affected by his moves.

I bit my lip as we entered their agency! The one she shares with Ares and Hunter! Those who wants Natasha and Hunter together hated me...

The Star and the HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon