Sa dinami-dami ng tao sa mundo,
At sa kakaunti na mga pasahero,
Ikaw lamang ang naglakbay,
Sa 'king mumunting buhay.Habang ako'y naglalakbay,
Ika'y tila gumagabay,
Sa biyahe ng kasiyahan,
At kwento ng ating pagkakaibigan.Aking napapansin,
Ngiti mo'y pilit,
Wari ba'y may pinagdadaanan,
Sa buhay na kay pait.Labi mo'y aking pinagmasdan,
Tila isang madilim na kwebang,
Mahiwaga't puno ng kaalaman,
Sa labi mo'y nananahan.Mga mata mo'y nagtutubig,
Wari'y parang bagyo,
Nakaambang tumulo,
Mga luha ng naudlot na pag-iibigan.Hindi ko man naisatitik,
Istorya ng iyong libro,
Andito ako'y tumatangkilik,
Pinapahalagahan kang totoo.©Angelito Regalado Alivio, Ang Munti Naming Biyahe, 2016
YOU ARE READING
My Poetic Book
PoetryImma save all my poems I've done in here. Hope y'all have fun.