Malaya

19 0 0
                                    

Makalipas ang isang araw,
Andito ka't ako'y minamahal.
Habang ako'y tumatanglaw,
Sa 'di mawaring pagmamahal.

Habang tumatakbo ang oras,
Kapiling kita, katabi, at kayakap.
Ang pagmamahal na iyong ipinaparanas,
Nagbigay ligaya na aking hinahanap.

Hindi ko pa 'man natitikman,
Iyong labi na puno ng misteryo.
Iyong inialay ng buong puso,
Tinig mo habang ako'y kinakantahan.

Ang bawat letra sa iyong kanta,
Nanghaharana sa aking tenga.
Bawat nota, sa aki'y nagpapa-alala,
Ako'y tunay na pinagpala.

Habang tayo'y naglalakad,
Bumitaw ka sa aking bisig.
Wari'y iyong nabatid,
Hindi pala ako iyong iniibig.

Lumisan ka, aking sinta,
Iniwan mo akong nag-iisa.
Ang mga tala'y tuluyan nang naglaho,
Kasabay ng paghahanap mo ng bago.

Ang mga pangarap at pangako,
Na ikaw mismo ang bumuo.
Binali mo, pinutol mo,
Kasama ang puso kong binasag mo.

Habang ika'y nasa piling ng iba,
Ako nama'y naglalakad ng mag-isa.
Nag-iisa sa lugar na unang pinagsaluhan,
Na ngayo'y iyong tuluyang kinalimutan.

Bawat araw na lumilipas,
Tinig mo'y aking naaalala.
Lungkot ang nananalalasa,
Ngiti'y tuluyan ng kumupas.

Malayo-layo na ang narating,
Ng pagsasamang dulot ay pag-ibig.
Pinilit ko na ika'y kalimutan,
Kahit ako'y nahihirapan.

Sa una at huling pagkakataon,
Ito'y sasabihin na sa sarili'y nagmula.
Kung dati, ako'y iyong nilisan,
Ngayon, ako'y tuluyang lalaya.

©Angelito Regalado Alivio, Malaya, 2017.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Poetic BookWhere stories live. Discover now