Hi! This is my very first One Shot. So sana po magustuhan nyo. :)
Enjoy Reading. :) ~Imahinaya.
IN: Paki-play po nung song sa gilid while reading. Thanks! ---->
Copyright ©Imahinaya
Naglalakad ako sa isang tahimik at mahabang hallway.
Kung saan may makikita kang iba-iba at sari-saring emosyon.
Ang ilan ay tahimik at nakatulala sa kawalan ...
Mga pagod at mugtong mata ...
Walang humpay na pag-iyak ...
At ang iba naman ay tahimik at punu ng pag-asang nagdarasal.
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang pinakamaganadang babaeng nakilala ko.
Ang babaeng bumihag sa puso ko at minahal ko simula pa noong nakaraaang dalawang taon at patuloy na mamahalin hanggang maglaho ang mundo.
Ang babaeng pinakita at pinadama sa akin kung ano ang ibig sabihin ng tinatawag nilang "pag-ibig."
"Bwahahah.Anu ba naman yan Christian! Bakla ka ba? Hahaha. Parang ipis lang eh. Tingnan mo nga oh. Ang cute! *o* Hahahaha."
"ANO KA BA ANGEL! BITAWAN MO NGA YAN! BITAWAN MO NA YAN AT ITAPON MO NA! ISA!"
"Ayy. Bakit? :( Ayaw mo bang alagaan natin sya? Hahahaha."
"DALAWA!" ANGEL! ITAPON MO NA SABI YAN!."
"Okay." ^^
"WAAAAAAH. Yuck yuck yuck. BAKIT SAKIN MO TINAPON? WAAAH. MAMA KO."
"WAHAHAHAHA..."
Lumakad na ako papalapit sa kanya.
At inilapag doon ang mga prutas at tsokolate kasama ang iba pang mga prutas na dala ko nung mga nakaraang araw.
Inilagay ko naman ang isang pumpon ng kanyang paboritong puting rosas sa tabi nya.
Humalik ako sa kanyang noo kasabay ng pagtulo ng aking mga luha...
"Angel, G-gusto kita. Mahal kita."
"Ha? Hay naku Christian, kahit kelan talaga waley yang mga joke mo. -_____-"
"Pero seryoso ako!"
"H-haha. Masamang biro yan pare. Tara kaen na lang tayo. Libre mo ah. Gutom lang yan."
"Angel. Mahal kita. At seryoso ako."
"Hmm. Sa tingin ko gutom na din ako. Mahal din kita Christian."
"Haa? A-ano? Pwedeng paki-ulit?"
"Haha. Wala. Anu ba yan bingi!"
"I love you Angel. Mahal na mahal kita."
"I Love You Too ..."
Halos isang buwan ko na ito naging gawain.
Gigising ng maaga. Didiretso dito sa kanyang tahimik na kwarto. At uuwi ng madaling araw.
Pero ni-minsan hindi ako nakaramdam ng pagod.
Masaya ako't nakakapiling ko pa sya. At puno ng pag-asa.
Ngunit tadhana na ang nagktakda na hindi na ito magtatagal at malapit ng magwakas...
"Tita! A-ano pong nangyari kay Angel? Nasan na po sya? Kamusta na ang lagay nya?"
Niyakap ako ni Tita Angela habang ang kanyan pagluha ay walang humpay at sinabing...
"C-christian. S-si Angel ang anak ko."
"Tita ano pong nangyari? Nasan na po sya?"
"Na-naaksidente kame habang pauwi ng probinsya. May bumanggang van sa kotse namin. A-at si Angel ang pinakanasaktan."
"H-ha? Naaksidente?"
"Kakalabas lang ng doctor at sinabing nasa commatose si Angel. Nacommatose ang anak ko."
"I-imposible..."
Mag-iisang buwan na rin siyang nakahiga at natutulog ng mahimbing.
Pero hanggang ngayon ay hindi ako nawawalang ng pag-asa.
Pag-asa na isang araw ay magigising sya at muli kong masisilayan ang kanyang nakangiting mukha.
"Para lang sa nag-iisang Christian Alvarez ang puso ko. Walang sinuman ang makapaghihiwalay sa amin. Maging puti man ang uwak, magrebelde man ang mga langgam at magunaw man ang mundo. I love you Christian Alvarez."
"Ang korni mo. -_-"
"Okay. :("
"I love you too My Angel. Mahal na mahal kita. Wag na wag mo akong iiwan ha? Kasi hindi ko alam kung kaya ko pang mabuhay kung wala ka na sa buhay ko..."
Mahigpit ang paghawak ko sa kanyang kaliwang kamay at nakapako ang aking paningin sa kanyang maamong mukha.
Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko.
Mahal na mahal ko ang babaeng nasa harap ko.
At hindi ko kayang isipin kung paano ako mamumuhay kung wala na sya.
Hindi ko kayang mawala ang lakas ko.
Ang dahilan kung bakit ako patuloy na nabubuhay.
At ang babaeng minahal ko nang higit pa sa buhay ko.
"Christian?"
Nakita ko ang mga magulang ni Angel kasama ang doktor at nurse.
"B-bakit po Tita?"
"Sumusuko na kami. Sumuko ka na rin. Tanggapin na natin." saad ni Tita Angela habang walng humpay ang pagtulo ng kanyang mga luha.
"Pero Tita! Tito? Akala ko po ba isang buwan ang ibibigay natin sa kanya?"
"Pero Christian, anak. Wag na antin patagalin pa ang paghihirap ng anak ko. Hayaan na natin syang mamahinga. Pare-parehas nating mahal si Angel at naging mahirap din ang desisyon na ito para sa amin. Kaya sana maintindihan mo."
"P-pero..."
Walang tamang salita ang makapagsasabi ng nararamdaman ko.
Habang tinititigan ko ang kanyang mukha, ay hindi pa rin ako makapaniwala.
At sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko ang pinakamamahal ko.
Ang tanging babaeng nagpatibok ng puso ko.
Hinagkan ko ang kanyang labi at yinapos na kung maaari'y di na matapos pa.
At di makapaniwalang bibitawan ko ang mga salitang ...
"Mahal na mahal kita Angel. Mahal na mahal...
...Paalam."
Thank You for Reading. :)
Copyright ©Imahinaya
BINABASA MO ANG
My Angel (One Shot)
Teen FictionMy first ever one shot. :) Sana po magustuhan nyo. :)