Mag-iisang linggo na simula nang umalis kami sa lugar na iyon.
Sa totoo lang, pagod na ako, pero hindi ako pwedeng matulog. Hindi ngayon.
May mangyayaring masama kapag ginawa ko iyon.
Kailangan kong lumayo. Lumayo nang malayong malayo.
Kailangan ko siya ilayo agad mula rito.
Siya...
Mapanganib siya, at sinusundan niya ako, pero hindi ko alam kung bakit. Sinasabi niya na hindi siya aalis sa tabi ko.
...Kung ganoon, habang ganyan ang kanyang ginagawa, madali ko siyang mailalayo mula rito.
Sa tingin ko.
BINABASA MO ANG
Bahay Kubo
Short StoryTumatakbo ang isang dalaga papalayo sa isang hindi malaman na tao o bagay habang sinusubukan na hindi matulog. May mangyayaring masama, ang sabi niya. Sinusundan siya ng isang misteryosong lalaki na nagsasabi sa kanyang magpahinga na at hindi siya i...