chappy one

7 0 1
                                    


Maganda ako! Sexy figure hahahahha mag lalaway lahat ng makakita saken.

"Hoy panget kong anak bumangon ka na dyan at mag-asikaso kana baka malate kapa sa school " ugh epal naman to si mama ang sarap ng tulog ko eeh pero kiber lang maganda padin ako kahit sa paningin ko lang kase 'tong nanay ko imbes na sabihing maganda ako aba pinapamukha nya pa talaga na panget ako.

Naalalako nung minsan tinanong ko si mama.

" Ma diba maganda ko? " sabi ko ng nakangiti at naka beautiful eyes pa.

" anak! Kilabutan ka naman sa mga sinasabi mo!" Sabi ni mama na mukhang nandidiri pa yung face nya.

"Ma naman dapat sinosoportahan moko kase anak moko dapat sinasabi mo 'anak you're so pity' dapat ganum ma! " Sabi ko Habang nakasimangot at parang iiyak effect para mas effective!

"Tanga pretty yun hindi pity! Gusto mo bang magsinungaling ako? " umiling ako" kaya ko sinabing panget ka para malaman mo yung katotohanan kase ayokong umasa ka sa mga bagay na hindi naman totoo pagsinabi ko bang maganda ka mababago ba yung katotohanan? " umiling ulit ako ansakit magsalita ng nanay kong to ! Saktan ko kaya to ng makita nya hinahanap nya? Charot mahal ko padin tong nanay ko tsaka mahal ko padin tong buhay ko baka mamaya mag dilim paningin nya saksakin ako bigla. Mawalan pa ng sobrang pity na katulad ko dito sa mundong ibabaw! " Anak gusto ko lang malinawagan ka para pagdating mo sa outside world eh hindi kana masaktan ng powerful atleast may idea kana diba? "

Naiinis ako kase may point si mother nature.....Sa school kase lagi nila kong nilalaet pero go lang wala akong pake im beautifulness kesa sa kanila sa barangay namin lagi nga akong pinagtitinginan eh! Tapos sasabihin nilang ' baket ang baho?' Tapos titingin saken 'ay kaya pala' hay nako mga ingit kumbaga sa ingles insicase teka insecase bayun o insecute? Ay basta mga inget.

Kaya wala akong pakeelam sa kanila kiber ko sa sina sabi nila.

" basta maganda parin ako kahit ako lang ang nakaka alam at least may nakaka alam at ako yon kaya shut up ka nalang dyan ma baka hindi kita matantya "sabi ko ng nakasimangot at kunyaring nanggigigil

Biglang nagbago yung expression ni mama at kumuha ng hanger sa tabi nya uh oh. " at anung gagawin mo kung hindi mo ako matansa? Huh? " sabi ni mama habang nakataas yung hanger at naka amba na saaken

"Hindi pa naman ako tapos magsalita eh. Sabi ko baka hindi kita matantya at bigyan ng yakap ang masipag kong mama."

" at?" Sabi nya na parang may hinihintay pang sabihin ko

"Maasikaso"

"At?"

"Mapagbigay"

" at?" Aba parang may gusto pa syang gustong marinig ah?

" adik? " sabi ko ng medyo mahina pero narinig nya ata ako dahil nagbago nanaman yung hugis ng mukha nya naging hexagon na.

" anong adik? ako? Ha? " sabi nya ng naka amba nanaman yung hanger

"Eh bakit may nakita kong usok sa kuwarto nyo nung isang araw at kasama nyo pa si aleng Mimay? Tapos tawa ka pa ng tawa. Na high ka sa gamot kaya ka tawa ng tawa nun diba? Umamin kana kase ma!." Bigla akong pinalo ng hanger ni mother earth pero pagkatapos nun tumawa sya.

"Baket. Ka tumatawa ma? Nakatira Ka nanaman ba? " sabi ko Na nakakunot ang noo.

"Baliw Hindi!." Ako pa sinabihang baliw eh sya nga tong tawa ng tawa na parang baliw "kase yung araw na yon nag memake over kami ni kumareng mimay sabi nya pagandahin ko daw sya kase may date daw sila ni pareng kanor kahit saken may gusto si pare kasi lagi nya kong tinititigan kapag dumadaan sya tuwing umaga para mamasada ng tricycle. Pero dahil mabait akong kumare minake over ko sya. Pagkatapos ko sya makeapan gamit yung color pen mo plinantya ko naman yung buhok nya since wala tayong plantya sa buhok yung plantya sa damit nalang ginamit ko. Eh ang tigas ng buhok ni kumareng mimay kaya sabi ko ibabad muna yung plantya sa buhok nya. Sabi ko mag iinstagram muna ko Habang nakababad pa yung plantya Habang nag iinstagam ako nakaamoy ako ng nasusunog,pag tingin ko sa kwarto ko puro usok na " Ano kayang konek sa pag aadik nito sa pag mamake over ni aleng mimay? " nilapitan ko si kumareng mimay dahil dun nangagaling yung usok.Si bruha nakatulog pala ginising ko sya pagtayu nya Sabay ding pagtayo ng buhok nya tawa ko ng tawa non kase para sya manok na isasabong. Tapos pag tingin ko sa sahig nandun yung buhok nya naputol kase nasunog hahahaha tawa ko ng tawa Habang nakaturo sa kanya Bigla syang nag walk out at sinabing Hindi na kami friends F.O na daw kami pero tawa parin ako ng tawa kasi yung buhok nya umigsi Tapos mga nakatayo pa" kaya pala may usok kasi nasunog nya yung buhok ni aleng mimay kase naman kung Kelan pa menopause na tsaka naman kumerengkeng

Make OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon