Chapter 1

520 3 2
                                    

Since Day 1


"🎶🎶🎶🎶" *Arf *Arf
Nagising ako sa piyok na tunog ng pink na pianong na sa harapan ko. Di ko namalayang nakatulog pala ako dito.

Inilibot ko ang aking mata sa isang cozy na music room at muling bumalik sa katotohanan ng may maramdaman akong dumidila sa aking braso.

*Arf*Arf

Bumungad saakin ang isang napakacute na pomsky na my mala crystal na mata na masasabi mong hinding-hindi mo matatanggihan.

"Yiee. Baby Georgiee. Ginising mo si mommy ha. Baket?"

Umarte siyang parang inaabot ang piano kaya alam ko na agad ang gusto niya. Iniupo ko siya sa aking mga hita at inaakmang turuan siyang tumugtog. Hahaha. Kung may makakakita lang saakin ngayon iisipin nilang baliw ako.

Hindi ko namalayan kagabing nakatulog na pala ako dito. Ginugol ko kasi ang pinakapinahahalagahan kong last day ng bakasyon sa pagsusulat ng mga kinokompose kong musical notes.

Yes, isa akong musician. Pero hindi ko ito masyadong ineemphasize sa public dahil sa tingin ko hindi ito akma sa aking upright and on-guard image.

Tumutugtog rin naman ako pero kung kinakailangan lang. Hindi yong sa point na parang isang music geek na ako pero sa katotohanan, ginugugol ko halos lahat ng leisure time ko sa bahay sa pag-compose ng mga musical composition.

Haha, nakakatawa lang ay puro tunog lang ang nagagawa ko at di ko pa nalalapatan ng lyrics. Wala kasi akong maisipang temang worth it na paglalaanan ng kanta.

Well so much for that. Nagising ulit ako sa katotohanang pasukan na nung biglang may parang nang ransak sa pintuan ng music room ko at sumigawng..

"Gwyneetthh! Mag-aalas otso na!" Pambungad ni Manang Betchay.

"Oh sh*t." Pagmumura ko.

Myghad. Masyado akong nacarried away sa comfort atmosphere ko at di ko namalayang malalate na pala ako. Napansin ko ring umaambon sa labas at malamig ang klima. Kaya pala parang binababoy ako ngayon.

"Baby girl baba kana." Pagpapa-amo ko sa aso ko.

"Magpeprepare lang si mommy, malalate na ako. Don ka muna sa kitchen. Kain ka na ng breakfast. Sigrado akong naghanda na si Inday."

Tumahol naman siya na parang naiintindihan ang sinasabi at kumekembot pang naglakad patungong kusina. Haha. Manang-mana talaga. Walk like a fab is a principle.

Ako naman ay humarurot na papuntang kwarto at kailangan kong maging mayaman ngayon para bumili ng maraming oras.

Tang*ins naman o, unang araw sa school tas hindi ako nakapagshower nang maigi. Morning ritual ko pa naman iyon simula high school.

After shower nagmadali akong nagbihis at pumili ng damit sa walk-in closet ko. Nagsuot ako ng isang kulay puting halter top na mid-rif na may mala diamanteng detalye sa may leeg at isang high-waisted shorts na maroon.

Potek nakalimutan kong masama nga pala ang panahon ngayon. Umandar na naman ang pagiging malandi kong manamit. Haha. At least sa pananamit lang ako malandi, di kagaya ng best friend kong haliparot. Hahaha. *sarcastic laugh.

Speaking of. Tumawag ang babae.

"Hoy mudra! Achuuuchachachuchaha..."

Shet. Ang sakit sa tenga. Umagang-umaga ganda ng bati ah.

"... Hoy magsalita ka't sagutin moko malandi ka. Huwag mo sayangin ang laway ko."

"Aze... Chill lang eto na nga o. Papunta na. Ikaw, para ka namang mauubusan ng lalake pag na late tayo. Hoy babae, huwag kanang tumanggi alam ko ang habol mo sa pagiging'Ms. Punctual' mo lagi sa unang araw." Naging panangga ko.

"Gee. Kung di ka pa magmamadali dyan, di lang cute boys ang mauubusan tayo. Pati upuan sa opening ceremony bes wala nang matitira. Shet ayaw kong tumayo buong oras ng suot ang bago kong pumps. Magkakavaricose ako nito. Ewww, paano nalang ang model-like legs ko veh. Ito pa naman ang best physicall aspect ko. Attractive sa boys eh. Well, maliban sa boobs ko."

Haayy nako. Talagang ito si Azeliyah o. Kahit kailan... Di man lang maurong- urong ang kalandian.

"O sige na. Tigil satsat na."

Sabi ko habang sinusuot ang black pumps ko. Muntik pa nga akong matalisod ng biglang diniliaan ni Georgina ang paa ko.

*Arf*Arf

"Gee. Yung aso mo ba yan?" Muling pagsasalita ng bruha.

"Ah. Oo. Dinilaan niya paa ko. Muntik nakong matalisod. Buti nalang at nakapagbalance pa ako. At jusko Ze may pangalan siya- Georgina remember? Hindi siya 'aso' lang."

"Ewww. Dinilaan? Sa paa? Yuck Gee. Pagiging amoy aso for boys is a big no no." Maarte niyang sambat.

".... Atsaka. Kung mangangamoy ka pagdating dito hindi ako tatabi sayo no. Ipagkakait kong best friend kita. Hahahaha! Joke." :D

Aba't sarap sabunutan ah. Hintayin lang niya ako't makikita niya yung sinasabi niyang pagkait sakin

"Harsh mo ah! Sige na. Matagalan pa ako dito sa kadaldalan mo."

"Make it faster Gee. Unang araw, bagong school. We have to make a good impression."

"Yes maaam! Papunta na. Magpahanda kang lechon pagdating ko. Hahaaha!"

"You bet I will. Get your fat ass walking the ramp here bitch."

"Haha. Guess I should wear my lucky undies then. Hahaha. By bitch. Mwuah."

Hhhahaha. Pagpasensyahan niyo na kami ng best friend ko ha. Ganyan na talaga kami mag-usap noon pa man. Pero hindi naman sobrang exagge to the point na magtutunog bitchez na kami. Kung baga, alam namin kung saan at kelan lulugar sa malalaswang pananalita namin.

Yun na nga. Nagmadali na akong magtapos. Tinakbo ko na nga ang stairs pababa kahit masakit sa paa.

Ughh. Perks of having your room upstairs. Pagdating ko sa kitchen nadatnan ko si Manang Betchay at si Gavin na kakagising palang.

"Good Morning ate :)..."

*chup

Yieee. Ang cutie talaga ng kapatid ko. Pero, talagang naaawa ako sa kanya. 7 years-old palang siya't nararanasan na niyang palagi nalang mag-isa at napag-iiwanan.

Though nag-aaral naman siya't nagkakaroon ng friends sa school pero iba pa rin ang pakiramdam ng pagmamahal ng pamilya. Good for me at sanay na ako bata pa lang.

"....Pagising ko, dad is at work na. Tapos si mommy nag grocery daw kasama ni Ate Inday. Ikaw rin ate aalis na?"

Awwwee. Hate to leave you baby but I should.

"Yes baby eh. Ate's going to school. Sorry for always leaving you behind. Babawi ako mamaya, I promise." Pagsesecure ko sa kanya.

"It's okay ate. Naiintindihan ko. Bawi ka mamaya ha? Promise mo yan." He said in a cute tone.

"Course baby. Ate won't ever let you down. I love you bye."

*chup

At naglakad na paalis.

"Ate! What about breakfast?"

Sigaw ni Gavin mula sa loob. Pero idinaan ko nalang yun sa tenga ko't humarurot na papuntang school sakay ang aking White Chevrolet Corvette Stingray (Unconverted).

At dahil sa masuwerte ang bilog kong mukha, hindi ako nastranded sa traffic at nakarating narin sa wakas sa bagong eskwelahang papasukan ko.

"Here goes nothing.." Singhap ko habang nagdadrive papasok nang pagbuksan ako ng security guard.

Hindi ko talaga alam kung ano ang magiging kapalaran ko dito. Sana nga lang ay maging maganda ang simula ko. Gaya nga ng sabi ni Aze kanina, making a good impression will be my first mission

Nasa kalagitnaan ako ng aking pagmumuni-muni ng...

Until It Began AgainWhere stories live. Discover now