Chapter 5

64 3 0
                                    


" Gee! Tulonga Parang di ko na to kakayanin." Malapit ng maghyperventilate ang bruhang katabi ko ngayon.

Pano ba naman kasi, yung upuang 'inilaan' *aheem*, I mean pinahiram saamin ay katabi pala nung sinasabi niya kaninang crush niya. Sino nga ba yon?

Si...

"I've never been this close before kay Gabriel Aleister, Gee! At hindi ko akalaing makakatabi ko pa siya ngayon. Ayun o. Isang pulgada lang layo niya saakin. Good heavens!" Sinukat pa talaga niya ang layo ng upuan niya sa kay Gabriel.

Jusko. Nakakahiya! Hindi ba niya napagtatantong kikilabutan na si Gabriel sa ginagawa niya.

Buti nalang talaga't wapeks tong si boy sa bestfriend ko at diretso lang ang tingin sa stage.

"Ano ba Ze! Magtigil ka nga. Nakakahiya ka na o. Pano kung marinig ng crush mo yan mga pinagsasabi mo. Edi wapak. Nganga ka! Ma tuturn-off yun. Sasabihing adik kana." Sita ko sa kanya sabay hawi sa mga kamay niyang kanina pa nakakapit sa braso ko at kinukurot ito.

Ganyan naman talaga role ko dito eh. Maging labasan ng gigil ng bestfriend ko habang kinikilig siya sa mga boylet niya.
Ang kalalabasan, para nakong stressball na pinupuno ng kurot. But the sexy one though ;)

"Gee T.T Okay lang magpalate ka every ceremony, kahit araw-arawin mo na. Kung ganitong gandang-lalake ang tatambad sakin' twing ceremomy, hinding-hindi na ko magkakamalin sugbatan ka uli."

Ghaad. Eto na nga bang sinasabi ko sa pagiging Ms. Punctual niya. Kala mo naman upuan talaga ang habol ayun pala't yung makakatabi niya sa upuan ang inaalala. Kahit kailan -_-

"Like what I said Ze. Patience is a virtue. Kaya't maghintay ka dyan at sasapakin talaga kita 'pag di kapa tumigil." At umaksyong sasapakin talaga siya.


Buti naman at nagmenor na ang kalandian ni Mudra.

Hindi ko alam kung nagbubulag-bulagan siya o sadyang hindi niya talaga marinig si Azi. He seems cool with it. Para ngang hindi niya pinapansin si Aze eh. Nakahalukipkip lang siya habang seryosong nakatutok ang mga mata sa stage.

Hindi pa rin natapos ang performance ng cheerleading team. Parang lahat ng routine na napractice nila last school year ay ipinamalas nila ngayon. Pero nang nakita ko ang bonggang pagbuo nila ng pyramid, inisip kong pang finale na nila yaon.

Si Ingrid pa ang nasa pinakatuktok ng pyramid which makes her stand-out. Pero gaya ng isang bituin, hindi maaalis ang posibilidad na pwede siyang mahulog sa estado niyang 'yan kahit na pansin mong bihasa na siya sa mga routine. Magmimistulan siyang falling star kung ganon.

Kahit na pasekreto kong ninanais na sana ay mahulog na talaga siya ng tuluyan ay natatakot parin ako para sa kanya. Kahit papano dahil sa kanya ay nagkaroon ako ng maagang exposure sa univ. Posible pa ngang dahil sa kanya ay sisikat ako ng tuluyan. In a bad way though.

Ayan na't pababa na sila at akmang bubuwagin na ang nabuong pyramid ng nangyari ang kanina ko pang kinatatakutan. Natalisod si Ingrid nang pababa na siya mula sa bumubuwag na pyramid. Napansin ng lahat ang nangyari at hinintay na lang ang malaking tunog ng pagbagsak.

1...2...3

Huh? Bakit walang dumating?

Ah este, buti nalang at nasalo siya ng isang ka-crew niyang napansin ang nangyari. Buti nalang bilis ng reflexes niya. Kung wala, patay kang bata ka!

Until It Began AgainWhere stories live. Discover now