Chapter 7

103 2 1
                                    


**Riiiing**

**Riiiing**

Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock sa aking uluhan. Pinatay ko ito at nagsimula ng magunat-unat. I wouldn't want to go back to sleep again. Baka ma late na naman ako.

Tinanaw ko muna ang mga naghuhunihang ibon sa labas ng aking sliding door patungong balcony. May balcony kasi ako sa kwarto kong di naman kalakihan. Nakapatong lang sila sa terrace at masayang sinasagot ang huni ng bawat isa.

Pagkatapos ng ilang sandali, tuluyan na akong tumayo at naghahanda ng bumaba palabas. Ng pipihitin ko na sana ang knob ng aking pintuan ay nabigla nalang ako nang bumukas ito mag-isa.

Bumungad saakin ang isang bagong gising na si Gavin ngunit halatang-halata ang excitement sa kanyang mga mata.

"Ate Gwennyyy! Mom said na I could come to the party. Yeeyy. Makakapagbihis na rin si Gavin ng maganda!"

The view of my little brother jumping in excitement made my day. He really affects me in every way.

Nginitian ko siya pabalik at akmang bubuhatin siya.

"Talaga Baby? Yiiee. Ate is so proud of you. Ali ka nga dito. Hug ka lang ni ate."

Dali-dali siyang humakbang patungo saaking mga bisig at binuhat ko na. Natuwa naman siya sa aking ginawa dahilan ng kanyang pagtawa.

"Be Ate's date sa party ha? Kawawa naman si Ate kapag pumunta ako doong walang kasama." Pa-bata kong tanong sa kanya sabay pout pa.

"Of course ate. A princess like you deserves a date like me."

Pinagbangga niya pa ang aming mga ilong at hinagod-hagod sa bawat isa. Namula ako sa ginawa at sinabi ng kapatid that was unexpected from a little boy like him. I don't expect that he's capable of bringing my heart into a bounce.

"Awwee. How sweet of you, my Prince."

Hinalikan ko siya sa noo dahilan ng kanyang pagyuko.

"Ate, you will surely be a head-turner sa party. Everybody wants to gain your attention na. Especially sneaky boys, they will surely do Hokage on you. Promise me you will only pin your eyes on me okay?"

Hahahaha. Napatawa ako sa pinagsasabi ng kapatid ko, lalo na't seryosong-seryoso pa talaga siya.

Teka lang. San niya ba nakuha 'yang mga katagang 'yan?

"Hahaha. Yes Baby. Ate hates Hokage boys. You don't need to be intimidated."

Naglalambingan kami ng kapatid ko nang bigla kong nasipatan si Daddy na pababa na rin ng hagdanan.

Binigyan niya ako ng isang matalim na tingin kaya't napatitig na rin ako sa kanya. Binalot kami ng mabigat na tensyon ngunit hindi ako nagpatinag dahil hanggang ngayon at dala-dala ko pa si Gavin.

"Buti pa ang kapatid mo excited pumunta sa party. Mahiya ka Gwyneth Olivia." Cold niyang sabi saakin na tumusok saaking dibdib. Iba talaga pag si nanggaling sa bibig ni Dad.

"I'm going Dad. And I'm excited too. I guess..."

Cold at nanginginig kong reply sa kanya. Hininaan ko ang huling statement ko. I hope he didn't heard that.

Hindi parin siya nagpatinag sa kanyang titig kaya't napalingon narin si Gavin sa kanya na nagtataka sa nangyayari.

"Mabuti naman at naliwanagan ka na Gwyneth. You should be aware that you're already grown up and yet wala ka pang naaabot until now. I' m expecting a lot from you, lady. I plead you don't disappoint me."

Until It Began AgainWhere stories live. Discover now