TWO

108 5 4
                                    

[JISOO POV]

Kahit anong gawin ko, hindi ko maalis ang panyo na pumupuwing ngayon sa mata ko.

"Wag kang mag alala. Mahal ka nun" sambit ni Calvin kasabay ng malakas at nakakalokong pagtawa.

"Manahimik ka Calvin!" sigaw ko.

Bigla nya namang hinila ang buhok ko "Wag mo kong sisigawan!" sambit nya sa tenga ko saka ako binitawan.

Hindi ko akalaing aabot sa ganto ang sitwasyon namin nila Calvin. Masyado na syang kinain ng selos at inggit. Alam kong mahal na mahal nya si Veronica pero bakit umabot sa puntong gusto nya itong ipapatay, at hindi lang yun, kay Jin nya pa ito pinapagawa.

Narinig ko ang ringtone ng cellphone, hudyat na may text message.

"Ambilis ni lover boy ah, basta para sa minamahal gagawin ang lahat" pilosopo nyang sambit matapos basahin ang text na alam kong galing kay Jin.

Seryoso ba talaga si Jin? Papatayin nya si Veronica para lang sakin. Sa totoo lang hindi nakakatuwa.

Inaamin ko may hindi kami pagkakaintindihan ni Veronica. Pero hindi ibigsabihin na gusto ko rin syang mamatay. Ano bang binabalak ni Calvin?

Alam kong hindi tutuparin ni Calvin ang pangako nya kay Jin na ibabalik ako sa kanya. Hindi nya ako maiisahan.

Kaya lang naman napasubo si Jin sa paen ni Calvin dahil hawak nya ako. Pero kung makakatakas ako dito, pwede ko pang maligtas ang buhay ni Jin at Veronica, lalong lalo na ng buhay ko.

Kaya naman ang nakataling kamay ko sa likod ay pinilit kong igalaw para makuha ang lip tint ko sa bulsa.

Nang maabot ko na ang lip tint ay kinapa ko ang bukasan neto saka binuksan at tinapon ang tint sa may sahig, tutal dito ako naka upo sa sahig kaya magiging madali nalang ang lahat.

Pagtapos nun, kumuha ako ng tsempo para makaatras ng konti para maupuan ko yung liptint na tinapon ko. Para magkaroon ng mantsa ang pwetan ko na magsisilbi kong alibay na kunware may buwan ng dalaw ako.

Nang matapos ang ginawa ko, agad akong kumilos kilos para maagaw ang atensyon nila.

"Calvin"  tawag ko at tumono ako na parang nahihirapan.

"Bakit?" inis nyang tanong.

"Kailangan kong mag cr" sabi ko.

"Sa dami ba naman ng palusot mo Jisoo, eto pa. Ano ba, masyado ng mabenta yang paraan na yan para makatakas" natatawa nyang sabi..

"Hindi ako naiihi, meron ako" sambit ko.

"Ha? Meron? Alin?" antanga naman neto, kala mo di nag ka girlfriend.

"RED TIDE!" sigaw ko para mas maintindihan nya.

"Ahh okay" sabi lang nya. Ang slow talaga neto!

"KAILANGAN KO NG NAPKIN! MAY TAGOS NA AKO!" sigaw ko sa kanya.

"May red tide ka? Tingin nga?" saka ko narinig ang yabag nya papunta sakin.

"Yuck, kadiri naman yan." ang arte "Hoy Gunner bilhan mo nga to ng napkin" utos nya.

"Huh? Bakit ako?"

"Eh sino pa? Ako?"

[Author POV]

Wala namang nagawa ni Gunner kundi ang ibulsa ang cellphone nya at lumabas ng pinto.

Makalipas ng ilang minuto ay nakabalik na ito bitbit ang plastic bag na puno ng napkin.

"Nakabili na ako" sambit nya saka hinagis ang plastic bag kay Calvin.

JIN: Rain (One Shot)Where stories live. Discover now