Chapter 1

10 2 0
                                    

Alas syete na ng gabi pero andito parin ako sa labas ng school at inaantay ko yung kaibigan ko. Dalawang oras na kong nag aantay pero mukang wala naman akong inaantay.
Napatingin ako sa isang direksyon na may dalawang naglalakad, isang lalaki at isang babae. Hindi ako tanga para hindi ko sya makilala. Si Edward, at hindi ako pwedeng magkamali. Napatingin sya sa gawi ko pero binalingan agad ang kasama nyang babae. Naglakad sila hanggang sa nawala na sila sa paningin ko.

Tumayo na rin ako sa kinauupuan ko at umuwi na. Pagdating na pagdating ko sa bahay nakita ko sila Mommy at Daddy na nag uusap at malamang ang pinag uusapan nila ang ang pag-alis namin dito sa bansa. Niyakap ko silang dalawa bago ako dumiretso sa kwarto ko. Pagkahiga ko palang umiyak na ko ng umiyak, umiyak sa kadahilanang wala talaga kong lugar sa buhay nya at hinding hindi ko makukuha ang gusto ko. Kaibigan nya ko pero ni minsan hindi nya inintindi ang nararandaman ko.

Flashback..

Nagtext sakin si Edward.

From: Edward
Lady, antayin mo ko sa labas ng school ah. Mga 5PM. Libre kita sa McDo.

To: Edward
Ah oh sige basta libre mo talaga ko ha.

From: Edward
Oo naman, promise yan.

Hindi ko na sya nireplyan dahil baka mahuli ako ng teacher namin na gumagamit ako ng cellohone.
Sana ngayon matupad na nya promise nya at hindi ako umaasa na naman. Sana bigyan nya ko ng dahilan para mag stay pa.
Saktong alas singko na ng hapon at nag dismiss na ang teacher namin. Nagmadali akong ayusin ang gamit ko at lumabas ng room para dumiretso sa waiting shed dito sa labas ng school.

End of Flashback.

Nakatingin ako sa phone ko ng bigla kong naisip itext si Edward.

To: Edward
Pinaasa mo na naman ako kagay ng lagi mong ginagawa.

Ilang minuto ang lumipas at nagreply sya.

From: Edward
Sorry Lady, sinagot na kasi ako ni Leslie at dahil sa sobrang saya ko inalok ko syang ihahatid ko sya sa bahay nila. Sorry talaga Lady. Punta ko dyan sa inyo ngayon.

Nagreply ako ng mabasa ko ang text nya. Lalo akong umiyak sa mga oras na to dahil sobrang sakit. Alam nyang may gusto ako sa kanya matagal na pero wala eh, kaibigan lang talaga kaya di nya napapansin yung sakit na nararamdaman ko.

To: Edward
Huwag na Edward, okay lang pati dahil sanay na ko. Congrats nga pala sa inyong dalawa. Finally sinagot ka na ni Leslie :)

Hindi na nagreply si Edward pero bigla syang tumawag at agad ko naman yung sinagot.

"Labas ka" sabi nya

"Sige wait lang" sabi ko na hindi natatakot na mahalata nya ang mata ko na mugtong mugto kakaiyak.

Binaba nya narin ang tawag ng makita na nya ko palapit sa kinatatayuan nya.

"Sorry Lady" sabi nya sabay yakap sakin.
(Wala naman ng magagawa yung sorry mo Edward, hindi nga ako nagkamali at hindi mo talaga ko bibigyan ng dahilan para mag stay pa.)

Yumakap din ako pabalik.

"Ayos lang Edward, alam ko namang mas mahalaga si Leslie kesa sakin" sabi ko

"Huwag mong sabihin yan Lady, pantay lang kayo ni Leslie para sakin. Pareho kayong mahalaga. Kaibigan kita kaya mahal kita." Sabi nya

Napangiti ako at bumitaw sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Oo alam kong kaibigan lang ako kaya nga hindi ako naghahangad ng sobra eh" sabi ko ng pilit nilalagyan ng ngiti ang akin mga labi

"Alam kong nasasaktan kita dahil hindi ko masuklian ang pagmamagal na binibigay at pinaparamdam mo sakin" sabi nya

"Basta masaya ko para sayo. Sapat na siguro ang mga panahong ako ang nasa tabi mo" sabi ko

"Anong ibig mong sabihin ?" Tanong nya ng may pagtataka sa mga mata.

"Ilang beses ko na din tong pinag isipan Edward, sasama na ko kanila Mommy papuntang Canada. Huwag kang mag alala, hindi ako aalis dahil galit ako, aalis ako dahil masyadong maliit ang lugar na to para samahan ka pa habang kaya mo namang sumaya na sa iba. Tanggao ko na Edward, hanggang kaibigan lang ako para sayo" sabi ko.

Magsasalita pa sana sya pero niyakap ko na sya (ang huling yakap) at sinabing...

"Aalis ba kami bukas, matagal ko ng naayos ang mga papers ko sa school. Mag iingat ka dito. Mahal kita Edward, Mahal na mahal na mahal kita kahit may ibang mahal yang puso mo. Mahal kita kahit sa kanya ka masaya. Mahal kita kahit iba yung mahal mo. Salamat sa lahat Edward." Mahabang sabi ko habang umiiyak.

Tumalikod na ko sa kanya at pumasok na sa loob ng bahay namin.

"Buo na ang desisyon ko, magiging masaya na lang ako para sa kanya" sabi ko sa sarili ko.

Kinabukasan nga ay umalis na kami papuntang Canada. Malungkot at masakit na iwanan sya pero mas masakit kung magbubulag bulagan ako at pipiliting maging masaya habang nakikitang hawak sya ng iba.



Abangan ang susunod na kabanata hahaha.

Yung ramdam mo sa sarili mong umaasa kang mamahalin ka nya gaya ng pagmamahal mo sa kanya kahit na alam mong hanggang asa ka na lang talaga.

Hello sa mga na friendzone dyan, ingiti ang sakit na nararamdaman. Madami pang iba dyan :)

Realtak, umiiyak ako habang ginagawa ang story na to, di ko naman ranas pero masakit lang talaga hahaha 😂

LadyMM16 :*

Friendzone Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon