Chapter 2

2 2 0
                                    

Title: Friendzone

Chapter 2

Ilang buwan na rin kami nila Daddy dito sa Canada at masasabi kong nasasanay na rin ako. Kaya lang isang bagay lang ang hindi ko magawa, ang mag move on na sa kanya. Parang hanggang dito ay sinusundan ako ng presensya nya. Sa totoo lang kinukulit nya parin ako sa chat, kesyo nami miss nya na daw ako, dapat daw hindi na lang ako umalis at ang matindi pa dun nakipaghiwalay din pala agad sa kanya yung Leslie at sinabing ayaw na daw nya agad kay Edward. Pero hindi ko rin alam kung yun talaga ang dahilan ni Leslie eh.

Naayos na nila Mommy yung mga papers ko sa school dito kaya nakakapag aral na din ako. And guess what inihanap talaga nila ko ng Filipino school dito dahil tamad daw ako makipag englishan sa mga foreigners hahaha. Cool Parents .
Bumangon na ko ng higaan at ginawa ang morning routine ko.

Pagbaba ko nakita ko agad sila Mommy kaya binati ko agad sila at niyakap.

"Good Morning Mom and Dad" sabi ko sabay hug

"Good Morning Anak" si Dad

"Good Morning Baby, halika na kain na ng breakfast" sabi ni Mommy

Tumango ako at lumapit na sa hapag kainan.

"Anak, aalis nga pala kami ng Daddy mo this coming Friday ha, out of the country kaya medyo hassle kung isasama ka pa namin" sabi nya

"Okay lang po Mommy, basta mag ingat kayo sa pupuntahan nyo ha" sabi ko

"Oo anak mag iingat kami" sabi ni Daddy

Nagkwentuhan lang kami ng konti ng parents ko habang kumakain at pagkatapos nagpahatid na ko sa driver namin papuntang school.

Sa school.

Si Ellie agad nakita ko, sya ang unang una kong nakilala ko dito dahil napakadaldal nya.

"Good Morning Miss Lady" bati nya sakin

Aba't napakagalang naman ng lalaking to ngayon hahaha.

"Oh Good Morning din Mr. Ellie" pormal kong sabi

"Hahaha parang ngayon lang tayo nagkakilala kung magbatian tayo ng pormal ah" sabi nya

"Haha baliw ka kasi eh, sinimulan mo" natatawa kong sabi

"Haha oo na po, tara na pasok na tayo sa room" yaya nya sakin

"Oh sige sige" sabi ko at pumasok na kami sa room.

"Aaaayiiiieeee" classmate 1

"Sabay na naman silang pumasok" classmate 2

"Siguro may relasyon sila, ang sweet nila tingnan eh" classmate 3

Mga ilang komento ng nga classmates ko nung pumasok kami ni Ellie dito sa room.

"Ay naku ayan na naman sila" sabi ko

"Haha yaan mo na mga kinikilig lang yan satin" sabi nya

"Luh eh wala naman kayang nakakakilig satin" sabi ko

"Haha ewan ko ba sa mga yan" sabi nya na tatawa tawa pa

Natigilan kami sa pag uusap dahil dumating na ang Teacher namin.

"Good Morning class, may new classmate kayo" sabi nya sabay tawag dun sa sinasabi nyang bago naming classmate.

Nagulat ako ng.....










Haha sino nga ba ang bago nilang classmate at gulat na gulat si Lady ? Abangan sa susunod na kabanata hahaha.

LadyMM16 :*

Friendzone Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon