Trolling You
°°°°°°°°°°°°°°°°
Sarah's POV
"Ano ba, Jongdae?! May ginagawa ako oh!" sigaw ko sa taong gumuhulo lagi sa buhay ko =___=
"Alam ko, may mata kasi ako." matawa-tawa niyang sagot. Bwisit. Paano ba naman kasi ako matatapos sa pesteng project na 'to kung guguluhin niya ako lagi?
Naiirita na nga ako sa bwisit na Jongdae na 'to, naiirita pa ako sa pesteng project na 'to. Uwian kasi 'to kailangang ipasa eh. Eh halos wala pa sa kalahati yung nagagawa ko. Nakakainis :(
Sabi kasi ni Jongdae na kailangan ng ipasa 'to at siya daw ang ko'kolekta. Siya nga walang ginagawa eh. PA'EASY EASY. Palibhasa nadadala niya sa charms yung teacher namin na 20 years old. Psh. Pathetic.
*KRIING*
"Ano ba! Hindi ko pa natatapos oh." pagmamaktol ko. Nakakainis naman eh.
"Ayos lang yan. Wala namang ganyang pinapagawa si Ms. eh. Pinapagod mo lang sarili mo." sabi niya na may mapanuksong ngiti sa labi.
"A-ano?! Pero, sabi mo kan--- JONGDAEE! HUTAHAMNIDA KA!" sigaw ko. Nakakainis. Pinagod ko pa yung sarili ko. Huta ka.
Banaaaaaas! Anak ng! Hmp! Ang sarap mag mura! Jonginang yan! Padabog akong nagayos ng gamit ko at lumabas sa room ng padabog din. Binangga ko pa si Chen dahil sa ginawa niya. Pupunta nalang akong garden. May swing dun. Gusto ko nun. Pampatanggal stress.
Naglalakad ako ng tahimik ng biglang may nakabangga akong matigas na bagay. Tao siya oo. Tinignan ko kung sino at si Chen na nakangiti ng todo ang bumungad sakin. Nilagpasan ko siya at nagtuloy sa paglalakad.
*dugdugdugdug*
Wag ka munang magwala. Galit pa ako sa kanya.
Bahala siya dyan. Halos mamatay na ako kakagawa nung project na yun eh. Para fair. Mamatay din siya kakahabol sakin.
"Sorry na oh." ngiting malapad ang pinakita niya sakin ng maiharap niya ako sa kanya. "Please?" mas lalong lumapad yung ngiti niya. Napatingin ako sa mata niya at para siyang tanga na nakatingin din sa mata ko. Naglihis ako ng tungin at tumango. Bakit ba ganun? Sa isang ngiti niya lang, nadadala na ako. Dahil ba sa cheekbones niya? Psh. We have the same cheekbones though.
"Yeeey! Tara sa swing. Dalii!" parang bata niyang sabi. Ang cute niya kaya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at natawa na ako. Hahaha. Natigilan naman ako bigla ng tigilan din siya. Parang may nakita siyang ewan. "Anyare sayo?" matawa-tawa kong tanong.
Hinila ko na siya papuntang swing dahil hindi na siya gumalaw. Nawalan ata ng malay pero nakadilat XD okay, korniiii.
Umupo kaming dalawa sa swings ng walang umiimik.
"Anong nangyari sayo?" panimula ko. Its so quiet. So not used to it pag siya ang kasama ko. Umiling naman siya bigla. Ayy! Ano?! Napipi?! Lumapit ako sakanya at tinapat ang mukha ko sa mukha niya. Pero hindi malapit. Nakatingin siya sa mata ko at ngumiti naman ako sa kanya.
"Sarah...." kinabahan ako bigla kasi for the first time, he sounded so serious. "A-ano?" he blinked his eyes three times and said..... "Ang..... ang panget ng mata mo. Hahahaha XD"
Kakatawa niya, binatukan ko siya ng malakas. "Araaaaaay!" buti nga! Dinilaan ko siya at tyaka naglaro sa swing. Ansayaa. Ang sarap sa pakiramdam. Lasang taste. Oo, may ganung lasa, hindi niyo lang nalalasahan.
![](https://img.wattpad.com/cover/11592909-288-k929914.jpg)