Runaway 3.

76 32 0
                                    

Sabaw update. Belated happy birthday kyunsoo-ya~ Atsaka kay Kai Advance happy birthday~ I love you Kaisoo :*

Sykee's POV

Natatawa padin ako sa tuwing naaalala ko yung itsura ni Ciara kanina.

That was so epic!

Priceless reaction hahahaha.

Hindi ko talaga mapigilang tumawa.

Sa totoo lang, wala naman akong balak na halikan sya. I just did it to stop her. So I have no choice but to kiss her, ayaw ko namang matadyakan nya no. Atsaka kailangan kong umakto na kami talaga.

Wala lang. Ang sarap nya kasing inisin.

Napatigil lang ako sa pagtawa ng may tumamang unan sa gwapo kong mukha, napaupo tuloy ako galing sa pagkakahiga.

Napalingon ako sakanya at nakita si Ciara sa tapat ng pinto. Ang sama sama ng tingin nya sakin at parang gusto akong patayin sa titig nya.

Napangisi naman agad ako at biglang naalala ko lahat yung nangyare kanina.

*Flashback

Pagkasabi nya sakin ng pangalan nya napangiti ako bigla. Ewan ko ba.

'Ciaraleen Villafuente'

Nice name for a lady like her.

Bubuksan ko na sana ang pinto at papasok kaso narinig ko silang may pinag uusapan.

"Anong meron?" pabalang na tanong ni Ciara.

Iba talaga tong babaeng to.

"Nasaan na yung boyfriend mo?" seryosong tanong ng lalaki pero hindi ko kilala.

Kuya nya siguro? Maybe.

Teka lang...

May nabubuong kalokohan sa utak ko.
Napa evil grin ako ng may maisip.

Ako diba yung tinutukoy nilang boyfriend ni Ciara?

Napangisi ako habang papasok sa loob. Tuloy tuloy lang ako at inakbayan agad si Ciara kaya hindi nya natuloy yung sasabihin nya.

Dahil gustong gusto ko talagang asarin sya. Isasagad ko na.

Pagkaakbay ko sakanya kinuha ko agad yung kamay nya at pinagsalikop ito.

Naramdaman ko namang naestatwa sya sa kinatatayuan nya at nakatitig lang sakin.

Gustong gusto ko ng tumawa pero pinigilan ko kasi baka hindi magmukhang seryoso yung palabas na ginawa ko.

"I'm Sykee Elizalde. Ciaraleen Villafuente is my lady. My girlfriend. I am pleased to meet you." tumingin ako sakanya sabay kindat at matamis na ngumiti. Aba dapat lang na matuwa sya ha! Ngayon lang ako nagpapakasweet sa babae hahahah.

Napangito ako ng sobra ng makitang napatitog sya sakin.

Pero sa totoo lang gustong gusto ko na talaga tumawa 😂

Napatingin naman ako sa mga nasa harap namin at parang tuwang tuwa ata sa sinabi ko.

Bakit parang ang saya ata nilang may boyfriend si Ciara? Pero nung mapatingin ako sa isa nyang kapatid na lalaki ang sama ng tingin sakin. Inalis ko nalang yung tingin ko.

Nakakatakot.

"Sabi sayo ma e! Boyfriend nya yan. Ang gwapo diba?" kinikilig na sabi ng ate nya. Napangiti ako sa compliment na sinabi sakin. Ang gwapo ko talaga. Walang duda.

"Nice ara! Saan mo naman nabingwit tong gwapings na to? Swerte a!" makulit na tanong nung isa pang lalaking kapatid nya.

Ara? Nickname siguro nya.

Runaway Prince | o.shTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon