Authors note: Hello! Sa lahat ng mga may Bestfriend dyan na lalake at babae, Natanong nyo na ba sa sarili nyo kung Hanggang bestfriend nalang? SHARE||VOTE||FOLLOW Thanks!
--
Alison's POV
Hanggang Bestfriend nalang ba?
Lagi ko nalang yan natatanong sa sarili ko, Asa pa kong magkakagusto saken ang Childhood Bestfriend kong si Sean.
Alam mo bang bata palang tayo Crush na kita?
Dagdag ko pa. Ayus lang na kausapin ko ang sarili ko, Normal yun sa tao at wala namang tao sa paligid ko ngayon. Andito kasi ako sa Tagpuan namin ng Bestfriend ko. Halos lumuwa na nga yung mata ko kakaintay sakanya.
Alison!'' Hay sa wakas andyan na rin.
Tagal mo'' Sabay hampas ng bahagya sakanya, tumawa naman sya
Sorry Boy, Hinatid ko pa si Jenny e.'
Ahhh.' Nalungkot naman ako bigla, ang dahilan pala kaya ang tagal at pinaantay nya ko dito ay dahil sa Girlfriend nyang si Jenny.
Minsan di ko maiwasang mainggit kay jenny, Maganda, mabait, sikat, at matalino kasi sya, anlaki ng lamang nya kumpara saken, yun na rin ang dahilan kung bakit di ko magawang magtapat kay sean, kasi yun ang tipo nyang babae habang ako, malayo sa gugustuhin nya.
Bata palang ako kaibigan ko na yan si sean, nakilala ko sya sa public park kung san palagi akong napunta tuwing alas4 ng hapon, maraming mga bata na naglalaro dun ng sama-sama at natyambahan ko si sean at sa lahat ng mga kalaro at kababata ko sya ang tumagal na in-touch saken.
Ang masakit kasi sa reality, yung mga tao na kasama mo sa pagkabata umaalis, kung di nagbabago ng kaibigan, umaalis sa lugar nyo, yung iba naman sadyang nagkulong nalang sa bahay, yan ang reality pag lumalaki na. At minsan nakakalungkot sariwain yung mga lugar na napakarami mong ala-ala.
Swerte ako kasi di ako iniwan ni sean, minsan nga napagkakamalang kame kasi ang sweet daw namen, Normal lang yun sa magbestfriend diba? kasi komportable na kayo sa isa't isa. Pero minsan naiisip ko sana KAME na nga lang. Na Imposibleng mangyari.
San mo balak magaral boy?' Tanong nya saken.
Hmmmmm.. Ewan ! Basta malayo sayo!' Pabiro kong sabi at ginulo naman nya yun buhok ko.
Ano ba yan?! Alam mo na kung gaano kahirap suklayin to?'
Hindi! Kaya nga ginulo ko e! HAHAHAHAHHAHAHAHA' Tapos di na sya magkamayaw sa kakatawa. Yan ang gawain namen, Lagi lang kaming nasa tagpuan, nagkwekwentuhan, kumakain, Natutulog :3
Ako dito parin saten, marami namang University dyan sa malapit.' Sabi nya.
Tama,'
Seryoso, Ikaw? Nabanggit saken ng nanay mo dadalhin ka daw sa america.' Nasamid ako bigla, umiinom kasi ako ng juice. Pano nya nalaman? wala nga akong balak sabihin sakanya yun e.
Talaga? Maganda yun!' Nagmaang-maangan nalang ako.
Iiwan mo ko dito alison?' Malungkot nyang sabi.
Ano ka ba? Nung elementary magkaIskwela tayo, ngayong high school nakiusap ka pa para maging magkaklase tayo. Di ka pa ba nagsawa sa mukhang to?' Saby turo ko sa sarili ko na agad naman nyang hinawi at hinawakan.
Syempre bestfriend kita, Di kita pagsasawaan' Ngumiti sya, Ayie hinawakan nya ang kamay ko! pero sabi ko nga normal lang samen yan HAHAHA.
Agad ko namang tinaggal ang kamay nya. ''Pwes ako sawang sawa na! Siguro eto na yung stage ng buhay natin na makakilala ng ibang kaibigan'' Pagkasabi ko nun Nagbago ako reaksyon ng mukha nya. ''Di nga kita ipagpapalit. Khit dumating pa ang ibang ''KAIBIGAN'' dyan sayo parin ako babalik''
Natawa ako. ''Diba dapat ako ang nasabi ng BABALIK? Ako ang aalis saten e!''
''Wag ka ng umalis please?'' Natahimik ako at napangiti nalang. ''Boy, Kahit ayaw ko kailangan.''
''Bakit kailangan mo pang pumunta dun? Punyetang America yan.''
''Andun si papa remember? Tyaka gusto ko na rin maging independent'' Sabay tayo ko.
''Siao mister'' Nagsalute ako sabay takbo. iniwan ko sya dun magisa. di ko na kasi kayang sagutin pa ang mga tinatanong ni sean e, baka bumigay pa ako at masabi ko sakanya yung secret, lam nyo na yun!
Dumaan ang mga araw.. Normal na araw lang..
''Alison! Alison!''
''Baket sean?''
''Pasok ako ! may scholarship na ko!''
''TALAGA?'' Natuwa ako kasi nakapasok sya sa gusto nyang university at scholar pa sya,
Sa sobrang galak namen nagyakapan kame at nagtatatalon habang nakangiti.
''Parang ang saya nyo masyado a.. Kayo na ba?'' Bigla kaming kumalas sa pagkakayakap at inayos namin ang sarili namin ng marinig namen ang boses ni mama.
''Mama naman'' Mahiya hiya kong sabi. Si mama talaga !
''Ta, pasok ako sa university na binanggit ko sayo nung isang araw! at scholar po ako!'' Close sila ni mama. syempre bestfriend ko e.
''Talaga sean? Naku sabi na e! ikaw pa!''
''Eh ikaw boy? Sang university ka?'' Tanong nya tapos magsasalita na sana ako ng sumingit si mama. ''Nako yan? Dba nasabi ko na sayo? Tuloy yan sa America.''Napatingin ako kay mama.''Ganun po ba. Akala ko magbabago pa ang plano.'' Natahimik saglit. ''Sige Alison, Ta alis na ko.'' Tapos naglakad na sya paalis.
Isang linggo nalang yung pamamalagi namin sa school kaya sinulit ko na, Nilibot ko yung buong area , Tinambayan yung tambayan namen, binasa yung mga vandal namen sa likod ng high class building, kinausap yung mga canteeners at guard, at nakisama sa mga kaklase.
Balak pa nga ng buong batch na magkaroon ng outing kaso di ako makakasama, sunod na araw pagnatapos ang graduation namen lipat na ko papuntang america, Nakakalungkot kasi sa parte ko di ako makakasama, di ko rin alam kung hanggang kelan ako sa ibang bansa ..
Di ko parin nasasabi kay Sean, na Crush ko sya. Di na nga ata to crush e. Mahal ko na ata sya.
-
''Boy ok lang yan'' Hinihimas ko ang likod nya habang naiiyak sya at nakatungo.
''Bakit ngayon pa. Sana di nalang pala sya...'' Kakabreak nya lang kay jenny. siguro naka 4 na syang girlfriend, pero lahat yun sa tingin ko serious at tumagal.. palagi nalang syang binebreak sa hindi nya masabing dahilan. minsan nga natanong ko kung bakla sya, at alam nyo ang sunod na ginawa nya? Kiniss nya ko! oo Kiniss nya ko! SA CHEEKS.
''Tanong mo pa saken nyan sa bibig na kita hahalikan'' Kaya simula nun hindi ko na tinanong.
niyakap nya ko bigla. ''Sana ikaw nalang pala boy, ikaw di mo ko sasaktan..'' Hinimas ko ang likod nya. ''Tama na.. Marami pang iba dyan.'' Gusto kong sabihin na.. SANA AKO NALANG TALAGA kaso di ko kaya :(
BINABASA MO ANG
I FELL INLOVE WITH MY BESTFRIEND (OneShotStory)
Teen Fiction''BESTFRIEND. Yung taong para na kayong magsyota kahit hindi. Kompartable na sa isatisa. Sandalan ng problema, Kasama sa kalokohan. pero minsan, Nililihiman ng nararamdaman''-Lian.