[sensya na sa slow update busy kasi ako sa examinations namin. Tapos tinatamad na ko kasi walang gaanong readers.]
"Gusto kasi kita makabonding" ani ni Chezka at nagpout sa akin.
"Sige na nga! Basta maaga din ako uuwi ahh". PasigAw kong sagot.
"Yiee! Simula ngayon besties na tayo ahh!" Masayang sambit ni Chezka. Tumango na lamang ako at tumingin sa daan.
Pagdating namin sa bahay nila Chezka ay bumukas agad ang gate nilang malaki kahit walang nagbubukas. Pagkapasok ay ibinaba kami sa malaking pintuan ng bahay nila. Hindi ito pwedeng tawaging bahay dahil ito ay isang Mansion. Sa sobrang laki at tila pwede na gawing mall. Dumiretso kami sa isang kwarto.
"Ito ang kwarto ko, madalas lang ako dito at nagkukulong. Madalang ako lumabas ng kwarto dahil wala naman ako makakausap sa labas". Ani ni Chezka.
"Ehh ang kuya mo? Hindi ba kayo naguusap". Tanong ko sakanya.
"Madalang magstay si kuya sa mansion magdamag, maliban nalang kung grounded siya. Madalas ay nasa barkada niya siya". Aniya at nang may biglang kumatok.
"Handa na po ang hapunan Ms. Chezka". Sigaw ng isang babae na sigura ay isa sa mga maid nila.
"Sige po susunod na po,tara ba Chezka". Aniya
Tumango ako at sumunod sakanya. Pagdating namin sa dinning room nila ay mayroong malaking mesa ngunit dalawa lang kami kakain. Maya maya ay lumabas na ang mga maid at may dalang mga pagkain. Habang inaayos ay maybiglang dumating.
Si Tyler... naka cycling attire siya at nag dereretso sa papuntang kwarto ni Chezka.
"Hay nako! Saan nanaman kaya galing ang magaling kong kapatid at ginagabi sa pabababike". Ani ni Chezka.
"Biker ang Kuya mo?" Tanong ko.
"Oo. Mountain Biker, may club pa nga sila eh! Broccoli Mountain Bikers ata yun". Sagot naman niya. "Ahm Ven? Pwede mo bang pakitawag si kuya sa kwArto niya?" Paguutos niya at nag puppy eyes pa sakin.
"E-ehh b-bakit ako pa?" Nabulol ako sa sinabi niya
"Sige na! Tinatamad kasi ako eh". "Please!" At tinutulak papunta sa patungo sa kwarto niya."kasunod lang ng kwarto ko ang kwarto niya. Go!" At nakangiti niyang sambit.
"O-ok" tipid na sagot ko dahil sa kaba. Kinakabahan akong kausapin si Tyler dahil sa mga narinig ko tungkol sakanya. Teka Venice! Tatawagin mo lang naman siya. Hindi kayo magc-chat. Dumiretso na ako kung saan ang kwarto niya. Pagtapat ko sa pinto ng kwarto niya ay maynaririnig akong ingay.
"Rock en' roll!!!!!" Ingay na mula sa kwarto ni Tyler
Kumatok ako at tila walang naririnig. Kumatok ulit ako at ganun ulit ang nangyari. Wala na akong magagawa kundi ang magbarge-in sa kwarto niya. Pagpasok ko ay tumambad saakin si Tyler na nakatapis lang ng tuwalya at basa ang buhok. Napasigaw ako at lumabas ng kwarto. Dapat talaga hindi ako pumasok duon.
"Hoy! Wag ka nga sumigaw diyan! Baka akalain nila nirerape ka diyan". Aniya habang nakangisi.
"Ikaw Kasi!"
"Anong ako? Eh ikaw yung pumasok sa kwarto ko nang walang paalam."
"E-eh basta! Kakain na daw!" Sigay ko sakanya at tumakbo palayo. Pumunta na ako sa dinning room nila at tinabihan si Chezka.
"Kain na!" Aniya
Tumango ako at nagsimula na kumain. Habang kumakain ay biglang nagtanong si Chezka.
"Anong ginagawa ni kuya?"
Muntik na ako masamid at uminom ng tubig. "Kakapaligo lang niya nung pagpunta ko".
"Ahh". Aniya at biglang dumating si Tyler.
Sorry sa short update. Itutuloy
BINABASA MO ANG
"You will always be My First Kiss"
Teen FictionAng story na ito ay patungkol kay Venice C. Gonzales at kay Tyler Jay Morano, na kung saan ay magkakagusto si Venice kay Tyler na isa palang Playboy at womanizer