Chapter 5-Partners?

10 2 4
                                    

Pinaupo kami tapos ay hinintintay dumating ang principal. Dumating ang principal at agad na sinimulan ang pagpupulong. Sinabi niya kung ano ang gagawin at pagiisipan nila kung sino sino ang magkakapareha. Medyo matagal na natahimik.

"Ysabelle at Russle ang unang magkapares". Ani ng principal at inihayag ang iba pang pares.

"Venice Gonzales at Tyler". Sambit ng punong guro. Nagulat ako sa binanggit ng guro ngunit si Tyler ay nakangisi lang. Siguro nga ay wala lang sakanya toh kaya huwag bigyang malisiya.

Nangmatapos sabihin ang mga pare ay muling nagsalita ang punong guro.

"Tomorrow is the start of dance practice, 4:00 pm sa court" ani ng principal."Magusap na kayo ng partners nyo about sa attires nyo". Dagdag pa nito habang papalapit si Tyler saakin.

"Ako na bahala sa susuotin mo". Ani ni Tyler.

"Ha? Bakit ikaw? Pwede naman ako na lang". Tugon ko sakanya.

"Basta ako nalang. Wag ka makulit". Sambit niya at naglakad papalayo.

Hindi na ako nangulit pa at hinayaan nalang sa disesyon niya.

Nagpunta ako sa cafeteria at bumili ng pagkain. Habang naghahanap ako ng upuan ay naririnig kong nagbubulungan ang mga kapwa ko estudyante.

"Tsk, bakit pa siya sumali at bakit siya pinili ni Tyler. Samantalang Nerd at pangit naman." Sambit nung babaeng may mapulang labi. "Hindi siya bagay sa intrams parade, pangit na nerd pa" dugtong pa noong isang babae na kulot.

Pinilit ko huwag sila pakinggan ngunit hindi parin mawala sa isip ko na tama sila. Isa lamang akong hamak na nerd at pangit. Totoo rin kaya na si Tyler ang pumili saakin. Pagkatapos ko kumain ay tinignan ko na ang oras. Naku po malapit na pala para sa last period ko. Dali dali akong pumunta sa classroom at pagdating ko dun ay nakita ko kaagad si Chezka.

"Ven! Sino kapartner mo? Balita ko si Tyler? Tama ba ako?" Sunod sunod na tanong ni Chezka.

"Oo. Si Tyler partner ko sa Intrams parade. Siya na rin daw ang bahala sa damit ko." Sambit ko sakanya

"Edi ayos! Kasi sa bahay ka aayusan ng make-up artist ko. Mamaya pede ka ba mamaya after class?" Tanong ni Chezka.

"Oo naman. Bakit?"  Tanong ko.

"Basta! Sumama ka nalang sakin mamaya ahh" sambit niya.

After 15 minutes ay wala parin ang professor namin. Siguro ay Vacant nanaman namin. Kung parati ganito ay wala pa akong makikilalang kahit isa sa mga teacher ko.

"Vacant tayo. Tara". Ani ni Chezka sabay hatak sakin.

Nakarating kami sa parking lot ng school at mayroon dun Mercedes benz na kotse at pinapasok ako ni chezka roon. Pumasok narin si Chezka. Bumiyahe kami ng about 10 minutes at may hinintuab kami. Bumaba si Chezka kaya bumaba narin ako ng sasakyan. Talagang mayaman ang angkan ng mga Morano.

Huminto kami sa tapat ng Optical Clinic at pumasok si Chezka roon. Malabo narin kaya mata ni Chezka? Kaya sa narito.

"Chezka malabo na ba mata mo?" Tanong ko sakanya. 

"Shunga! di ako, ikaw". Sambit ni Chezka.

"Ha? Kapapalit ko pa lang ng salamin. Bago ang pasukan". Ani ko

"Papacontact lens ko yang salamin mo. Hindi ba bagay sa Intrams parade ang may salamin. Tsaka ang ganda mo lalo na pag alang salamin". Aniya.

"Chezka... Hindi mo naman kailangan gawin to eh". Sambit ko sakanya.

"Ano ka ba? Kaya ko ginagawa to. Para makilala ka sa buong campus. Hindi ko hahayaang masayang ang ganda at talino mo". Aniya. "Sa Ms. Campus isasali kita". Dagdag pa niya.

"Naku! Ayoko nga sumali sa Ms. Camp--". Di na natapos sasabihin ko ng nagsalita ang Secretary.

"Gonzales!" Tawag nito sa apilyido ko. Itong si Chezka talaga napalista na pala ako.

Pumasok na kami. Chineck ng doctor yung mata ko at sinabi niya na bukas makukuha na ang contact lens. Umalis narin kami duon at sumakay sa kotse.

"Sa bahay ka na mag dinner... Ihahatid nalang kita mamaya." Ani ni  Chezka sa akin.

"Wag na. Uuwi nalang ako sa bahay." Sambit ko

"No? N-O! Sa bahay nalang.. period. Gusto kita bonding" ani Chezka.

I
T
U
T
U
L
O
Y
.
.
.

"You will always be My First Kiss"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon