Chapter 5

26.3K 503 51
                                    

Chapter 5: With Ur Love

Papalakad na ako papalabas ng building nila nang nakita kong tumatakbo siya papunta sakin. Napangiti naman ako nung nakita ko sya.

"BEEESSS!!!!" sabay yakap sakin. "Namiss kita!!!" 


"Ako rin." sagot ko. Humiwalay naman siya sa yakap. Tapos lumungkot yung mukha niya. Baka alam na niya yung nangyari.

"Bes... Favor?" sabi niya. Teka... Hindi ba niya ako icocomfort? "Samahan mo naman ako dun sa resto nila Diego. May pinapakuha sakin si Dad." sabay pout. Haaay... kala ko naman alam na niya. Tamad lang pala.

"Ngayon na?" tanong ko. Tumango naman siya at hinila ako. "Teka! May klase pa ako!"

"Hayaan mo na yun! Matalino ka naman, kaya mo yun!" tapos sumakay na kami sa taxi papunta sa resto nila. Haaay.

 ***

Teka, bakit ang dilim dito? Sarado resto nila?

"Bakit sarado resto niyo?" tanong ko kay Julia.

"Ewan ko lang. Pasok na tayo bili." tapos hinila niya ako papasok. Madilim nga at walang tao. Scary. "Teka lang, pupunta lang ako sa office." bago pa ako maka-oo, umalis na siya. Ano ba yan, ang scary dito, madilim tapos ang lamig. Waaaa.

Tapos may narinig ako bigla. Yung tunog sa rooftop kahapon!!!

"There are times when I just want to look at your face
With the stars in the night
There are times when I just want to feel your embrace
In the cold night"


Teka... Boses niya yun ah. Don't tell me?

Biglang bumukas yung ilaw. Nakita ko siya. Natugtog ng gitara habang nakanta. So siya pala yung nasa rooftop kahapon.

"I just can't believe that you are mine now
You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with anything in this world
You're all I need to be here with forevermore"


Naiiyak na ako. Bakit ganito siya kasweet? Pinaglihi ba siya sa asukal? 

Tapos ang gwapo niya pa sa suot niya. Naka long sleeve polo shirt siya na kulay red. Tama na Dj, mamamatay na ako sa kilig!!!



"All those years, I've longed to hold you in my arms
I've been dreaming of you
Every night, I've been watching all the stars that fall down
Wishing you would be mine"    

Binitawan niya yung gitara niya pero nakanta parin siya, tapos papalapit na siya sakin habang may hawak na bouquet ng flowers.    

Nung nasa harap ko na siya, hinawakan niya ako sa kamay. Alam kong nanlalamig yung kamay ko dahil sa excitement? Kilig? Halo halong feelings.



"Time and again
There are these changes that we cannot end
As sure as time keeps going on and on
My love for you will be forevermore
Wishing you would be mine"

Kaya pala madilim 'tong resto nila ha. Nakakainis sila, hindi agad sinabi sakin. May alam pala sila dito ha! Julia at Diego, patay kayo sakin.

Nangungulila na ako kanina sa kakahanap sa unggoy na 'to, tapos meron palang ganito? Pakanta kanta na lang siya ah.

Still This Crazy Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon