Chapter 3

24.4K 466 50
                                    

Walang nanalo. Kaya... Random dedic ♥

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 3 : Tell me who’s that girl

Rewind. Wait. What happened?! Nabato na ata ako dito sa kinatatayuan ko. Nakatingin lang ako dun sa babaeng humalik sa boyfriend ko. Ni hindi ko sila nilapitan. Ni hindi ko manlang nasabunutan yung babae. Kundi… eto ako, tumakbo papunta sa CR?

Bakit ba napakaduwag ko?! Alam ko namang nagselos ako pero bakit hindi manlang ako sumugod dun?

Nilock ko yung pinto ng CR at umiyak. Umiyak ako nang umiyak. Bakit ba ganun? Bakit ganun ako!? Hindi niya naman kasalanan na naging sikat siya at gwapo siya. Ako ang may kasalanan dito eh. Mahal ko siya, may tiwala ako sakanya. Pero bakit hindi manlang ako nakalapit kanina? Ganun ba ako katanga?

Please tell me this is not happening.

***

Awasan na, di na ako nakapunta dun sa klase ko kanina. Eh kasi nawalan ako ng gana. Tapos puffy pa mata ko. Kaya di na ako tumuloy. Hayaan ng cutting.

“Kathryn?” napatingin ako sa likod ko. Si Khalil pala! “Bakit di ka na pumasok kanina?”

“Ah…” nag isip ako ng pwedeng ipalusot. “Uhm, sumakit kasi ulo ko eh.” gumana ka, maniwala ka.

“Ah ganun ba?” tanong niya. Nagnod naman ako. “Gusto mo hiramin mo tong notes ko?” sabay alok nya sakin ng notebook nya.

“Wag na, nakakahiya naman sayo.”

“Wag ka nang mahiya, sayo muna. Balik mo nalang bukas.” Sabi nya sakin sabay pahawak ng notebook nya.

Di na ako nakasagot kasi may nakita akong hindi kanais-nais.

Si Daniel, sinusundan nung babaeng humalik sa kanya kanina. Ano na naman ba? So hindi nya ako nakikita?

“Kilala mo yun?” ha? Napatingin ako kay Khalil na nagtanong sakin. Tinutukoy nya pala si Daniel at yung babae.

“Ah? Hinde.” Sagot ko agad.

Still This Crazy Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon