Chapter 14

1.6K 45 2
                                    

Chapter 14

IT'S not a normal date. It's not a normal date.

Hindi alam ni Charlize kung pang-ilang beses na niyang sinabi sa sarili iyon. Hanggang ngayong magkatabi sila sa service boat kasama ang ilang turista papunta sa karatig-bayan ay dinidikdik niya pa rin iyon sa utak niya.

Katunayan ay hindi siya nagdamit ng iba bukod sa maluwag na berdeng T-shirt, below the knee short pants at sneakers niya. Mukha namang okay lang iyon dito dahil ito rin naman ay simple lang ang damit—white shirt, maong pants at sapatos. Medyo na-disappoint siya nang makitang hindi sila pareho ng kulay ng damit.

Parang magkabarkada lang sila na nagkayayaang magkwek-kwek sa tabi-tabi.

Inayos niya ang army cap niya. Kanina niya pa itinatago ang mukha sa visor niyon. Malakas ang hangin at kumakalat sa mukha niya ang ilang hibla ng buhok niyang nakakawala sa tali niyon. Hindi siya makakilos para ayusin ang pagkakatali ng buhok dahil masikip sa bangka. Isa pa ay kanina pa tahimik si Kilua at tila estatwang nakaupo sa tabi niya. Ginaya niya na lang ito.

Pero kasi ang buhok niya...

"Are you alright?"

"Hindi. Malapit ko nang maputol ang buhok na ito." Isiniksik niya sa ilalim ng cap niya ang mga buhok niyang nagkalat. Maluwag lang ang pagkakatali ng buhok niya. Hindi niya naman kasi akalain na sasakay sila sa bangka at lalabas ng island.

"Let me help."

Bago pa siya makapagprotesta ay nahawakan na nito ang buhok niya. Inalis nito ang army cap niya sinuklay ng mahahabang daliri nito ang buhok niya palayo sa mukha niya.

Wala siyang magawa kundi ang mapatitig sa mukha nito habang inaayos ang buhok niya. Napakalapit ng mukha nito at tumatama sa mukha niya ang mabangong hininga nito. She could see his hazel eyes that is now greener in the brightness of the day, his perfectly sculptured nose, his spotless skin that looks smooth and his reddish lips that looks soft...

Bumaba ang tingin niya nang tumingin ito sa kanya. Ang pabango nitong gustong-gusto niyang singhutin noon ay bumabalot sa kanya.

He finished tying her hair. Kinuha nito ang sumbrero niya at isinaklob iyon sa ulo niya.

"Your hair is easy to manage. You shouldn't cut it." Inipit nito sa tenga niya ang ilang hibla na hindi inabot ng ponytail niya. He tipped her chin up using his fingers. "See?"

Ang gwapo nito sa liwanag. Lalo na ngayong nakangiti ito at nakatingin na parang sinasabing kanya lang ang magagandang pares ng mga matang iyon. Na parang tahimik na sinasabi nito na siya ang pinakamagandang nilalang na nakita nito...

Okay, medyo assuming na siya. Kung malalaman nito ang pinag-iisip niya ay baka pagtawanan siya nito.

At karaniwan ay hindi niya ginagamit ang 'maganda' sa sarili niya. Naging abnormal na siya ng tuluyan.

Nag-iinit ang mga pisnging nagbaling siya ng mukha at ibinaba ang visor niya.

"Thanks," mahinang sabi niya.

"Welcome."

And there's the awkward silence again. Nakuntento na lang siya sa pagsinghot ng bango nitong dinadala ng hangin. It's addicting.

Nang makadaong ang bangka ay saka niya nalaman na fiesta pala sa maliit na bayan na iyon. Ang ilang turistang kasabay nila ay doon din ang punta.

"Ang gwapo naman ng magkapatid na iyan. Kahit transgen iyong maliit."

The Rebel Slam Special Chapters: HASHTAG BLUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon