Chapter 12

1.5K 44 0
                                    

Chapter 12

"SINABI ko na. Nagtanong lang ng directions 'yong babae."

"With matching kiss sa cheeks? Tama 'yan. At teka, bakit ka ba nagpapaliwanag? Hinihingi ko ba ang paliwanag mo?"

"Eh, galit ka sa akin, eh."

"Lagi naman akong galit sa 'yo. May bago ba doon?"

Dinig ni Charlize ang pagbuntong-hininga ni Jace. Galing sila sa pagda-dive sa kweba sa gilid ng island. Lubog ang ilalim ng kweba sa tubig habang ang nagsisilbing bubong naman niyon ay sagana sa iba't-ibang laki ng stalactites. Ang ilalim ng tubig ay puno naman ng corals.

Iniwan nila saglit si Jace para kuhanan ng picture si Donna sa loob ng kweba pero pagbalik nila ay may kausap na itong babae na siyang ikinaselos ni Donna. Hindi man nito iyon aminin pero iyon ang ipinapakita nito ngayon. Kahit na wala itong sinasabi, nagseselos pa rin ito sa mga babaeng lumalapit sa binata.

Ngayon ay pabalik na sila sa hotel.

"Lagi ka na lang galit. Kung minamahal mo ba ako, eh di sana masaya ang mundo mo," wika ni Jace.

"Eh di, mas lalong naging miserable ang mundo ko kapag minahal kita, duh?"

Inirapan ni Donna si Jace pero kita ni Charlize ang bahagyang pamumula ng pisngi nito.

Tumabi sa kanya si Donna at ipinulupot ang mga braso sa braso niya. Nakapag-sorry na siya sa muntikang paghalik niya rito, na tinanggap naman nito. Hiniling niya na kalimutan na lang nila iyon. Kahit na napasimangot ay tumango na lang ito.

"Charle, my bebe labs, ilayo mo nga ako sa kurimaw na ito."

"Kung gusto niyo ang isa't-isa, bakit hindi na lang kayo magseryoso? Pinapasakit niyo lang ang ulo ko sa pagbabangayan ninyo."

Pinandilatan siya ni Donna. Si Jace naman ay itinaas ang isang kamay habang nakangisi.

"'Uy, seryoso ako, ha! Ito lang naman si Donna ang ayaw akong seryosohin."

"May naririnig ka bang nagsasalita, Charle my labs? Ako kasi parang wala, eh."

These two are helpless.

She sighed. Jace grunted. Naiinis na ito dahil kahit ano'ng seyoso nito, biro pa rin ang dating kay Donna. Jace told her once how frustrated he was on the girl.

She turned her gaze on the back entrance of the hotel. Then froze.

"O, anyare dito? May shooting ba ng hot fafas? Bakit nagkumpulan ang mga babae dito?"

She barely heard Donna. Iginala niya ang paningin sa mga babaeng naghahagikgikan, kinikilig na niyuyugyog ang mga kaibigan ng mga ito at tila nagkaroon ng puso ang mga mata. Then her eyes went to the guy painting on the wall, oblivious of the girls crowding and ogling behind him. His upper body was naked.

"Shocks! Ang ganda pala ng katawan ni Kilua. Pintor ba talaga siya o model?"

Kumislot ang puso niya nang marinig ang pangalan ng binata. Natauhan siya. Kita niya ang pagtutulakan ng magkaibigang naka-bikini para siguro makipagkilala sa binata.

Bago pa siya makapag-isip ay natagpuan niya ang sariling mabilis na naglalakad palapit dito. Then she's standing on his side before the girls approached him.

"What are you doing?"

He looked at her. When his hazel eyes rest on her face, she flushed. She just remembered that she's deliberately ignoring him since yesterday. Buo ang loob niyang kalimutan ito kahit napakahirap niyon. Kesa naman ang masaktan siya bandang huli.

The Rebel Slam Special Chapters: HASHTAG BLUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon