Chapter 1 Part 1: A hundred........................PESOS!

70 2 0
                                    

(FIRST DAY OF SCHOOL IN SECRET ACADEMY)

"Ay! Ano ba 'yan...!" sabi nang 3rd year high-schooler na si Dane

"Sorry miss... nagmamadali kasi ako eh... sorry talaga..." sabi nang nakabangga kay Dane

"Sorry sorry... ano bang magagawa nang sorry mo... Makakain ba yan?!" sabat ni Dane

"Babawi ako mamaya miss. Kita tayo sa labas nang gate pag uwian na!" pasigaw na sinabi nang lalake habang tumatakbo

"Hmmmp! (sabay irap) Che!" galit na sabi ni Dane

Pagkapasok ni Dane sa room niya... andun pala ang tatlo niyang kaibigan, si Harry, Arnold, at Lene.

"Dane!" sigaw na pagtawag nila Arnold at Lene kay Dane

"Hi frienship!" happing sigaw ni Harry

"Mag-classmates tayong apat?!" tanong ni Dane sa tatlo niyang kaibigan

"Friend, hindi eh, kasi andun sa list sa tapat nang pinto ng room na ito yung mga pangalan nating apat eh..., sige, alis na tayo Arnold at Lene, hindi naman natin room 'to eh at hindi rin naman natin kaklase yan si Dane eh. Tara na, baka andun na rin siguro yung teacher natin!" naiinis na sabi ni Harry

Umaaktong paalis ang tatlo...

"Huy, hindi naman sa ganun... nagtatanong lang naman eh!" nakasimangot na sabi ni Dane

"Joke lang!" sigaw ni Harry

"Joke lang pala eh! Ang dami mong sinabi… pero syempre, hindi ako naniwala, sumakay lang naman ako sa kalokohan mo eh! BHLEE!" sabi ni Dane

Tumawa si Lene at Arnold… nakangiti ng mapang-asar si Dane habang nakatingin kay Harry… at syempre… nanlilisik na mga mata ang binigay niya kay Dane

"Umupo na nga tayo, baka dumating na yung teacher!" sigaw ni Arnold

Umupo na nga silang apat. Sakto dahil dumating na nga ang teacher...

"Ok class... are all here?!" tanong nang teacher

"Ma'am... (hingal na sabi nang lalake) Sorry i'm late" sabi nung lalake

“Ok… You may take your seat…” sabi ni ma’am

"Oh My God! Kaklase ko siya?!" pabulong na sabi ni Dane

"Bakit, crush mo... Ayyyyyyyiiiiiiieeeeeehhhhhh!" sabat ni Lene

"No way!" galit na sagot ni Dane

"Ok class, are all here?!" tanong ulit nang teacher

"Yes ma'am!" sigaw nang lahat nang estudyante sa room

Clifford's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon