(Dane’s POV)
“Huy, ano nga pala yung ginawa mo kahapon?” tanong ni Lene sa akin
“Baka naki-pagdate…” sabat ni Harry
“Oo nga naman…” pagsang-ayon ni Arnold
Oo nga pala andito kami ngayon sa sasakyan ni Arnold. Sumabay na kami sa kanya, tutal, magkakapit-bahay lang naman kami eh!
“Ikaw Dane ahhhh, naglilihim ka na sa BESTFRIENDS mo ahhhh…” sabi ni Lene
“Huy, hindi ako naki-pagdate. Wala pa ako noh…!”
“Eh, ano nga ba ginawa mo kahapon?” tanong ni Arnold
“Hmmmmm…………………… may hiniram pa akong book sa library ehh…” pag-sisinungaling ko
“Di nga……” sabi ni Lene
“O sige, ayaw niyong maniwala ah (sabay pakita nang isang English book), o ayan ha, may patunay na ako!” taas-noo kong sabi
Sa totoo lang, napulot ko lang yung libro na yun, maayos pa naman at wala pang punit na page, kaya kung hindi ko kukunin, sayang naman, kaya ayun, nakatulong naman sa akin, hindi ko pala naalis sa bag ko kagabi eh…
“Hmmmh… sa bagay, libro nga naman ang nasa library… (alangan namang pagkain diba XD)” sabi ni Arnold
“Hayaan niyo nga lang yang pinaggagagawa ni Dane, ayan na tayo oh, papasok na tayo nang gate ng school…” pagsasalita ni Harry
“Oo nga naman…” sabi ni Kate
At ayun na nga… nakapasok na kami ng school… Tapos ayun… Lesson- lesson din pag may time…
(During the P.E class)
Andito kami ngayon sa Gym…
“Dane, asan yung damit mo?” pagtatanong ni Lene sa akin
“Ewan ko nga eh… Andito lang kasi yun kanina eh…” pangangatwiran ko
“O sige na nga, punta mo na ako dun… tulungan na lang kita mamaya ah! Bye, good luck na lang sa paghahanap mo!” pamamaalam ni Lene
Then ayun nga, nagsimula na akong maghanap… Then suddenly, dumating si DEMON, I mean si C, yung alam niyo na, yung si, CLIFFORD! Ba’t siya nandito! Grrrrrrrrrrrrhhhhhhhhhhhhhhhh!
“Miss, ito ba hinahanap mo? ...” sabi niya
Then naglabas siya nang P.E uniform na panmbabae… wait…
“Akin yan ha! Bakit na sa’yo ‘to, bakla ka ‘no, gusto mo magsuot nito kaya mo kinuha sa akin ‘no, bakla bakla bakla (pls. repeat as many as you can XD)” sabi ko, sabay kuha nung damit ko…
Nung nasa part na ako na malapit na akong mapagod sa kakasigaw ng ‘bakla’… biglang inilapit ni Demon yung mukha niya sa akin at akmang hahalikan ako sabay bulong sa tenga ko
“Pag hindi ka tumigil ng kakasabi mo ng ‘bakla’, hahalikan kita, o ano, hahalikan o titigil?” tanong niya SA’KIN na ikinagulat ko naman
“Titigil na!” sabay walk-out ko
“Alamin mo muna kasi yung totoong nangyari!” sigaw niya sa’kin…
Ano nga bang nangyari???!!!
Natapos ang P.E class naming ng wala ako! T^T.
“Bakit pa kasi napunta sa kanya yung damit ko! Huhu!” pag-iinarte ko sa harap ni Lene
“Malay mo hindi naman talaga niya kinuha yun sa’yo…” pangangatwiran ni Lene
“Eh pano nga kasi napunta yun sa kanya?! Tapos nung palabas na ako sa Gym bigla na lang niyang sinabi na alamin ko muna daw yung totoong nangyare… Eh ano nga ba?!” sabi ko
“Bakit hindi mo itanong sa kanya?” pagsa-suggest ni Lene
“Bakit ko naman gagawin yun?!” sigaw ko
Ah! Andito nga pala kami ni Lene sa Cafeteria, break kasi namin eh, kaya ayun! Kwinento ko sa kanya yung buong istorya ng buhay ko hanggang sa kahuli-hulihang pagsinghot ko ng oxygen dito sa mundong ito at syempre, joke lang yun kasi nga andito kami at kumakain ‘diba?! Haha, at ayun nga, katulad ng sinabi ko, kwinento ko yung nangyari kanina nung nawala yung P.E uniform ko hanggang sa huling salitang binitiwan ni Demon kanina sa pag-uusap namin! Tama na nga! Ang haba na!
“Para malaman mo yung pangyayari kung bakit napunta yung P.E uniform mo kay Papa Clifford!” sobrang sayang sagot ni Lene na parang uulan ng diamonds sa harapan namin at biglang tutugtog ng “Diamonds” ni Katy Perry… wait! Katy Perry? ‘Diba kay Rihanna yun! Anak ng teteng oh! Magkamukha kasi eh! (kahit na ang layo! XD)
“Imposibleng mangyari yun noh!” inis na sabi ko
Then nag-ring na yung bell- ‘Ring-ring-ring-ringringringringringring!’
______________________________________________________________________
Sorry po talaga sa sobrang tagal ng next chapter... Busy po eh... Try ko pong bumawi sa susunod! Salamat po sa mga nagbabasa!
BINABASA MO ANG
Clifford's Diary
Teen FictionHindi lahat ng nasasayo na, ay mananatili hanggang sa kailan mo gusto. Enjoy Reading!!!