THIRTEEN.
Yrl's POV ~
Grabe! Nasobrahan ata ako ng tulog. Sumakit ang ulo at batok ko. Aissh! Pagkatingin ko sa orasan, teka ala-syete palang? Ang aga pa pala. Halos dalawang oras akong nakatulog, maaga kasi kami nagbyahe ni daddy. Maduga nga eh! Sabi gabi, umaga pala. Bwisit! -.-
Maya maya't biglang bumukas ang pinto. Te-teka, si-sino toh? Hala!! Nakakatakot ang tunog. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko dahil sa nakikita ko.
Isang babaeng nakaputi, nakalugay ang mahabang buhok neto at maputi. Unti-unti siyang lumalapit sa akin habang nakaunat ang kanyang dalawang kamay."Awooooo! Awoooo!"
Paulit ulit niyang bigkas. Suntukin ko kaya toh?! Kaso babae to, hindi ako pumapatol sa babae."H-Hoy! Si-sino ka! Ba-bakit ka puma-pasok sa ku-kwarto ko!"
Bakit ba ko nauutal? Tumayo ako sa kama at saka kinuha ang unan para panghampas kung sakaling nanloloko lang ito! Teka! Mukha na kong bakla dito. Putek! Tadyak abot sakin nitong white lady na ito.Sino kaya toh? Imposibleng si Joyce, kahit siya lang naman ang nananakot sken nang ganito, na kahit di niya na ko takutin. eh takot na ko sa mukha niya. Imposible talaga kasi mukhang maganda tong multong toh. Eh mukha ngang anghel eh. Aissh!! Napagnasaan pa!
Dahil sa sobrang lapit niya, hahampasin ko na sana siya nang unan nang biglang hinarang niya ang kaniyang mga kamay mula sa unang dala ko. Naka-krus ang kamay niya na parang sinasabing 'shield'.
"O-o-ooops! Talagang mumultuhin kita kapag namatay ako! Hahaha. Hahaha. Hahaha" Saka ko inayos ang pagkakatayo ko. Nang masigurado kong hindi pala talaga ito multo, ay muli siyang humalakhak. Oo, halakhak! Hindi iyon tawa eh. Putek! Nawala ang kagwapuhan ko ah. Kabwiset!!
"Tawa ka ng tawa. Sino ka?! Magnanakaw ka noh?!" Hindi ko parin makita ang mukha niya dahil nahaharangan ito ng kaniyang mahabang buhok. Hindi siya tumigil kakatawa at tuwang-tuwa parin siya.
"Hoy! Tumigil ka nga!" Pagsaway ko! Para kasing bingi! Ilang beses ko na siya pinatigil! Isa lang diba?"Ayy. Sorry Sir, ako nga pala si Ligaya. Anak ng caretaker ng mansyon niyo. Pinapatawag na po kayo sa baba, para kumain. Haha. Ay. Sorry"
Pag-angat ng kaniyang mukha. Wowww! Makalaglag panga! Ang ganda niya lalo na kapag nakangiti. Shaaks! Bakit ngayon ko lang toh nakilala? *U*Teka! Anak siya nila Manang Ising?! Edi kapatid niya si bakekang. Este si Joyce pala. Ayy hinde! Napakaimposible, pero parang hawig yung mata nila. Ahh! Malamang na ampon lang itong si ligaya.
Ipinakita ko naman sa kanya ang ngiti ng isang Joaquin Yrl Lennox, isang matamis na ngiti. Sinuklian din naman niya ang mga iyon. Sinuklian niya ba? O natatawa na naman siya? Ayy Letche! Kahit ano dun ang ganda niya parin! Sana wag muna magpakita si Joyce para hindi pumangit araw ko.
"Ahh. Sige. Tara!" Saka ko siya niyayang bumaba para narin kami makakain. Pinauna ko siya syempre.
~~~~~
Ligaya's POV ~Kakagising ko lang mula nung mabalitaan kong umuwi si Tito Edgar. Yes, your right! I called him Tito because requested it. Sa una nga nahiya akong tawagin siyang Tito kasi nga amo namin siya, pero sabi niya parang anak na raw ang turing niya sakin simula ng nakalaro ko si Joaquin noon, kahit na inaaway ako ng anak niya! Humanda ka sakin Joaquin! Araw na nagpaghihiganti ko! WAHAHAHA! Masyado kasi siyang bully tsaka mapangtrip! Ako naman ngayon *U*
Pero bago yun, susuotin ko muna yung costume ko. Napag-alaman ko kasi na natutulog parin siya sa kwarto hanggang ngayon. Nagmala-white lady muna ako ngayong gabi.
Nagtataka ba kayo kung bakit ang bibo ko? Well, Im not like others na nagkakasakit. I know Im sicked, and its possible na pwede itong lumala. Hindi ko naman pinapabayaan kalusugan ko kasi ayokong mag-alala sila nanay. Kaya hindi ako nag-iinarte sa pagkain o kahit sa gamot. Kung sakali man na mawala ako, atleast na-enjoy ko yung buhay ko. At ang tanging nagpapasaya lang sakin ay ang mukha ni Joaquin bakas ang takot sa mukha niya. HAHAHAHA! Ngayon palang natatawa na ako, paano na mamaya. Kailangan kong magpigil.
Dumaan muna ako sa baba para makita si Tito Edgar, nakita ko siya sa sala at halatang gulat siya.
"Hi Tito!" Saka ako nagmano.
"Teka Joyce, ikaw naba yan? Ang ganda muna ha"Ahh. So, dati? Hinde? Hindi ako maganda? Aba't!
"Tito naman eh! Nagkasakit na nga, gumanda pa" Bakit totoo naman eh. Tss.
"Hehehe. Biro lang yun hija. Teka,
bakit ka nakaganyan?"
Saka niya tinignan ang kabuuang ako. Hahaha! Gulat siya oh."May na-miss lang ako Tito." Hahaha! Alam niya na ibig kong sabihin, namiss ko na siyang magtripan.
"Ok. Ok. Alam kong matutuwa siya" Saka siya ngumiti ng nakaka-ewan. Matutuwa o matatakot? Hahaha! Sana miss niya rin ako *U*
Bumeso ako kay tito at saka nagpaalam. Paakyat na ako ng bigla akong sinigawan ni inay.
"Ligaya! Sabihin mo rin na kakain na. Wag kang magpapawis!"
Ang ingay talaga ni Inay! Tss. Pumanhik na ko sa taas.Nandito na ko sa harap ng kwarto niya. Unti-unti kong binuksan ang pintuan ng kwarto and I make it sure na it will sounds creepy. Kahoy kasi ang pinto tsaka may katandaan, kaya tama lang ito sa set. Hahaha! Para akong tanga dito.
Unti-unti akong pumasok nang hindi nakahawak sa doorknob. Mukhang baliw naman tignan kung yung multo nakahawak sa doorknob diba?
Nang makapasok na ko, sinubukan kong lumapit sa kanya ang sinasabing "Awooo! Awooo!"
Alam niyo kung matalino tong si Joaquin, malalaman niya agad na hindi ako multo eh. Minsan talaga may pagkashunga itong lalaking toh! Tss -___- Ano naman kayang nagugustuhan ng iba diyan? O baka nabulag ng takot!? Natatawa na talaga ko. Hahaha! Buti nakaharang ang buhok ko, hindi niya ko nakikita!"H-Hoy! Si-sino ka? Ba-bakit ka puma-pasok sa ku-kwarto ko?!"
Nauutal niyang sinabi! Tawang-tawa na talaga ako! Hahaha! Malapit ng lumabas. Para kasi siyang ewan! Ang panget tignan!!Nang sandali pa, ay kumuha na siya ng unan at tatangkaing hampasin ako. Buti nalang at agad kong naitaas ang kamay at ginawa itong proteksyon kung saka-sakali. Pero syempre, hindi ko na hinintay yun noh, ano ako adik? Nakahithit? Agad akong nagsalita ng mabigyan ako ng pagkakataon.
"O-o-oops! Talagang mumultuhin kita kapag namatay ako. Hahahaha! Hahahaha! Hahahaha!"
Sorry. Hahahaha! Kanina pa kasi ako nagpipigil ng tawa eh. Eh ang sarap tumawa oh! Hahahaha! Ang saya saya talagang makita ang mukha ni Joaquin na takot! *U*"Tawa ka ng tawa! Sino ka?! Magnanakaw ka noh?!" Hahaha! Hoy ang kapal ng mukha neto! Hindi niya ba ako kilala?! Tss. Kinalimutan niya ko agad? Bwiset! Pero talagang natatawa pa ko! Hirap kaya magmove on! Tagal ko narin tong hindi naaasar noh!
"Hoy! Tumigil ka nga!" Hala! Nagalit na ata. Hehehe! At dahil hindi mo ko nakilala."Ayyy. Sorry Sir, ako nga po pala si Ligaya. Anak ng caretaker ng mansyon nyo. Pinapatawag na po kayo sa baba para kumain. Haha. Ay Sorry" Saka ako umayos ng tayo at inayos ang buhok ko. Pinawisan ako dun sa kakatawa hah. Hahaha!
Nginitian ko siya dahil baka sakaling maalala niya ko. Imbis na sabihin niyang 'Ang panget mo! Wag ka ngang ngingiti' tulad ng ginagawa niya sakin noon. Hinde! Aba ang loko! Nginitian din ako pabalik! Hahaha! Natatawa na naman ako! Anong mayroon sa lalaking toh! Oh baka naman pati ligaya e hindi niya alam kung saan nanggaling!? Ayy jusmiyo!! Ligaya para sa word na Joy, short for Joyce. Ang shunga niya talaga!! Naku!!
"Ah. Sige. Tara na."
Himala! Pinauna niya kong bumaba. Eh dati, nauuna pa siya sakin! Teka! Si Joaquin ba talaga toh?! Kabwiset! Ibalik niyo ang dati!~~~~
A/N: Hanggang dito muna :3 Pramis! Itutuloy ko ito :D
BINABASA MO ANG
One part in Paradise (EXOFF) REVISING
FanficA story of a boy, who grew up with his strict parents. He is the leader of a group, who will always make troubles in their school that his parents owned. He do something bad, so his parents disciplined him by sending him in their hacienda. What will...