"hoooyy!!!!keeeeennnddddyyyy!gumisiiiing kana!! malalate na tayoooo!!" naririnig kong kinakalabog ni sandy ang pintuan ng kwarto ko. Haaay! first day nanaman ng school! Eto kasi talaga ang ayaw ko eh yung first day puro lang naman introduction
"Eto na eto! baba na ako!" sagot ko naman sa kanya. at habang bumabangon ako nililigpit ko na ang aking kama. At pagkababa ko may mga pagkaing nakahanda sa lamesa
"Wow! Ikaw nagluto nito?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin ako sa mga pagkain
"Malamang! tayong dalawa lang naman nakatira dito eh!" oo nga pala bago ang lahat ako nga pala si kendralyn santos pero ang tawag nila sa akin ay kendy masyado daw kasi akong sweet 17 years old na ako at si sandy at kaming dalawa lang ni bestfriend sandy ang nandito sa bahay minsan kasi nauwi rin si kuya kevin dito sa bahay kasi nagaaral siya sa ibang university at kami ay nasa 1st year collage pa lamang. ang mga magulang ko namin ay nagtatrabaho sa ibang bansa actually magkaibigan din ang mga parents namin ni sandy.
"Si kuya kevin pa kaya" with matching dila pose pa ako.
"Baket nandito ba siya?" pataray effect pa tong best friend ko! sapakin ko to eh -_-
"Sige na kumain na tayo!" psh -_- umupo na ako sa lamesa at pati na rin siya. tahimik lang kaming kumakain pero biglang!
"Ahhhhhh!!!" sumigaw siya ng pagkalakas lakas at halos mabingi ako doon!
"Hoy! ano kaba kita mong kumakain ako eh tapos sisigaw ka dyan! sapakin kita eh" sabay subo ko ulit ng sinangag with matching egg and hotdog. matakaw na kung matakaw! :D
"Hindi mo ba alam kung anong oras ang pasok natin?" bigla nya akong tinanong pero teka ano nga bang oras ang pasok namin?
"Hindi, baket?" tanong ko habang umiinom naman ako ng gatas. at halos maibuga ko yung iniinom kong gatas ng sabihin siya sa akin.
"Edi 8:00" 8:00??!!! eh 7:30 na eh. so ibig sabihin may 30 na lang ako dahil si sandy ay nakaligo na slash nakabihis na siya!
"Ahhhhh!!!!" ako naman ang sumigaw ngayon at sobrang nagulat talaga siya, pero patakbo akong pumunta ng cr para maligo na agad. at pagkatapos kong maligo meron nlang akong 15 mins, para magayos dali dali din akong umakyat sa taas at nagibihis. kung ano ano na nga lang bihis ang gnaw ako eh.
"Halika na! takbuhin nanaten para mas mapabilis tayo" at ayun tinakbo nga namin ni sandy. at halos pawis na pawis kaming dumating sa school. at may nakalagay doon sa harapan na WELCOME TO DREAMLAND UNIVERSITY. Psh, -_- ang korni talaga nung name.
At sa ngayon hinahanap namin ang english room ni sandy. dahil yung room ko ay nasa kabilang building pa. at sa wakas! nahanap rin namin siya!
"Oh sige. kita nalang tayo dun sa may park sa likod ah!" hindi nya ba ako ihahatid? huhubells. alam ko nanaman itong school na ito kahit bago palang ako kasi nilibot nanamin ito dati ni sandy nung nagenroll kami dito. malaki ito at private school.
Habang hinanap ko ang aking room sa kabilang building ay may napansin akong pagtitipon ng maraming tao at silang lahat ay nagsisigawan yung iba parang kinikilig pa nga eh. Ano kaya meron dun? lumapit ako at may naririnig akong mga "omg! ang pogi ni Prince Tristan!" sabi ni girl 1 "Hindi kaya! mas pogi kaya si Prince lesther" sabi ni girl 2 "No way! mas pogi si Prince Troy" sabi ni girl 3 "Ano?! mas pogi kaya si Prince Jiro" sabi naman ni girl 4. Ha? sino ba yang mga yan? hindi naman sa interesado ako sa kanila ay tinanong ko yung apat na lalaki sa babaeng nasa harapan ko
"Miss, pwede magtanong? sino ba yang apat na lalaking yan? pagtatanong ko sa babae ngunit nagbago ang expression ng face nya.
"Hindi mo sila kilala?" itatanong ko ba kung kilala ko sila? psh -_-
"Hindi eh"
"Eh?"
"Anong eh?" ang korni naman nito!
"Yung lalaking nakablack si prince troy, yung isa naman si prince tristan yung nasa kabila si prince lesther at yung leader nila na pogi din si prince jiroooo! kyaaaaaaah!!" ha? hindi ko siya nagets
"Ah! ok salamat" yun na lang ang nasagot ko sa kanya
At matapos kong malaman kung ano yung pinagkakaguluhan nila don. hinanap ko na ang aking english class at saktong wala pa naman ang aming professor. syempre dahil hindi ko nga classmate si bestfriends sandy huhu parang nagiging loner ako dito. at maya maya dumating na ang prof namin.
"Goodmorning class"
"Goodmorning sir"
"Anyway, i'm sir del mundo"
"Hi sir del mundo"
"Ok i will introduce first the blah blah blah" huhu sabi na nga ba eh. puro discuss kakatamad maya maya may dumating na
"Mr. Smith and Mr. Lee both of you are late!" teka parang nakikilala ko sila ah!
"So what?" parang kilala ko talaga sila eh. hindi nalang sila pinansin nung aming prof. pagtingin ko sa likod lahat ng babae kinikilig!
"hi prince troy" sabi nung nasa harapan ko. nginitian naman ito at parang umaktong mahihimatay yung babae. Oa ah! pero siya pala si troy eh sino naman kaya yung isa?
"Omg! girl si prince jiro oh! hii prince jiro :)" ah so siya pala si jiro! pero imbis na ngitian ito inisnob lang ito. wawa naman yung girl.
naglalakad na yung dalawa at papunta sa kanilang upuan eh ang vacant lang naman ay ang likod ko so dun sila umupo. at habang sinusulat ko yung nasa board ay nalaglag ang ballpen ko
"Sh*t" bulong ko at hinahanap ko ang ballpen ko at biglang
"Is this yours?"
