"Is this yours?" bigla akong tinanong nung troy
"y-yes" nauutal akong sumagot nun. huhu kakahiya
"Here"
"t-thanks" with pilit na smile. he smiled back then he started to write again. ang cute nya pag nagi'smile pero pagtingin ko sa katabi nya na si jiro nakatitig ito na parang death glare nya at parang sinasabi na "wag-ka-ng-lumngon-ulit-dito-look" kaya nagsulat na lang ulit ako.
At ng matapos ang english class pumunta na ako sa next subject ko at dahil wala pa naman ang aming next prof. ay lumabas muna ako saglit at nagmuni muni dapat pupunta ako ng canteen pero biglang
"Hi"
"Ay! kabayo!!"
"Kabaya ba ako?" at pagkalingon ko si troy pala.
"Ha? hindi ah! nagulat kasi ako sayo eh"
"Ah! ako nga pala si troy. and you?"
"Ah. ako nga pala si kendra, kendy for short"
"Nice to meet you kendy"
"Nice to meet you din" then he started to smile again omy! ang lovely ng eyes nya at ang tangos ng ilong nya. uyy! wala akong gusto dito ano!
"So classmate pala ulit tayo"
"Ha? ah oo nga eh"
at biglang may lumapit na isang guy na pogi din
"Oy! troy sino yan? bago mong chiks?" sabay tawa
"Haha! hindi ah! anyway she's kendy, kendy this is tristan"
"h-hi!" sabay ngiti
"Hello binibini"
ngiti na lang ang naisagot ko sa kanya. wooaah ang popogi pala talaga nila! pumasok na ako sa loob kasi medyo nakakailang yung mga ibang babae nga kung makatitig parang gusto nila ako kainin. huhu
sakto namang pagpasok namin nandito na yung prof. at nakakaboring ulit kasi mahabang discussion nanaman ito. nagsusulat ako ng biglang may kumalabit sakin
"Hi! ako nga pala si cassandra. cassy for short" maganda rin si cassy. ang puti kasi
"Ah, nice to meet you cassy, ako nga pala si kendra, kendy for short"
"Nice to meet you din, bago ka din dito?"
"Oo eh ikaw?"
"Bago lang din" sabay ngiti. she's so pretty lalo na kapag naka'smile
pagtapos naming magusap nagsulat muna kami ng nakasulat sa board. and then
"You may take your lunch class" at ayun! nagunahan na yung mga classmate ko. pero tumingin ako kay troy at ngumiti rin siya! ooweeemgii! hanlandey ko na.
"Kendyy! sabay tayo maglunch plit" ahh! ang cute talaga nitong babaeng to gumamit pa siya ng pacute effect nya!
"Ha? o-osige"
"YEHEY! thank you ah! pwede ba kitang maging kaibigan?"
"Ha? oo naman noh!"
at ayun! tuwang tuwa siya. pero happy rin naman ako kasi nga may kaibigan na din ako bukod kay sandy. speaking of sandy asan na ba yung babaeng yun ang sabi ko sa kanya dun kami sa may likod magkita eh. pero wala naman dun! makapunta na nga lang sa canteen!
