AASA PA BA?

29 2 0
                                    

Mhickscoloreal

-1-

"Hanggang saan mo kayang umasa?"

Isang katanungan ang bumasag sa isipan ko habang ako'y nangangarap na kasama siya. Tinignan ko si Tintin at sinagot ng buong katangahan ang tanong niya.

"Hanggang sa marealize niya na may Ako na nagmamahal sa kanya!", sinabayan ko ng yuko ang mga sinabi ko na wari'y nagbitiw ako ng declamation.

Nagpalakpakan naman ang dalawa kong kasama si Tintin at Shane.

"Grabe Bes, hangang hanga kame sa pagka Martyr mo dinaig mo pa ang Gomburza sa mga salita mo!',May palisik lisik na matang sabi ni Shane.

"Uso ngayon ang parada ng tanga, tara na! ipipila kita!", anyaya ni Tintin.

Ramdam na ramdam ko ang umaapaw na suporta ng mga kaibigan ko sa akin para sa kanya, na kulang nalang bigyan ako ng tropeyo.

"Alam niyo ililibre ko kayo sa Dad's kapag naging kame!', saad ko.

Nagtayuan naman sila at hinila ako.

"Alam mo, hindi na kailangan kasi hindi naman mangyayari! saka diet kame!", Sagot ni Shane.

Isang taon na akong nag aantay at umaasa sa isang kaibigan na may ibang gusto, gusto pa naman diba?? wala pa sa mahal xD
Kaya heto ako effort kung effort para magustuhan niya ako.

Napagod na siguro ako sa Mag bestfriend na turingan namin, gusto ko namang mag Level up!
Hohoho (ノ^o^)ノ

-2-

"New year's Resolution ba yan  December palang ah!?", kinuha ni Tintin ang papel na sinusulatan ko at binasa ng malakas ang mga nakasulat dito bigla siyang natigilan at tumingin ng masama sa akin.

"Seryoso? Magtatapat ka ng feelings mo sa kanya? Anong parte ng salitang Hindi pwede ang hindi mo maintindihan?", Nakapamewang na sabi niya.

Grabe, napaka supportive talaga nila  halos maiyak ako sa tuwa sa mga pinagsasabi nila.

"Yung salitang Pwede!", sagot ko.

"Hay Naku Mary Louise! Uulitin ko ulit ang salitang "Hindi Pwede" at baka sakaling maintindihan mo na!", Umupo sila sa harap ko ,kumuha ng papel at sinulat ang mga salitang Hindi Pwede.

"Hindi Pwedeng maging kayo dahil may gusto syang ibang babae at HINDI IKAW YUN!
Hindi pwedeng maging kayo dahil matagal na niyang plinano na magtapat sa babaeng gusto niya AT HINDI IKAW YUN!
Hindi pwedeng maging kayo dahil KAIBIGAN ka lang niya!
At higit sa lahat Hindi pwedeng maging kayo dahil WALANG KAYO!
Ngayon saan dyan ang hindi mo maintindihan?"

Kinuha ko ang papel at tinitigan ito.Ngumiti ako at kinuha ang ballpen kay Tin.

"Ah alam ko na yung salitang Hindi! Kapag inalis mo yan, edi pwede na!", sabay cross out ko sa mga salitang 'Hindi' .

Napa face-palm nalang si Shane, at Sinubsob naman ni Tin ang mukha niya sa mesa.
Napanga-lumbaba nalang ako at inisip kung papaano siya magtatapat sa akin.

Nabasag nalang bigla ang pangangarap ko ng biglang lumapit ang isang taong kanina lang nasa isipan ko at dahilan ng mga pangarap ko, ang dahilan ng kabaliwang ito.
Nakangiti siyang lumapit at hinimas ang likod ng dalawang kong kasama.

"Oh, mukhang naluge kayo dyan ah!", Umupo siya sa tabi namin.

"Ganda ng araw mo ah!", bungad ko sa kanya.

"Syempre kailangan yun, dapat isipin mo yung inspirasyon mo na dahilan kung bakit ka gigising ng umaga ,papasok sa trabaho, at sa eskwela para kahit gaano kapangit ang araw mo kapag naisip mo siya, balewala lahat ng badtrip, lahat nag pagod!", Pinalakpakan ko sya sa mga sinabi niya.

Aasa pa ba? (one shot)Where stories live. Discover now