Fin.

14 2 0
                                    

"Yung microphone ba na check niyo na??", Radio ko sa Production namin, Busy busy-han ako para sa Presentation namin ngayon.

"Asan na ba si Tin?", Luminga linga ako. Sumilip ako sa labas. Nasa likod ako ng stage.

"Louise, pwede ba tayong mag usap?"

Isang familiar na boses ang narinig ko mula sa likod ko, tinignan ko siya .

"Mamaya nalang after ng Program!", ngiti ko.

Pumunta si Rhys sa harap ng stage at naupo.

"Where is Miss Celestine Doronilla? andami ng tao sa labad nag aantay!!",

Sigaw ng teacher namin.

"Ma'am sya nalang po kasi yung kulang!", sagot ko.

"Bes! Spoken Word na!", Senyas ni Shane.

"Ano Miss Ison pag aantayin naten ang mga audience??", Nanlilisik na ang mga mata ni Ma'am.

Asan na ba kasi si Tintin??

"Bes! diba ikaw nag sulat nung Monologue ni Tin??", Shane.

Napatingin sa akin si Ma'am na naka taas ang kilay at agad na hinatak ako papuntang stage.

Tumingin ako kay Shane.

"Bes! Hindi ko kaya!", bulong ko.

"Kaya mo yan , mag emote ka lang ,syempre mag pala totoo ka!", sabay thumbs up niya.

Nasa stage ako at ako'y kinakabahan. Mababa lang ito kaya halos ka level ko lang ang mga nanunuod.

"Ahem..."

Ilang taon pa ba ako mag aantay?
Ilang papansin pa ba ang gagawin?
Ilang sakong bigas pa ba kakainin para ako'y iyong mapansin?

Balita ko may iba kang gusto!
Oo, umaasa ako na sana ako yung taong yun.
Sa mga bibitawan mong salita, iniisip ko na lahat ng yun merom ako, na lahat ng yun ay Ako! na kulang nalang banggitin mo ang pangalan ko!

Nagulat ako ng makita kong kasama ni Shane si Tin tin, at kumakaway pa saken tinabihan nila si Rhys.

Magkukwento ka ng patungkol sa kanya, at iniisip ko na ako siya, kaso..
Kaso sinabi mo matangkad siya, maputi at maganda,
ilang beses kong tinitigan ang sarili ko sa salamin,
Hindi ako maganda, hindi ako maputi at higit sa lahat hindi ako matangkad!

Pero mabait ako, iniintindi ko bawat sulok ng ugali mo.
Inuunawa ko lahat ng kabadtripan mo.
Tinitiis ko lahat ng pang aasar mo.
Tinatadtad kita ng chat para lang pumasok ka, hindi para makita ka kundi para pumasa ka at makasabay sa pag martsa.

Aasa pa ba? (one shot)Where stories live. Discover now