Pogi Problems (Oneshot)

71.3K 1.2K 482
                                    

 "Some good things fall apart so better things can go together."    -Marilyn Monroe


"May ikukwento pala ako sa inyo! Kanina nung pumasok ako may biglang pinagkaguluhan, akala ko kung ano, yung I.D. ko lang pala!" sabi ko

 "Tapos bago ako pumasok dito sa room, may nadapang babae at dahil mabait ako tinulungan ko naman. Pero pag harap ko lahat ng babae nadapa na!" sabi ko ulit

"BOOM! POGI PROBLEMS!!!" sabat nung mga lalakeng blockmates ko

"Hahahahahahahahahahaha!!!!" tawa ng buong block namen

Eto na naman siya tumatawa na naman sa kagagawan ko

"Sheeettt!!! Angelo ang lakas ng hangin! Confidence mo nag uumapaw!" sabi niya sa akin 

"Aba Trina! Pogi naman talaga ako ah! Sobrang dami kayang nagkakagusto sa akin sa kabilang block! Saka diba dati may crush ka rin sa akin!" walang habas kong sabi sa kanya

Totoo naman eh!

"Ayyyyyyyyiiiiiiiiiiiieeeeeeeeeee" asar naman bigla ng mga blockmates namen

"HOY! Manahimik nga kayo! Hoy, Angelo! FYI, elementary pa tayo nun! 2nd year college na ho tayo! Move on please! Saka ano ka ba meron na kaya akong——" naputol bigla yung sasabihin nya nung tinawag sya nung bestfriend nya na ka-block din namen.

"Trina! Halika dito dadaan si Kiel mo! Dali!!!" tiling sigaw nito galing sa pinto... Nagbabantay siya eh.. Inaabangan yung professor naming late lage

Kaya eto namang si Trina eh dali-daling pumunta sa pinto at saktong pagkarating nya dun eh, dumadaan si Kiel... Si Kiel na 3rd year na at taga MasCom Departement na crush ni Trina since 2nd year high school. Galing ni Trina magmahal noh? Stick-to-one. Nagtataka kayo kung bakit ko kilala si Kiel? Eh araw-arawin naman ba ang pagdaan sa room namen edi syempre laging titingin si Trina sa kanya, kaya nag.... Nakakahiya man sabihin... Nag stalk ako... At inalam ko yan lahat.

Nakatitig lang ako sa kanya, ang ganda ng ngiti nya, nag nining-ning na naman yung mga mata nya tapos namumula na naman sya sa kilig dahil nilingon sya ni Kiel. Kaya halos magkanda sugat-sugat na si Kat. Nakatulala lang ako ng may biglang kung sinong demonyo ang bumulong sa akin

"Yung feeling na gusto mo ipag sigawan sa buong mundo na Mahal mo siya, pero hindi mo magawa kasi baka hindi ka niya marinig kasi busy siyang ipagsigawan sa buong mundo yung pangalan ng taong mahal niya. Torpe Problems" 

Napalingon naman ako bigla dun sa demonyong nagsalita sa likod ko.

"Gago! Anong pinagsasabi mo Ivan?" sabi ko. Kaibigan ko yan, blockmate din namen, 

"Mas gago ka! Hahahaha!!! Tinamaan ka ba? Torpe mo kase eh, elementary pala may crush sayo di mo pa sinabing I Crush You too!"

Babatukan ko na sana sya nung biglang pumasok yung Prof nameng 30 minutes late. Pinaupo na kami... Napatingin naman ako kay Trina..ng bigla kong naalala yung sinabi ni Ivan

"Yung feeling na gusto mo ipag sigawan sa buong mundo na Mahal mo siya, pero hindi mo magawa kasi baka hindi ka niya marinig kasi busy siyang ipagsigawan sa buong mundo yung pangalan ng taong mahal niya."

"....Mahal mo siya, pero hindi mo magawa kasi baka hindi ka niya marinig kasi busy siyang ipagsigawan sa buong mundo yung pangalan ng taong mahal niya." 

"....busy siyang ipagsigawan sa buong mundo yung pangalan ng taong mahal niya."

 Buti na lang last class na namen toh! At konting oras na lang papakawalan na kami ng Prof namen... Gusto ko ng umuwi, biglang sumakit yung ulo ko sa kagaguhang sinabi ni Ivan eh...

Pogi Problems (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon