Sa buhay ng bawat tao, may apat na bagay ang dapat siyang gawin: ang Mag-aral, Magtrabaho, Mag-asawa, at Mamatay. Life goals, kumbaga. At sabi nga nila, (Joke lang. Nanggaling lang ang sasabihin ng manunulat ng kwentong ito sa linalangaw niyang utak.) sinuman ang maka-accomplish ng apat goals na nasa itaas ay magiging kontento sa afterlife. Iyong tipong wala nang maririnig yung kapitbahay mula sa inyo ng, "Uy, si Lolo Liwoywoy nagparamdam sa'min kagabi!" Tapos yung sasagutin kayo ng, "Baka hindi pa na-mission accomplish yung mission niya dito kay Mother Earth na unti-unti nang nagiging panot kaya nagparamdam kaya ganun."
Rest in peace, in short.
Readers: Taena, RIP lang pala, pinahaba pa.
Syempre, tatlo sa life goals na yan ang compulsory, though it's a sad thing na hindi nagagawa ng iba ang ibang life goals katulad ng mag-aral at nag-accelerate kaagad sa Magtrabaho goals, pero may isang optional na goal. The answer is so obvious: Ang mag-asawa.
Bakit?
Because sucks to those who are completely normal but could not do the have a job goals. Because part II, who don't die?
So this is the question: What does it take when a man become bound with a woman?
Answer: Love, happiness. Bonus ang bed scenes and baby making.
Question no. 2: But what does it take if the two people who don't wanna get married become bound because their parents wanted it and fixed them?
🔳🔲🔳🔲🔳🔲🔳🔲
"You may now kiss the bride," deklara ng pari. Pero dahil masyadong excited ang bride, nasa 'kiss' pa lang, nakanguso na. Inis na tinitigan siya ng groom saka ni'to tinanggal ang veil na nakatabon sa bride."Uy, dali," nakangusong sinabi ni bride. Palihim na umirap ang groom. Nagulat ito nang lumapit bigla ang nguso ni bride. Hinablot ni groom ang panyo sa bulsa ng dibdib niya sabay takip sa mukha ni bride. Doon ay mabilisang binigyan ng halik ni groom si bride. Pero sa pisngi lang. SAFE.
Bride: Ang bakla. Hmpf.
"Therefore, I now pronounce you husband and wife."
Unti-unti, bored na nagpalakpakan ang karamihan sa mga tao sa simbahan. Palibhasa kasi, puros mga lalaki ang mga pinag-iinvite ng bride. Ovkors, lahat yun may crush kay bride. Ikaw, matutuwa ka ba kapag kinasal ang crush mo?
Samantalang kay groom, 30% lang yata dun ang in-invite niya na puros mga business tycoons and sorts. Mayaman kasi si groom, natural lang yun 'no. Ano ba'ng new?
Sa reception, sa pwesto ni bride. . .
"Sinabi ko na sa'yo na yung inorder nating gown ang isuot mo! 'Yang luwa ang suso at kita ang kuyukot mo pa rin ang sinuot mo! Hindi ka na nahiya! And I didn't expect na puro lalaki ang mga naging bisita natin! Nasa'n na yung mga invitations para sa mga amigo at amiga ko?! Hindi mo binigay?! Kailan ka ba makikinig sa'kin, Maria Clara Cassandra?!"
Ngumiti ng matamis si bride, "Thankyouuu, Ma. 'Yan ba ang gift mo sa'kin sa kasal? Hihi."
Napasapo na lang sa noo si mother ni bride. "Ugh."
"Pen Pineapple Apple Pen! Dugdugdug-dugdugdug! Hihih," sagot ni bride sabay sayaw ng PPAP habang nakaupo't kumakain.
Meet Maria Clara Cassandra Suvisor-Jimenez. 26 years old. Anak ng balong negosyante. May beauty, may sexy body, pero WALANG brain. Pangalan niya lang ang konserbatibo. Asaness! Ika nga niya, modern maria clara daw siya. Wild. Walang trabaho. Suki ng Hot Legs Club. Bakit napasok siya sa isang arranged marriage? Dahil sawa na ang bitter niyang nanay sa kakaasikaso ng mga lalaking inuuwi niya gabi-gabi.
YOU ARE READING
Arranged Marriage Isn't As Easy As What You Think It Is
HumorOpposites attract daw eh, so, ikinasal ang isang sintu-sinto na babae sa isang desente na lalaki. © All rights reserved.