Kabanata 15

8 3 0
                                    

Brotherly Side

Hindi na akong nag abala na habulin si Andre dahil magkikita naman kami sa bahay mamaya at isa pa, napaikot ata ako ni Kulas sa mga sinasabi niya. But I really do think that it was out of pity. Seriously.

Kaya naman nang hindi ko na sinundan si Andre, napakalaki ng ngisi niya na halos umabot ito sa kanyang tainga. Tinaasan ko siya ng kulay at napatingin sa mga estudyanteng tinitignan kami. Agad namang uminit ang pisngi ko sa pag alala sa ginawa ni Kulas kanina lamang.

"K-Kulas." Napatingin ako sa kanya sa takot sa mga sasabihin nila sa akin lalo na't mahal nila si Kulas.

Lumapit siya sa akin at bumulong sa tainga ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Lumala lang ata ang kaba ko sa ginawa niyo.

"Huwag mong isipin mga sinasabi nila. Mas maganda na ring alam nilang sa akin ka lang."

Kumunot ang noo ko at inirapan siya. "Hindi mo ako pagmamay-ari. Hindi pa kita sinasagot!"

He looked amused. "Ano?!" Pinagtaasan ko siya ng boses.

Ngumuso siya para pigilang ngumiti ngunit hindi na niya pinigilan. Muntik na akong maglaway sa harapan niya. Paano ba naman kasi, ang gwapo niya! Hindi naman siguro masama na iadmire at yun naman ang totoo!

"Hindi PA. So, may balak ka?" Ngumisi siya.

Uminit ang pisngi ko. "W-Wala!"

Humagalpak siya sa tawa kaya maslalo naman akong naging kamatis sa harapan niya. Sinuntok ko siya sa braso at umalis na sa harapan niya kahit medyo sumakit ang paa ko sa pagmamadali ko.

Bwisit talagang saklay!

"Huy! Babe! Wait up!" Medyo hindi pa siya nakakarecover sa tawa niya.

"Babe!" Tawag niya ulit.

Hinarangan niya ako nang makalapit sa akin. "Babe." Ulit niya habang nakangiti.

Inirapan ko siya uli. "Huwag mo nga akong mababe babe jan!" Masungit kong sigaw pero sa totoo ay may kumikiliti sa tiyan ko. Siguro ay hindi ako nakakain ng maayos.

"Huwag ka ng magtampo, mahal ka ng boyfriend mo." Malambing niyang tono.

Lumunok ako. My heart skipped a beat at that. Bakit, bakit ang sarap pakinggan? Umiling ako at huminga ng malalim.

"H-hindi kita boyfriend! Huwag kang mangarap! Now, set aside!"

Tumawa siya. "Hindi ko alam kung anong masgusto ko. Ang pikon mong side or yung palangiting prinsesa. I'm confused. Pero, di ko naman na kailangang pumili. I get all of you."

May batong bumara sa lalamunan ko. First time ko makarinig ng ganito galing sa katulad niya. It feels like I've reached the biggest star but I'm not holding on to it. He's just too much. Hindi ko alam kung paano magreact sa harap niya. Parang hindi ko kayang ihandle.

He's too good for me. Ayoko magrisk. Una, dahil si Andre ang mahal ko. Pangalawa, hindi ko siya kalevel. Kumbaga langit siya, lupa ako. Wait, saan ko ba napanood iyon. Umm, parang diyos siya at ako naman ordinaryong tao lang. I'm just Carissa and he is The Nikolas. At lastly, natatakot ako sa hindi ko malamang dahilan.

"H-Hey, are you okay?"

I snapped. Halos mabali yung leeg ko sa pag angat ko ng ulo sa kanya. "Y-yeah." I awkwardly chuckled in embarrassment.

"May masakit ba? Okay lang ba yung paa mo?" Concern was evident in his voice.

"Okay lang naman." Ngumiti ako sa kanya.

Umiling siya. "Tara, iuuwi na kita sa inyo."

"No, seriously. I'm okay."

"Carissa."

IgniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon