kizzy

47 2 0
                                    

Sa bawat araw na ikaw ay nakikita,
Nasisilayan ang gandang biyaya.

Mga matang nakakalula,
Na kapag sumulyap ay nakakaluha.

Mga ngiting nakakaaliw,
Na kapag sumila'y nakakabaliw.

Sa bawat araw na ika'y nasisilayan,
Ang puso ko'y tumatambol sa kaligayahan.

Mga pagkakataong hindi inaasahan,
Na makita ka ng husto sa malapitan.

Sinasaulo ang bawat nakikita,
Upang sa pagtulog ay hindi mawala.

Ang mga biloy mo sa pisnge,
Na kapag sumila'y parang naka ngiti.

Nakaka-akit silang tingnan,
Na parang may nagrarambulan sa aking kalamnan.

Mga paru-parong lumilipad,
Kapag nasisilayan ka't ang buhok mong matingkad.

Ang boses mong malambing,
Nakapag narinig mo'y nakakahumaling.

May kakaiba kang ganda,
Na hindi katulad ng iba.

May malakas ka ring karisma,
Na hindi na kaylangan pang ipaglantaran pa sa iba.

-blew😘

Hear MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon